CHAPTER 5: THE TRUTH

36 4 0
                                    

“Please, Adrien! Just take down the Relationship status, please? Please lang! We’re all done!” Pabagsak na sabi ni Bianca.

Pailing-iling lamang si Adrien at blangko ang ekspresyon nito.

“Bakit ba ang sama-sama mo? Bakit mo ba ginagawa sa akin ‘to? If it’s all about the breakup, matagal na yun. You made me lost my scholarship, my boyfriend, then what’s next?! My life?!”

“I am not you. If you want to fix those things, do it yourself.” Blangko pa rin ang reaksyon niya habang pakibit-balikat lamang.

“What do you want from me?!” Bulalas ni Bianca sa kaharap.

“You really want to know?” Seryosong tanong nito sa kanya.

“Yes! Whatever it is, I’ll give it to you.” Matamlay na sabi niya.

“Just—“  Huminga na muna ng malalim si Adrien nang biglang may namuong luha sa kanyang mga mata bago muling nagsalita.

“Just tell me, bakit mo ako iniwan at pinagpalit?” Nanginginig na ang boses ni Adrien habang pilit na pinipigilan ang sariling umiyak.

“Adrien, maraming bagay na nangyayari sa buhay natin na hindi na kailangang ipaliwanag pa.” Mahinang sagot ni Bianca.

“Bianca naman! First time kong magmahal ng—“ Napatakip na lamang sa mga mata si Adrien dahil di na niya napigilang tumulo ang kanyang mga luha. “Syete! Ayokong umiyak.” Mura pa nito sa sarili at tumalikod habang tahimik na humihikbi.

“Minahal din naman kita, Adrien.” Nakayukong tugon ng dalaga.

“Mahal?” Biglang napatigil siya at nilingon ang kausap. “Mahal pero iniwan?! My God, Bianca! Matalino ka diba? Alam mo ba kung ano ang pinagsasabi mo?” Palapit ng palapit sya dito habang deretsong tinignan sa mga mata ang kaharap. “Isang taon!” Di na niya pinansin pa kung Makita man siya ng dalagang umiiyak. “Isang taon akong nagpakatanga. Isang taon akong umaasa. Na sana kahit isang araw lang sa loob ng isang taon na ‘yun, nagparamdam ka. Ni kumusta man lang galing sa’yo wala akong natanggap. Kahit na madamay nalang sana ako sa group message mo, okay lang atleast meron. Pero wala! Parang wala kang boyfriend. Nandito ako oh!  Pero pinabayaan mo lang ako at binalewala. Nagulat nalang ako, may iba kana pala!”

(FLASHBACK)

“Kumusta ang usapan niyo ni Daddy?” Pilit na ngumingiti si Bianca sa kanya pagkadating nito sa court.
Matagal na nakasagot si Adrien habang tinititigan ang dalaga. Nag-iisip ito ng sasabihin.

“O-okay naman.” Nakangiting sagot niya sabay halik sa pisngi ng dalaga.

“That’s good. Kaso, di kita mahihintay ngayon.”

“Wala kang pasok ngayon diba?”

“Meron. Make-up class naman sa major. Sige alis na ako.” Agad na nilayuan siya ng dalaga.

“I love you, baby.” Pahabol na sambit pa ng binata habang nagdidribble ng bola.
Hindi siya sinagot ni Bianca at patuloy lang ito sa paglalakad.

(FLASHBACK 2)

Dinadial ni Adrien ang phone number ni Bianca. Nakailang missed calls na kaso di pa rin ito nagrerespond.

“Alice!” Tawag ni Adrien sa dumaang  babae  sa tapat niya.

“Oh, Hi Adrien.” Bati nito.

“Si Bianca?”

“H-hindi ko alam kung saan siya eh.” Kibit-balikat na sagot ng dalaga.

“Ah, ganun ba. Sabay kasi sana kaming maglulunch eh.” Malungkot na sabi ni Adrien.

“Sasabihan ko lang siya pag nakita ko.” Nakangiting sagot ni Alice.

EX-Changed (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon