Chapter 4
Steve’s POV
Maaga ako ginising nitong si Bri kasi dadalhin daw nya ako sa garden nitong ospital.
Tinutulak nya yung wheelchair ko kasi hirap pa din akong maglakad.
Psh.
Halos hindi nga ako makalakad eh.
“Haaays!Ano ba yan! Ang bigat mo naman Steve!” reklamo nya.
Nakaka-asar to! Hindi ko naman sinabi sa kanya na gawin nya to eh. S’ya tong nagprisinta tapos lakas lang nya makareklamo.
Psh.
Pero alam ko din naman na nahihirapan sya, medyo malaki din kasi built ng katawan ko, hindi nga lang masyado pero di naman ako patpatin kaya para sa isang babae, mahihirapan talaga na itulak ako.
“Psh. Maka-reklamo ka jan. Di ko naman inutos sa’yo to ah? Nagkusang loob ka. Wag kang mag-alala, pagnakakalakad na ko, kahit buhatin pa kita!” nag-smirk ako.
“Aaah.Tsss! Maganda yung garden namin dito.Matutuwa ka dun.” (^^,)
Haha! Iniiba pa usapan! Anong problema sa sinabi kong bubuhatin ko s’ya? Binabalik ko lang naman tong favor na ginagawa nya. Hehe! Ang cute nyang maasar oh.
Natatawa na talaga ako pero sinubukan kong pigilan.
“Pffft!”<ako>
(^^,)
“PSH! Anong itinatawa-tawa mo jan ha?” tanong nya.
Medyo asar na yan. Hehe! Pikon din yan eh! Minsan na nga lang ako bumanat napipikon pa kaagad kaya di na ko sumagot. Baka matuluyan pa ng galit ‘tong isang to lasunin pa ko. Hehe!
“Dyaraaaaan!Andito na tayo!” (^^)v
Umasta sya na parang magician na nagpapakita ng magic.
Maganda yung lugar… Madaming bulaklak… Iba’t-ibang klase sya, iba’t-ibang kulay…
May rose, sunflower, orchids, lilies, primrose at santan.
Hindi ako bading ha! Alam ko lang talaga yan dahil nung kapatid kong babae.
“Ang ganda dito no? Hhhmmm(nag-inhale sya) parang wala tayo sa syudad, parang nasa probinsya lang tayo. ”
“Hhhhmmm (nag-inhale din ako).”
Pumwesto kami sa medyo nasisinagan ng araw. Sabi nya maganda daw to para medyo maarawan daw ako ng konti.
Umupo sya sa bench na katabi ko.
“Ang ganda ng mga bulaklak no? Nakakagaan ng loob kapag nakikita mo ang ganda ng mga bulaklak.”Bri
“….”
“Nanligaw ka na ba noon?”
“Ha?”
“Sabi ko kung may niligawan ka na ba?”
Psh. Niligawan?Meron ba?
”Ang bobo nga naman ng tanong ko. Hehe! Natural meron na. Uhm. Anong bulaklak yung binigay mo sa kanya? Nagbigay ka man lang ba ng flowers?” ^^
Psh. Daldal nya.>.<
Pero napa-isip ako dun ah.
May niligawan na nga ba ako? Parang wala naman. May mga naging girlfriends ako pero lahat sila hindi ko naman niligawan… kumbaga sila ang unang lumapit.
Pero…
May isa akong nabigyan ng bulaklak.
Sa totoo lang, sya pa lang nabibigyan ko ng bulaklak sa buong buhay ko.
“Huuuuy! Bilis na.Ikwento mo na sakin kung anong unang bulaklak na binigay mo sa nililigawan mo?” pangungulit nya.
“Psh.”
Napatingin ako sa gilid ko.
Kumuha ako ng bulaklak na katabi ko.
“Santan”
“ha?”
“Santan.Santan yung binigay ko sa kanya.”
Napangiti sya.
“Pffft! Wahahahaha!Wahihihohoho! Grabe! HAHAHAHAHA! Seryoso!? HAHAHA!”
“Santan nga!Kulit mo! Tsaka bata pa ko nun! 7 years old, kaya pwede ba. Magtigil ka jan.”
“Pfffft! Sungit mo! Santan Boy! HAHAHAHA!”
“Psh. Tama na!Ayoko na nga dito! Balik na tayo sa kwarto ko.” -__________-
Andito na kami sa kwarto ko. Naka-upo ako ngayon sa kama ko…
“Uhm. Steve. Labas lang muna ako ha. I’ll be back this afternoon. Tutulungan ko lang sina Lou sa iba pang pasyente.”
“….”
Palabas na syang kwarto nung tinawag kosya.
“Bri.”
“Ha?”
“Halika.”
“Ano?HalikaN!? Hehehe!”
“Psh! Halika!Punta kadito!”
Lumapit naman sya.Kinuha ko yung kamay nya.
Kinabit ko yung bracelet na ginawa ko… Santan bracelet.
Bri’s POV
Lalabas na ko ng kwarto ng tinawag nya ako.
“Bri.”
Nilingon ko sya… “Ha?”
“Halika.”
“Ano!?Halikan?!Hehehehe!”
Joke lang naman yun. Kasi naman sobrang seryoso nung mukha nya.Hehehe! Pero sana yun nga yung sinabi nya. JOKE ULIT! Seryoso din ng mukhamo eh! ^^,
“Psh! Halika!Punta kadito!”
Tssss!
Galit agad! Sungit talaga ng isang ‘to.
Paglapit ko, hinawakan nya yung kamay ko.
Kyaaaaaah! ^^, Bakit kaya?
Psh. Hindi ako kinkilig ha?!
Curious lang po! ^^v
May kinabit sya… isang bracelet nagawa sa santan.
Dubdubdubdubdubdub.
Tama ba ‘tong nararamdaman ko?
Bakit ganito? -__________-
Shemaaaay.Ang gulo kasi.
Pakiramdam ko….
Hindi sya si Steve.
Sya yung batang kasama ko sa school garden nung grade 3 ako.
Ang lalaking pinangakuan ko na magiging asawa ko kapag 25 years old na ko.
Stephen. Ikaw ba yan?Yung mga alaala mo ba ay binubuhay mo ngayon sa katauhan ni Steve? Stephen. Ikaw ba si Steve?
![](https://img.wattpad.com/cover/1153936-288-k379903.jpg)