CHAPTER 11: THE REVELATION Part II

24 4 0
                                    

Hindi pa rin siya makapaniwala sa nalaman ngayon. Kaya naman ganun nalang ang tingin niya sa inaakala niyang si Adrien.

Napansin ni Bianca ang panunuri sa kanya ng binata at naiilang na siya dahil halos di na ito kumukurap. "Don't look at me like that." Niyayakap ni Bianca ang sarili.

Ganun pa rin ang hitsura ng binata habang halos nakasingkit na ang mga mata dahil sa walang tigil nitong tingin sa kasama sa silid.

"Is that really you, Bianca?" Tanong muli ni Jake.

"Yes, it is me." Sagot naman niya agad.

"So that's why you've been  acting weird lately." Di pa rin makapaniwala ito.

Tumango lang si Bianca at napayuko.

"This is awkward." Mahinang sabi ni Jake sa sarili habang napapahawak sa batok na tinitignan ang kausap. "Ahmmm..." Napapaisip ito kung ano ang sasabihin.

"I heard about the thing with you and Alice--" Panimula ni Bianca.

Biglang namula si Jake. "Ah, yun? D-don't worry a-about it. M-matagal na yun." Nauutal na sabat nito habang napapakamot sa ulo.

"You know, I am so much close to her." Nakangiti pang sabi ni Bianca na nahahalata na ang pagdedeny ng binata.

Agad na kinabahan si Jake at ninenerbyos. Hindi niya pwedeng aminin kay Bianca ang totoo sa sobrang hiya. "I-I don't know her, I mean like her, I mean l-love her. C-can we just eat dinner please?" Namumula na siya nang sobrang habang napapayukong nagde-deny. Ayaw niyang makita ng kausap na pinagpapawisan siya ng sobra. Basta ba si Alice na ang pinag-uusapan.

Lihim na natatawa si Bianca habang tinitignan ang reaksyon ni Jake. Di niya akalaing sobrang torpe pala nito pagdating sa babae. Saka niya lang din naalala na wala nga naman siyang nababalitaang may girlfriend ito o kaya naman may nalilink sa binata.
"Okay. What do we have for dinner?"   Kalmadong tanong niya.

Nilibot pa ni Jake ang tingin sa mesa nila. Wala itong nakitang pwedeng makain. Saka muling bumalik ang tingin sa kausap. "The usual?" Balik-tanong nito.

"Oh." Napapailing si Bianca. "I am really into fastfood. I-I just pretended to like it nung time na di pa namin--"

"Oh, okay I get it." Nakangiting sabi ni Jake.

"But, I know a place." Nakangiti ding tumayo si Bianca at naunang maglakad.

Sumunod naman din ang binata sa kanya.

Malayo-layo na ding ang nalakad nila at medyo hinihingal na sila. "Where are we going by the way?" Natanong pa ng binata na napatigil sa paglalakad.

"May bagong bukas na diner. Open sila twenty-four hours!" Masayang tugon nito at napatigil din sa paglalakad.

"Malayo pa ba?" Hinihingal pa ding tanong ni Jake.

Naglakad si Bianca pakanan at sinundan niya uljt ito.

"Andito na tayo!" Bulalas pa ni Bianca habang inilalahad ang mga kamay sa harap ng pagkainang sinasabi niya.

"Whooo!" Sandaling namangha si Jake at napalibot ang tingin niya sa diner. Isang malaking van na ginawang maliit na resto. Nasa labas lang ang mga customers na talaga namang mapasensyang pumipili para um-order. Nalilibutan ng lights ang buong paligid at ang babango ng mga pagkain.

"Tara!" Hinila ni Bianca ang binata papunta sa pila.

"Ang gandang raket nito ah. Pero bakit patago ang resto na 'to?" Taka pa ni Jake.

"Pagkakaalam ko mag-i-extend pa daw sila sa bandang doon." Tinuro ni Bianca ang sa bandang kaliwa. "Pati, kakabukas pa lang nila eh. Medyo kulang-kulang pa siguro ang mga gamit nila para sa promotions nila nang negosyo nila."

EX-Changed (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon