Chapter 19 ~I still love her~

1.1K 17 0
                                    

Laine's POV

Dahan-dahan akong umupo sa tabi ni Ahmmel.

Hindi parin nya ako napapansin dahil nanatiling nakapikit yung dalawa nyang mga mata.

Tinititigan ko yung maamo niyang mukha.

Pakiramdam ko ang lakas-lakas na ng tibok ng puso ko.

Sa nagdaan na mga panahon pakiramdam ko mas lalo akong na inlove kay Ahmmel.

At pakiramdam ko hindi ito tama dahil kapag nag patuloy pa itong nararamdaman  ko ako lang ang masasaktan ng todo.

"Ahmmel .. Mahal kita.. Kahit na ang cold mo sa akin." Mahina kung sabi.

Dahil sa pag-aakala ko na tulog si Ahmmel ay nag lakas loob akong sabihin yun sa kanya.

Pero ganun nalang ang gulat ko ng bigla itong dumilat.

bumangon ito mula sa pagkakahiga at humarap sa akin.

Seryoso yung mukha niyang nakatingin sa akin.

"K-kanina ka pa ba gising?" Kinakabahan kung tanong sa kanya.

Bigla naman akong nakaramdam ng takot dahil iba yung tingin nya sa akin ngayon.

Parang gusto nya akong patayin ng buhay.

Narinig nya kaya yung sinabi ko kanina?

Ilang sandali namayani ang katahimikan at seryoso parin  syang nakatingin sa akin.

Hindi naman pwede na umiwas ako ng tingin.

"Narinig ko yung sinabi mo kanina.." Seryoso nyang sabi sa akin

Napalaki yung dalawa kung mga mata. Dahil sa sinabi nya.

Ohhwww noessss! Pa'nu na 'tuh

"What do you mean?" Maang-maangan kung tanong sa kanya

"Don't deny it. Stupid girl. Narinig ko yung sinabi mo kanina." Seryoso niyang sabi sa akin.

Napalunok ako ng dalawang beses.

Eh, ano naman ngayon kung narinig nya.

Nagulat ako nang Bigla nya akong hinawakan ng sobrang higpit sa aking balikat.

Napatitig ako sa mga mata nya puno ito ng lungkot . hindi ko alam kung para saan yung lungkot na nadarama niya.

Para ba sa akin o sa kanya?

"Makinig ka sa akin. Hindi pwede na mahalin mo ako."

Nang marinig ko yung sinabi nya.

Hindi ko napigilan yung mga luha ko  na wag pumatak. Kainis!

Hindi ko alam kung bakit ayaw niyang mahalin ko siya.

Kung pwede lang sanang diktahan yung  puso. Na wag siya ang mahalin mo.

Matagal ko na sanang nagawa.

"B-bakit h-hindi p-pwede?" Garalgal kung tanong sa kanya.

Habang ang luha ko ay walang tigil sa pag patak.

Ang sakit.. Ang sakit ng nararamdaman ko ngayon.

"I'm sorry. I still love her. "

Parang nadurog yung puso ko ng pa ulit-ulit ng marinig ko yung sagot niya.

"Kaya, Please. wag ako ang mahalin mo. Masasaktan ka lang."

Pinahid ko yung luha ko. At tumayo.

Mr.  Cold Prince (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon