CHAPTER 12: JEALOUSY

22 3 0
                                    

Paglabas nito ay agad na isinara ni Adrien ang pinto at napasandal sa likod niyon.

Napabuntung-hininga na lamang siya at napatingala sa kisame. "My God, what just happened?" Napatanong na lamang siya sa sarili at pabagsak na nahiga sa kama.

Hindi na niya namalayan na nakatulog na pala siya.

Two hours later...

Napabalikwas ng bangon si Adrien. Nagising siya sa ringtone ng kanyang phone. Bigla na lamang siyang tumuwid ng upo sa kama nang makita ang oras.

"5:00AM na pala." Nasabi niya sa sarili at tumayo na. Inii-stretch niya pa ang buong katawan at natigilan nang makita ang sarili sa salamin. Napatingin siya mula ulo hanggang paa sa larawang naka-reflect doon. Matagal siyang tumititig doon at biglang sumeryoso ang hitsura niya. Maya-maya ay ngumiti ito.

Madami na naman siyang naaalalang mga napagdaanan sa buhay.

Napabuntung-hininga si Adrien at naupo na sa harap ng study table. Muling binuklat niya ang librong napag-iwanan niyang basahin kagabi.

Bigla na lamang pumasok sa isip niya ang mga di niya makakalimutang pangyayari lalo na sa tuwing sangkot si Bianca.

"Bianca, just get out of my mind please? Mauubusan ng space ang mga pinag-aralan ko." Pabulong niyang sabi sa sarili. Nabaling ang tingin niya sa maliit na music box na nakabukas. At may mirror doon kaya naman nakita niya ulit ang repleksyon ng mukha ng katawang sinasaniban niya. "Bianca..." Pinaharap niya patalikod ang music box at muling nagbasa.

(Phone ringing)

Agad na dinampot ni Adrien ang phone na nakapatong sa mesa.

(Phone conversation)

"Hello?"

"Good morning, Adrien." Paunang bati ni Bianca.

"Good morning din." Napangiti si Adrien. "Napatawag ka?"

"Kita tayo ng school, at 8:00AM."

"Okay, sure. 10:00 o'clock pa naman ang class ko."

"See you." Sabi ni Bianca saka binaba na ang phone.

AT SCHOOL

"Kumusta si Jake?" Nakangiting tanong ni Adrien.

"He's fine. Mukhang nahirapan pa siyang makarecover kagabi dahil sa paninibago niya." Natatawang tugon ni Bianca.

"So, ano pala ang importante mong sasabihin?"

Ngumiti muna si Bianca at saka binuksan ang backpack at may kinukuha doong isang maliit na piraso ng papel na nakaipit sa isang notebook. Binuklat niya ang nakatuping papel na iyon. "Tadaaa!" Masayang sabi sabay pakita nun.

"What's that?" Napakunot ang noo ni Adrien dahil di nito mabasa ang nakasulat sa papel.

"Adrien Salazar Villegas, you have been exempted from taking the Final Examination!" Masayang sambit ni Bianca.

"Whaaaaaaat?" Napanganga na lamang si Adrien at tinignan ang maliit na papel. "Wow! 1.28 ang general average ko sa major?! Oh my God! Thank you!" Talagang nasurpresa siya nang makita ang grades na nairelease ng mga prpfessors niya. Hindi niya na namalayan na niyakap niya na pala si Bianca dahil sa sobrang saya.

Natigilan si Bianca sa ginawang iyon ni Adrien. Kaya agad siyang kumalas.

Makikita talaga ang malaking ngiti ni Adrien habang nakatingin pa din sa maliit na papel saka muling tinignan ang kasama. "Salamat talaga, Bianca." Pero nagtaka siya nang makita ang reaksyon ng dalaga na tila nakakita ng multo sa likuran niya. Kaya nilingunan niya din ang likod.

EX-Changed (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon