CHAPTER 2: THE SUSPICION

45 5 0
                                    

AT SCHOOL

Nakakunot-noong tinitignan ni Jake ang mga nagtipon-tipong estudyante sa may bulletin board.

“Pare, puntahan daw natin yun sandali.” Hinila niya agad ang kasama. Nauna na siyang nakisiksik sa bulletin board. Di naman nagtagal ay lumabas itong parang nagulantang. “Dude, you topped!”

“Ano?” Agad na lumapit si Bianca. Natigilan ang mga taong nagsisiksikan nung nakita siya at binigyan siya ng daan. Una niya agad na nakita sa taas ang pangalan niya.

“See? Highest ka sa exam! Libre na ‘to! Congrats, tol!” Masayang bulalas ni Jake habang inaakbayan ang kasama.

“Congrats din sa’yo.” Nakangiti lamang si Bianca sa saya. Pero biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya nang maalala si Adrien.

“Sige, dude. Mamaya treat kita.” Sabi niya muli sa binata.

“Yes!” Masayang tugon nito sa kanya.

“May dadaanan lang ako sandali.” Paalam niya dito at dali-daling pumunta sa kabilang bulletin.

Pagdating niya ay nadismaya siya sa nakita. Wala na ang name niya top ranking. At hinanap niya ulit ang pangalan niya sa bandang baba. Hanggang sa may naaninagan siyang pulang ink.

BIANCA’S POV

Oh my God, bagsak ako! Adrien, what did you do?!

Matamlay niyang nilisan ang corner na iyon at bumalik sa kung saan naghihintay si Jake sa kanya.

“Pare, bakit ang lungkot mo? Wala daw tayong class! Tara na!” Masaya pa rin si Jake at hinila na ang kaibigan. Sumama na lamang din si Bianca sa kanya.

Bumuntung-hininga na lamang siya ay sumama kay Jake.

AT THE DORMITORY

“Akalain mo pare, highest ka talaga! Ni hindi kita nakitang nagstudy ah?” Sabi pa ni Jake nang dumating sila ng kwarto. Naghubad ito ng pantalon.

Biglang nanlaki ang mga mata ni Bianca nang mamataan niya ang binata na naka-underware nalang. Agad niyang iniwas ang tingin dito.

BIANCA’S POV

Bianca, just act normal. Just act normal!

“Huy! Ayos ka lang ba dyan?” Takang tanong ni Jake nang makita ang kaibigang nagharap sa gilid at tinatakpan pa ng mga kamay ang mga mata nito. Halatang ninenerbyos dahil sa mabilis na paghinga nito at pawis na pawis.

“A-ayos lang naman. B-bakit?” sagot pa ni Bianca na nakaganung pwesto pa rin.

“Humarap ka daw dito.” Kunot-noo pang sambit ni Jake na sobra nang nagtataka.

“Haharap ako?” Nanginginig nang sabi niya at dahan-dahang humarap pero nakatakip pa rin ang mga mata nito.

“Tanggalin mo kaya ang mga kamay mo dyan.” Sabi pa nito.

“Oh, gosh.” Mahinang sabi niya sa sarili. “O-okay.” Sagot niya sa binata at dahan-dahan nang binaba ang kamay na tinakip niya sa mga mata niya pero hindi niya pa iyon minumulat.

“Dude, seriously?” Nakapameywang na si Jake sa sobrang pagkainip.

Napalunok pa siya at dahan-dahan nang binuksan ang mga mata.

“Oh, ano?” Tanong pa ni Jake ng minulat na ng kasama niya ang mga mata nito. Pumuwesto pala ito sa harapan niya. At may suot na itong shorts at T-shirt.

Agad na napahinga ng maluwag si Bianca sa nakita.

“May problema ka ba pare?” Taka ni Jake.

“Wala naman.” Tipid na sagot niya.

EX-Changed (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon