Laine's POV
*Classroom*
Nakatulala lang ako sa bintana. Habang tinitignan yung pag buhos ng ulan.
Wala pa kasi yung teacher namin. Kaya feel na feel kung mag emote ngayon. Hahaha!
Habang yung mga kaklase ko naman ay busy sa pagchichikahan tungkol sa mga crush nila.
Haaay naku! Buti pa sila pinapansin sila ng mga crush nila.
Eh, ako?? Nganga!
Hindi pa ako natatapos sa pag eemote ko. Nang biglang tumayo yung class president namin at pumunta sa harap.
"Okay classmates. Bumalik muna kayo sa inyung mga upuan dahil may sasabihin ako sa inyo."
Kalmadong saad ni Ms. President.
Dahil masunurin kaming bata. Chaarrr! Hahaha!
Pumunta na kami sa aming mga upuan.
"Siguro. About sa Christmas party yung sasabihin nya."
Narinig kung bulong ni faye.
"Kyaaahh! Im so excited!"
Excited pang sabi ni joyce.
"Me too" -miho
Napa iling naman ako sa kanila.
Halata talaga sa mga mukha nila na excited na sila sa gaganaping Christmas Party.
Malapit na kasi yung Christmas Party namin.
Mukhang 3 weeks nalang bago mag Party! Party! Party!
Hahaha!
Tinignan muna kami nang ilang sandali ni Ms. President
At nang nasigurado nyang makikinig kaming lahat ay nagsimula na syang magsalita.
"Sinabihan ako Ms. Hanah kahapun na kailangan na nating mag plano tungkol sa Christmas Party. Dahil kunting tulog nalang ay Christmas Party na. At blah... blah... blah.."
Wala ako sa mood makinig ngayon. So I decided na magpa alam sa President namin na mag ccr lang ako.
Pumayag naman siya.
Kaya dali-dali na akong tumayo .
Aangal pa sana yung mga kaibigan ko pero nakalabas na ako sa classroom namin. Kaya wala na silang nagawa. Hahaha!
Matapos kung mag c.r ay
Naglakad-lakad lang ako dito sa hallway.Wala namang masyadong tao ngayon dito.
Kaya sobrang tahimik ng hallway.
Mula sa di kalayuan. Ay may natanaw akong dalawang lalaki at parang may hinahanap sila.
At nang nakilala ko. Kung sino yung dalawang lalaki ay lumapit ako sa kanila.
"Oyy, anong ginagawa nyo dito? Diba may klase pa kayo?" Nagtataka kung tanong kina Chris at Anthony.
Nagulat naman sila nang makita nila ako.
"Oh. Ikaw pala laine." Narinig kung sambit ni chris nang makita nya ako.
"Anong ginagawa nyo dito? Diba may klase pa kayo ngayon?" Ulit kung tanong sa kanila.
Napansin ko naman yung problemado nilang mukha.
"Oh, bakit ganyan yang itsura niyo? May problema ba kayo?"
Napabuntong hininga naman silang dalawa.
BINABASA MO ANG
Mr. Cold Prince (Completed)
Fiksi RemajaMeet..... Prince Ahmmel James Montaniel.. Gwapo, mayaman. Matalino, talented at higit sa lahat sobrang cold ng ugali nya. Posible bang ma inlove ang isang cold na lalaki sa maingay na babae at tatanga tanga??