CHAPTER 1: FIRST DAY

90 7 1
                                    

ALARM CLOCK RINGING

Naalimpungatan si Adrien sa naririnig na alarm. Nagtataka siya kasi ang alam niya wala naman siyang alarm clock. Kinapa na lamang niya ang headboard para patayin iyon at muling natulog nang biglang may kumatok sa pintuan ng kwarto.

“Bianca, gising kana daw po sabi ng Mommy mo.” Sabi ng babaeng kumakatok.

Parang walang narinig ito kaya di sumasagot.

“Bianca? Bangon kana po dyan ha? Bababa na ako para ipaghanda ang breakfast niyo.” Patapos nitong sabi saka humakbang palayo.

Ilang minuto ang nakalipas saka tuluyang bumangon si Adrien. Naniningkit pa ang mga mata niya pero naaaninagan niyang parang ibang kulay ata ang kwartong kinalululanan niya. Nung palakad sya ay napatigil siya sa harapan ng salamin. Nagsimula na siyang magtaka kasi ang nakikita niya sa salamin ay si Bianca, na ex-girlfriend niya na ngayon.

“Nice try, Bianca. Nice try.” Bigla siyang natigilan. Pati boses na naririnig niya ay kay Bianca pa rin.
Tumikhim siya. Nang marealized niya ang napansing pagiging babae ng boses niya ay bumalik ulit siya sa harap ng salamin. Kinapa niya ang sariling mukha saka napahawak sa buhok.

“What the—“ Hindi pa siya nakuntento sa natuklasan kaya hinawak-hawakan niya ulit ang mukha, hanggang sa bumaba ang kamay niya hanggang sa tiyan niya. “I got boobs?!” Napasigaw ng malakas si Adrien. “Anong nangyayari sa akin?” Napatingin ulit siya sa salamin at sobrang nag-aalala.

“Bianca? Okay ka lang?” May kumakatok ulit sa labas ng kwarto.
“A-ayos lang.” Sagot niya pero di pa din maalis-alis ang tingin sa salamin.
“Ah, okay. Nakahanda na ang almusal kaya dalian mo na dyan. Kanina kapa hinihintay ng Mommy at Daddy mo sa baba.
 

Napabalikwas ng bangon si Bianca at di niya sinadyang masipa ang bote na nasa paanan pala niya kaya natumba ito. Di niya alam kung ano ang ginagawa ng boteng iyon doon pero di na niya pinansin pa. Pumasok na si Bianca ng banyo. Di niya maintindihan ang nararamdaman niya habang humahakbang papasok ng banyo. Matamlay niyang sinara ang pinto at nilock iyon. Basta ang alam niya ay sobrang hilo siya kaya papikit na siya naglakad. Hindi niya pa natanggal ang kanyang suot na boxer shorts pero in-open na niya ang shower at tinapat ang mukha niya sa umaagos na tubig. Bigla na lamang nanlaki ang mga mata niya ng makita ang malaking pinagbago ng kanyang katawan. Nilibot niya ang paningin sa buong paligid at alam niyang wala siya sa bahay nila. Kaya naman di niya napigilang sumigaw ng sobrang tinis.

May biglang kumatok sa kanya sa labas ng banyo.

“Dude, ayos ka lang ba?” sabing ng boses lalaki na nasa labas.

Bumilis ang tibok ng puso ni Bianca at malalalim ang mga paghinga niya habang tinitignan ang sarili. Nung humarap siya sa salamin ay mas lalo pa siyang nagulat sa nakita. Napahawak siya sa sariling pisngi.
“Oh my God. Oh my God! What’s happening to me?” Pumikit pa siya sandali at nagbabakasakaling panaginip lang yun. Ngunit pagbukas ulit ng kanyang mga mata ay wala pa ring pinagbago. Napahawak siya sa kanyang dibdib na ngayo’y naging flat na hanggang sa bumaba ang kanyang mga kamay at napahawak ulit. Napatili siya ulit sa sobrang pagkabigla. Alam niya kung ano ang huling nahawakan niya. At siguradong sigurado siyang pag-aari iyon ng isang lalaki.

“Uy! Pare! Ano bang nangyayari sa’yo dyan? Katok ulit ng boses lalaki sa labas.

Di niya nasagot ito at hindi pa rin makapaniwala sa mga natuklasan niya sa loob ng banyo.

1 HOUR LATER

Matamlay siyang lumabas ng banyo at nakayuko lamang.
“Pare, bakit abot hanggang dibdib ang towel mo?” Nakapameywang pang tanong agad ni Jake dito.

EX-Changed (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon