PROLOGUE

189 6 3
                                    

Napabuntung-hininga si Adrien habang tinitignan ang sarili.

“Wow, pare. Ang gara ng suot natin ngayon ah? May burol ba?” Pabiro pang sambit ni Jake.

“Special day lang.” Nakangiting sagot ng binata.

“Anniversary niyo ba ni Bianca ngayon? Eh akala ko ba wala nay un.” Nagtatakang sabi nito.

“Magkikita kami ngayon.” At napatingin siya sa relong suot niya.

“Actually, it’s time. Bye!” paalam nito at lumakad na paalis.

“Goodluck pare ah?” Nakangiti ding tugon ni Jake.

Nang makaalis na ang kaibigan ay pinili na lamang na matulog ni Jake. Alam niyang matatagalan ang pag-uwi nito. Hindi na niya namalayan pa ang mga sumunod na pangyayari. Hanggang sa magising siya sa malakas na kalabog ng kanilang pinto. Tinignan niya muna ang orasan. 1:00AM na pala. Matamlay pa siyang naglakad palapit ng pinto. Pagkabukas niya ay nagulantang siya ng bigla nalang natumba sa harap niya ang taong kumakatok. Buti nalang at nasalo niya ito kaagad.

“Dude! Anong nangyari?” buong pagtataka niya habang binubuhat ang bumagsak na kaibigan.

Hindi sumasagot ang binata pero alam niyang lasing na lasing ito dahil halos di na makalakad.

Agad niyang nilapag sa kama si Adrien na sobrang namumula sa kaiinum.

“Sandali lang ah? Ikukuha kita ng ipampunas sa’yo.” Dali-daling dumeretso sa may kusina si Jake. Pagbalik niya ay may dala na siyang mainit na tubig sa maliit na planggana at towel. “Pinunasan niya na ang binata. Awing-awa siya sa hitsura ni Adrien. Napapailing na lamang siya habang iniisip ang pwedeng maging dahilan ng pagkalasing ng bestfriend niya.

JAKE’S POV

Wala namang ibang pwedeng maging dahilan kaya nagkaganito si Adrien, kundi si Bianca!

“Bianca!” bulalas ni Adrien at unti-unting umiiyak. Binabangungot yata ito.

Hinayaan na lamang ni Jake si Adrien. Naiintindihan niya kung ano ang nararamdaman nito.

KINABUKASAN

“Pare, hindi ka ba papasok?” Nag-aalala ang tono ni Jake habang inihahanda ang sarili para pumasok sa eskwela.

Hindi sumasagot ang kaibigan.
“Sige, sasabihin ko nalang sa kanila na masama ang pakiramdam mo.”

Nilingon lamang ni Adrien ang phone na nakalapag sa tabi niya.

FACEBOOK POST:

Bianca Tuazon In a Relationship with Joshua Pineda.

“Ano ba yan?” Nilapitan ni Jake ang tinitignan ng binata.

Hindi makaimik si Adrien at napatulala lang. Bigla na lamang tumulo ang kanyang mga luha. Nanghina na lamang siya na halos ikabagsak na ng kanyang katawan. Walang lakas, halos di makagalaw.

“Hayup, pare. Hayup!” Napamura tuloy si Jake. “Ano, puntahan natin?! Tara!” Pagalit na sampit niya sa kaibigan.

“Wag na pare. Dito nalang tayo.” Matamlay na tugon na lamang ni Adrien.

Huminga na lamang ng malalim si Jake habang pinagmamasdan ang nalulungkot na kaibigan.

“Ayos lang yan pare. Magpakatapang ka.” Sabi nito habang tinatapik ang balikat ng matalik na kaibigan.

AT SCHOOL

“Bianca, seriously?” Nagtatakang tanong ni Alice habang pinapakita nito ang status ng kaibigan sa phone.
Hindi na lamang sumagot ang dalaga at tipid na ngumiti.

EX-Changed (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon