CHAPTER 10: THE REVELATION

24 3 0
                                    

Napamulat na lamang siya nang nakaramdam siya ng halik sa noo niya. Napabuntung-hininga na lamang siya at umiwas ng tingin kay Adrien.

Nagulantang sila nang may tumamang ilaw ng flashlight sa kanila. Napatakip sila sa mukha at naniningkit sa silaw nun.

"There you are!" Natatawa pang sabi ng boses lalaki sa di kalayuan.

"What the--" naiiritang bulalas ni Adrien. "Can you turn off that one please?!"

Pinatay naman agad nito at lumapit sa kanila.

"Kent?!" Sabay-sabay na bulalas ng dalawa.

Napakibit-balikat pa ito at naupo sa harap nila.

"What are you doing here?" Nakataas ang isang kilay na tanong ni Bianca.

"So here's the thing--" panimulang sabi ni Kent pero hindi nito natapos.

"Are you blackmailing us?!" Nakakuyom ang kamao ni Adrien at aktong susuntukin sana ang nasa harapan nila.

"Wooh wooh wooh!" Nakataas ang dalawang kamay ni Kent para pantigil sa gagawin nito sa kanya. "No, I am not here to start a fight with you guys."

Binawi naman agad ni Adrien ang kamay niya pero masama pa rin ang tingin niya sa lalaking kaharap.

"I am here to help!" Patuloy pa ni Kent.

"Bianca, I already told you about this right?" Seryosong tanong ni Kent kay Bianca.

"Bianca, what is it all about?" Tanong din ni Adrien sa kanya.

"I knew it! Ha-ha! I'm not crazy!" Pasigaw na sabi pa ni Kent na itinaas pa ang mga kamay sa sobrang saya.

Napalunok na lamang si Bianca. At nagtinginan silang dalawa ni Adrien.

Hindi pa rin tapos sa pagsasaya si Kent kaya naman na-annoy na sila habang tinitignan siya. Maya-maya ay tumigil na din ito nang mapansin ang blangkong ekspresyon ng dalawa at muling naging pormal.

"So here's the thing, alam kong hindi talaga ikaw si Adrien!" Tinuro pa ni Kent ang katawan ni Adrien. "At hindi ikaw si Bianca!" Tinuro din nito ang katawan ni Bianca. "You were like being exchanged!" Bulalas pa nito habang pinoporma ang dalawang kamay ng pa-X.

"You know about the curse?!" Gulantang ni Adrien.

"Yes, I know. I saw it!" Tugon naman ni Kent.

"How? Ano ba ang nakita mo?" Tanong ulit ni Adrien.

Tumikhim pa muna si Kent habang napatingala pa sa langit. "It started when I was singing in my room then--" kwento nito.

"Wait wait wait! Masyadong mahaba yan." Pagtitigil pa ni Bianca kaya natigilan sa pagsasalita si Kent. "Pakideretso nalang."

"Lumabas, sumilip, then boom! Yun na nagkapalitan na kayo." Sabi naman ni Kent.

Napakamot na lamang sa ulo si Bianca.

"Whaaaat? Sino ba ang lumabas? Sumi--" naiiritang patanong ni Adrien. "Pakilinaw naman!"

"Galit ka ba?" Nagmamakaawa pang sambit ni Kent.

Akto na naman sanang susuntukin ni Adrien si Kent sa sobrang inis pero binawi nito agad.

"Ako na nga ang magkukwento!" Sabi ni Bianca. Bumuntung-hininga muna siya bago muling nagsalita. "Ganito yun, may lumapag daw sa bubong at narinig ni Kent iyon. Kaya lumabas siya para tignan. Kaso ang nakita niya, lalaki." Napaisip si Bianca sandali at nilingon si Kent. "What's he look like?" Tanong niya dito.

"Like a cupid." Sagot agad ni Kent.

"What?! Paano mo nasabing kupido nga iyon?" Tanong pa ni Adrien.

EX-Changed (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon