Chapter 2

16 0 0
                                    

Chapter II

“JC, I just want to inform you na mag-fofocus ako sa case ni Patient #501. Kelangan na kasi nyang matutukan, magfo-four days na syang walang malay.”

“Bri. Siguro naman narining mo na kung anong meron sa pasyente na yun, choice nya ang hindi na gumising. Physically okey sya pero emotionally hindi. Pag gising nya, hindi natin masasabi kung magiging normal pa ang takbo ng isip nya. Posibleng magkaroon sya ng Partial Amnesia o baka…”

“I know that JC. Hindi mo na kelangang i-explain pa sakin yan. But my decision is final. Siguro naman ay hindi mo ako pipigilan diba?”

“Ok. Sige.From now on hanggang magising at maka-recover si Patient #501, magiging personal nurse ka nya. I know you can help him, Bri. You can light up everyone’s life with that smile of yours.”

“Thanks.” Straight face lang ako sa kanya. Hindi ko alam kung san nya nakukuha yung smile of yours na sinasabi nya eh kulang na lang mag-MEME face ako sa kanya. =)) Sa totoo lang, wala naman akong grudge kay JC, ang problema lang kasi, part din sya ng past ko. Ng nakaraan ko na pilit ko ng kinakalimutan.

Andito ako ngayon sa harap ng pintuan ng room 501. Huminga ako ng malalim bago pumasok. Pano ba naman ay first time kong magiging personal nurse ay sa taong walang malay pa. Pano ko to aalagaan?

Pag pasok ko ay naghanda ako ng tubig na panlinis ng katawan nya. Tinanggal ko ang damit nya at pinunasan yun ng maligamgam na tubig. Tapos ay binihisan na ulit sya. Tatanggalin ko na sana ang benda sa mukha nya ng mapasin ko na gumalaw ang kamay nya. Napangiti ako.Sa wakas, mumulat ang mga mata nya. Dali-dali kong tinawag si JC. Nakalimutan ko na nga halos na nurse din nga pala ako sa ospital na yun.

“JC! JC! Si Patient 501! Nagkamalay na!”

Pagkaalis ni JC ay sinilip ko sya sa kwarto nya, mulat na ang mga mata nya na color brown pala. Tama ang hinala ko na gwapo sya. Maputi at makinis din ang mukha nya. DI ko maiwasan ang tumitig sa kanya… Parang kilala ko sya pero hindi ko maalala kung paano, saan at kalian.

Tulala pa din sya.Sigurotrauma pa din. Umupo ako sa tabi nya.

Pumikit sya. *SIGH*

“Sana hindi na lang ako nagising.”

Nagulat ako dahil nagsalita sya.Pero yung sinabi nya, nakakatakot. Yung boses nya, ramdam mo yung sakit at lungkot na dinadala nya.

“Wag kang magsalita ng ganyan. Alam mo bang matagal ka na ding nakahiga jan?  Kung ano man ang nangyari sa’yo— “

“Wala kang alam sa nangyari sakin. Wala kang alam kung ano ang nawala sakin. Hindi moa lam kung bakit ganito ako ngayon. Hindi mo alam kaya wala kang karapatang sermunan ako.”

Nakatitig sya sakin.Yung mga mata nya.Punong-puno ng lungkot. Naaawa ako sa kanya.

Tama s’ya, wala akong alam, pero wala naman akong planong sermunan sya ehh. Ang gusto ko lang naman sana pagaanin yung loob nya.

“Hayyys.Tama ka. Wala akong alam! Hehe! Bakit nga ba makikisawsaw pa ko sa problema mo. Pero alam mo, may nakapagsabi sakin na nangyayari talaga lahat ng yan. Ang mawalan tayo, normal lang yun. Na hindi lahat ng plano natin natutupad. Nasa atin na lang kung pano natin tatanggapin ang pagkatalo sa isang parte ng buhay natin. Sa totoo lang, nung wala ka pang malay… Tsss! Bakit ko ba sinasabi sa’yo to. Psh. Sige! Una na ko. Mamaya, may dadating na nurse para magdala ng pagkain sayo.”

Tumayo na ko. Lalabas na ko.

Tama si Lou. Mas gugustuhin nga ng lalaking to na wag na lang magising.

Kung ano man ang nangyari sa kanya…

Huminto ako sa tapat ng pintuan,

“Mister! Kung ano man ang nangyari sa’yo, alam kong wala akong alam pero tutulungan kita! Tutulungan kitang tanggapin na may nawala sa’yo.”

Till We Meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon