CHAPTER 16: LAST

59 7 3
                                    

Kinabukasan...

Tanging malakas na kalabog lamang ng dibdib ni Adrien ang naririnig niya habang isa-isa silang nilalapagan ng examiner ng mga test booklets at questionaires.

"You may now start." Sabi ng examiner.

Agad na binuklat nila ang test booklet at nagsimulang magsagot.

Pagkatapos ng limang oras ng pagkakaupo ay tumayo na si Adrien. Medyo nanakit pa ang puwet niya kakaupo at pumanhik na sa desk para magpasa ng papel.

Dumeretso siya palabas pagkatapos ng examination. Naglalakad na siya sa hallway ng bigla na lamang nag-ring ang phone niya. Agad niyang kinuha iyon at tinignan kung sino ang tumatawag.

"Jake..." pagkabasa niya at agad na sinagot yung tawag.

(Phone conversation)

"Hello, dude?"

"Magpapakamatay na talaga ko, pare! Di ko na kaya!" Palahaw pa ni Jake.

"Ano?! Dude, huwag!" Agad na naalarma si Adrien. "San ka ba? Pupuntahan kita!" Mabilis na naglalakad na si Adrien palabas ng campus.

"Tatalon na ako sa bangin ng burol na 'to!" Nangingiyak pang sabi ni Jake.

"Pare, babae lang yan! Huwag kang magpapakamatay!" Nag-aalalang sambit pa ni Adrien. Naisip niya, wala naman itong ibang iniiyakang problema kung hindi si Alice. At alam  na niya kung saan kto pupuntahan.

Nang nakalabas na siya ng campus ay agad na pumara ng taxi si Adrien. Tumigil ang pinara niya at sumakay siya agad.

"San po tayo maam?" Tanong ng taxi driver.

"Deretso lang manong! Dalian mo!" Bulalas pa ni Adrien at muling binaling ang pansin sa tawag. "Pare, wag na wag mong papatayin ang tawag ah? Wag talaga. Icocontact ko ko muna si Alice." Agad niyang ni-dial ang phone number ng dalaga para i-conference call pero hindi ito sumasagot. "Tsk!" Dismayado si Adrien at napaharap sa daan. "Liko tayo pakanan, manong. Tapos sunod pakaliwa naman." Utos niya sa manong driver.

Sinunod naman iyon ng lalaki.

"Pasukin niyo po ang ikalawang eskinita sa kaliwa."

Nang nakarating na sila ay agad na kinalabit ni Adrien ang driver sabay bayad. "Dito na po. Salamat!" Dali-dali siyang bumaba ng taxi at patakbong pumanhik sa borol na madalas pinupuntahan nila.

"Pare? Hello?"

Wala nang sumasagot sa kanya. Kaya mas binilisan niya pa ang pagtakbo hanggang sa nakarating siya sa tuktok.

"Pare, asan ka? Di kita makita." Patulog niya itong kinakausap sa phone kahit na walang sumasagot sa kanya.

Nilibot niya ang tingin. Madilim na kaya wala siyang makita. Tinignan niya ang phone niya. Malapit na pala itong mag-lowbatt. Kaya kahit gustuhin man niyang gamitin ang flashlight app nito, ay di niya magawa dahil sa limited power ng phone na dala niya.

"Pare, tama ba 'tong pinuntahan ko?" Nagtataka na si Adrien dahil sa itsura ng paligid.

"Pare, sumagot ka naman. Natatakot na ako." Hindi na maitago ni Adrien ang kanina pang kilabot na nararamdaman niya.

Para siyang naglalakad sa isang aisle dahil habang humahakbang siya ay unti-unting umiilaw ang lights sa pagitan ng nilalakaran niya. Napatigil siya para malibot ang tingin sa buong lugar. Madilim talaga at ang tanging umiilaw ay ang lugar kung saan siya nakatayo. Dahan-dahan siyang humakbang muli at napansin niyang umilaw na naman sa bandang kung saan siya huling nakatayo. Parang kusa siyang sinisundan ng mga ilaw kaya mabilis siyang naglakad. Sunod-sunod nang umilaw ang lights na pagkahaba-haba hanggang sa dulo.

EX-Changed (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon