RoseTaehyung95: dahil masaya ako.. Mag uupdate ako ngayon. Hehehe..
Laine's POV
Maaga akong nagising dahil excited akung malaman ang result ng exam namin.. Sana nakapasa kami. Kasi first time kung makakasama sa mall si Ahhmmel..
Kung iisipin para narin kaming nagdadate... Hehehe..
"Super excited na talaga ako." Kinikilig ko pang sabi.
Nagmamadali na akong pumunta sa banyo para maligo.. May pakanta kanta pa akong nalalaman habang naliligo ako.
Nang matapos na akong maligo ay naglakad na ako papalabas sa banyo.. Pero hindi pa nga ako tuluyang makalabas ay nadulas ako.. Muntik pa nga akong mapasubsub sa semento. Buti nakahawak ako sa pinto.
Haay,. Ang katangahan nga naman
*sigh*
"Muntik na ako dun ah." naka ngiwi kung sabi.
Nagpatuloy na akong lumabas sa banyo . para makapag bihis na agad ako.
Excited na talaga ako mamaya.. Hehehe..
-------------------
*class room*"Okay class, kapag nabasa ko yung names nyo ay ang ibig sabihin nun ay nakapasa kayo sa exam. Maliwanag?!" Naka taas ang kilay na tanong ni Ms. Hannah sa amin.
"Yes Ma'am!!" Sagot naman naming lahat.
Nagsimula ng tinawag ni Ms. Hannah ang names ng nakapasa.
"Ms. Stacey faye Albino"
Natuwa naman si faye dahil isa sya sa nakapasa sa exam.
Nagtinginan kami ni Joyce. Kita sa mga mata nito na kinakabahan cya..
"Think positive" bulong ko pang sabi sa kanya.
Tumango naman si joyce at ngitian ako..
Marami pang tinawag na pangalan si Ms. Hannah. Hanggang sa naging G na
"Ms. Clarissa joyce Gerson"
Napatingin ako kay joyce as usual masaya sya dahil natawag yung pangalan nya.
Actually, nag expect na talaga ako na makapasa tung dalawa kung kaibigan. Ang tatalino kasi nila. Hindi kagaya ko na walang alam sa mundo..
Mas lalo akong kinabahan ng magsimula ng magtawag si Ms. Hannah sa M
Dug...dug...dug...
Napahawak ako sa dibdib ko..
Gosh kinakabahan talaga ako..
"Ms. Leandrie Marchessa"
Pinagsalikop ko yung dalawa kung kamay.
Lord, alam ko pong naging pasaway akong bata. Pero sana po lord pagbibigyan nyo po ako. Kahit ngayon lang po. Alang-alang sa date namin ni Ahmmel sana po makapasa ako sa exam. Promise po. Magpapakabait na talaga ako.
Pagdadasal ko pa.
Taka namang tumingin si Ms. Hannah sa akin.
"Congratulation, Ms. Lalaine leone Montenegro... You passed the exam." Naka ngiti pang sabi ni Ms. Hannah sa akin.
BINABASA MO ANG
Mr. Cold Prince (Completed)
Teen FictionMeet..... Prince Ahmmel James Montaniel.. Gwapo, mayaman. Matalino, talented at higit sa lahat sobrang cold ng ugali nya. Posible bang ma inlove ang isang cold na lalaki sa maingay na babae at tatanga tanga??