CHAPTER 14: THE STORY

32 4 0
                                    

"Bianca, gising na." Sambit ni Kent nang makarating na sila ng Buenget. "Malapit na tayo."

Maya-maya ay nagising si Bianca. Tinignan niya agad ang oras. 3:45AM na pala.

"Hayy, malapit na tayo sa Baguio." Nagstretch pa muna si Bianca. "Deretso tayong La Trinidad."

Tumango lamang si Kent at patuloy na nagmamaneho.

Isang oras ang nakalipas ay nakarating na nga sila. Bumaba pa si Kent sa Bell Church.

"Teka, anong gagawin mo? Wala pa dyan ang hinahanap natin." Takang sabi ni Bianca.

Aktong itinaas ni Kent ang hawak na cellphone para mag-selfie at naka-peace sign pa ang isang kamay.

"Hayyy!" Bulalas na lamang ni Bianca at lumabas din ng kotse.

"Halika, sali ka dito!" Masayang anyaya pa ni Kent.

Pumuwesto naman agad si Bianca sa likod ng binata at ngumiti.

"1 2 3 smile!"

"Oh tama na yan tara na!" Hinila ni Bianca ito pabalik ng kotse.

Dumeretso sila sa strawberry farm.

"Okay, according to their profile, may tindahan dito sa strawberry farm. So ang gagawin natin is magtanong kung saan dito sina Mr. and Mrs. Hidalgo." Sabi ni Kent pagkababa nila ng kotse habang nakatitig sa papel na hawak niya.

"Okay, saan tayo magsisimula? Andaming tindahan dito." Nasambit ni Bianca na nililibot ang tingin aa buong paligid.

"Sa kanan!"
"Sa kaliwa!"

Sabay-sabay na bulalas nila.

"Okay, sa kaliwa na." Sinunod na ni Bianca ang suggestion ng binata. Una nilang pinuntahan ang tindahan na may mga bentang Baguio Shirts at Keychains. "Magandang umaga po." Bati niya sa matandang babae na nagbabantay doon.

"Ano'ng sa inyo?"

"Ah, may kilala po ba kayong mag-asawang Hidalgo?" Tanong ni Kent.

"Wala eh. Bakit, sino po ba sila?"

"Ah, kami po ang nawawalang kamag-anak--" di natapos ang tugon ni Kent nang siniko siya ni Bianca.

"Mga pamangkin po nila kasi kami." Patuloy ni Bianca.

"Ah, pasensya na di ko talaga kilala eh." Nangingiting sabi ng matanda.

"Okay, next." Nasabi na lamang ni Kent.

"Salamat po manang ah? Puno ng galang na sabi ni Bianca.

Umalis na sila saka muling pumunta sa kabila pero wala pa rin. Ganun din sa ikatlo, ikaapat, ikalima hanggang sa umabot na sila sa dulo.

"Hayy!" Anas ni Bianca. "Pinagpapawisan na ako kahit na malamig dito."

"Ito nalang ang huling pag-asa natin." Napatingala pa si Kent sa langit. "Lord, sana ito na." Saka binalingan si Bianca. "Tara na!" Anyaya nito at lumapit na sila sa pinakahuling tindahan na hindi pa nila natatanungan.

"Magandang umaga ho?" Bati ni Bianca sa lalaking binata na nagbabantay sa tindahan.

Napalingon ito sa kanila na abala sa paglilista. "Ano po yun?"

"May kilala po ba kayong mga Hidalgo dito?" Tanong ni Kent.

"Opo. Kami. Hidalgo po apelyido namin." Tumayo ito.

"Yessss!" Napataas ang isang kamay ni Kent ngunit iba ang reaksyon ni Bianca.

"Sabi ko kasi sa kanan sana tayo nagstart magtanong-tanong." Napakibit-balikat pa ito. "Pero yehey!" Biglang sumaya ang hitsura nito. At muling tinignan ang binata. "Si Mr. Romeo Hidalgo at Mrs. Gloria Hidalgo?"

EX-Changed (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon