Laine's POV
*ring *ring *ring *ring
Walang tigil sa pagtunog ang aking alarm clock.
Kaya inis ko itong pinatay
Ka inis naman oh! Ayaw ko pang bumangon!!
Pero kahit na inaantok pa ako ay bumangon nalang ako dahil baka malate ako sa school.
Naku! Mahirap na.
Nag ready na ako papuntang school.
At nang matapos na ako ay
Bumaba na ako at dumeritsho na sa kusina.
Pagkapasok ko sa kusina ay nadatnan ko sina Mama, Papa at pati narin yung kapatid ko na nakaupo na sa harap ng lamesa.
Napansin ko rin na may nakahain na palang mga pagkain sa table.
Mukhang ako nalang ang kulang.
Kaya nagmamadali na akong lumapit sa kanila.
"Good morning Ma, Pa" nakangiti kung bati sa aking magulang sabay halik sa kanilang pisngi
"Good morning hija."-papa
" oh. Good morning baby"-mama
Agad naman akong napasimangot ng marinig ko yung sinabi ni Mama.
"Ma, naman oh. Hindi na po ako baby." Naka pout kung sabi kay mama
Bahagya namang natawa si Mama.
"Ah, basta baby parin ang tawag ko sayo."-mama
" si mama talaga oh. Ang kulit"
Tila suko ko ng sabi kay mama. Dahil alam kung hindi ito magpapatalo.
Humarap na ako sa kapatid ko
"Good morning little sis." Nakangiti kung bati kay Lyn.
"Good morning big sis." Masigla nyang sabi.
Umupo na ako sa bakanteng upuan .
Pagkatapos naming mag dasal ay nagsimula na kaming kumain.
"Pa, kamusta naman yung pinapatayo nyong kompanya dun sa france?" Tanong ko kay papa sabay subo ko ng pagkain
"Okay lang naman, walang masyadong problema sa pagpapatayo dun. Kunti nalang ang kulang matatapos na yun." Masaya namang sambit ni papa
Napangiti naman ako ng marinig ko yung sabi ni papa
"Buti naman kung ganun." Naka ngiti kung sabi kay papa
"Actually hija. Nag usap na kami ng tita veronica at tito james mo. Na sasama sila sa amin papunta sa france." Masaya namang balita ni mama.
Nagulat naman ako ng marinig ko yung sinabi ni mama.
"Really Mama sasama sa inyo sina tita at tito sa inyo?!" Di makapaniwalang tanong ko kay mama
Masaya namang tumango si Mama sa akin bilang sagot sa tanong ko.
Napatakip naman ako sa bibig ko.
Hindi ko inexpect na mas lalong naging close yung mga magulang namin ni Ahmmel.
Hahahaha
"Ate. Sobrang Oa yung reaction mo." Pang aasar namang sabi ni Lyn.
Tinignan ko naman siya ng masama.

BINABASA MO ANG
Mr. Cold Prince (Completed)
Novela JuvenilMeet..... Prince Ahmmel James Montaniel.. Gwapo, mayaman. Matalino, talented at higit sa lahat sobrang cold ng ugali nya. Posible bang ma inlove ang isang cold na lalaki sa maingay na babae at tatanga tanga??