Laine's POV
Nag reready na kami papunta sa bahay ng mga Albino. Bahay nila faye.
Remember, ngayon gaganapin ang party. Dahil ngayon dadating ang kuya nya.
Inilugay ko lang yung buhok ko at nag headband na kulay pula Dahil tinatamad na akong ayusin
Yun.Isang simple red dress ang sinuot ko na may disenyong ribbon. Yung katulad sa mga pambatang dress. Malaki lang yung sa akin na hanggang tuhod ang haba.
Na gets nyo bah??
Ah, basta yun na yun. Hehehe. Sensya na. Hindi kasi ako magaling mag describe eh.
Dahil hindi ako mahilig sa high heels. Pinili ko nalang yung color red na flat shoes.
Oh, diba parang birthday ko lang ngayon. Kulay red kasi lahat ng suot ko eh. Hahaha
Tumayo na ako at tinignan ko yung buo kung katawan sa salamin.
Umikot-ikot pa ako.
Nang masiguro kung maganda na ako kahit hindi naman kailangang siguraduhin. Dahil matagal naman akong maganda
Owwss. Talaga?? Maniwala..
Singit namang sabi ng isip ko.
"Tsk. Kahit kailan talaga ang epal ng isip ko. Di man lang marunong sumuporta."
Tama na nga tuh. Mukha na akong baliw dito dahil kinakausap ko lang yung sarili ko.
*tok *tok *tok
"Anak hija. Are you done?"
Tanong ni mama mula labas nang kwarto ko.
"Yes. Ma."
Tumayo na ako at lumabas na nang kwarto ko.
--------------------------------
Malapit ng 6 pm nang dumating kami sa mansion ng mga Albino.Bumaba na kami sa kotse.
Pagkapasok palang namin sa gate ay marami ng tao. Karamihan sa mga ito ay mga businessman at mayayaman na kaibigan ng mga Albino.
Sumalubong naman sa amin sina Mr. & Mrs.Albino .
"Good evening, Masaya ako dahil naka punta kayo dito"
Nakangiting sabi sa amin ng mga Albino.
Nag beso-beso naman sina papa at tito Edward.
At nagyakapan naman sina mama at tita Elizabeth.
"Hi po tita. Tito" naka ngiti kung bati sa kanila.
"Hello" naka ngiti ring bati sa akin nila tita at tito.
"Hahaha, pwede ba yun hindi kami pupunta dito.. Eh, namiss ko na nga yung inaanak ko."
Naka pout namang sabi ni mama.
"Hahaha, halata nga eh." Sagot naman ni tita at nagtawanan sila.
Pakiramdam ko ma oop ako dito eh..
Asan, na ba yung dalawa kung kaibigan??
Na oop na ako dito eh.
Habang naglalakad kami papunta sa dining table ay nakasalubong namin ang pamilya nila joyce. Kasama nilang dumating sina faye at isang makisig na lalaki.
"Oh, nandito na pala itong dalawa kung mga anak." Masayang sabi ni tita Elizabeth.
Nagbatian ang mga magulang namin. At nag beso-beso sa isa't-isa.

BINABASA MO ANG
Mr. Cold Prince (Completed)
Teen FictionMeet..... Prince Ahmmel James Montaniel.. Gwapo, mayaman. Matalino, talented at higit sa lahat sobrang cold ng ugali nya. Posible bang ma inlove ang isang cold na lalaki sa maingay na babae at tatanga tanga??