Chapter 6

10 0 0
                                    

Steve’s POV

Andito ako sa garden ngayon…

Naglakad na akong mag-isa…

Well, not really... naka-saklay pa rin kasi ako.

Dapat kasama ko ngayon si Bri pero hindi pa din sya dumadating.

Haaay. Bihirang ma-late yung babaeng yun ah! Ano kayang meron? Psh.

“Steve.”

Si Bri pala. Umupo sya sa tabi ko.

“Good Morning!” Nakangiti sya.

That smile that can make my heart melt.

JOKE! Hehehe! Baka isipin nyo na may gusto ako dito sa praning na nurse na ‘to.

“Don’t smile! Ang pangit mo. Hindi bagay sa’yo magpa-cute.” (ako)

“PSH!” tapos nag-pout sya.

Hindi bagay sa’yo magpa-cute kasi maganda ka Bri….

“Uhm. Steve, nasan na yung family mo?” (Bri)

“Wala.” (ako)

Anung naisipan ng babaeng ‘to at hinahanap ang pamilya ko? Psh.

“W-Wala? Mag-isa ka na lang ba sa buhay?” (Bri)

Nakakatawa expression nya. Gulat na gulat at lalo pang bumilog ang bilog nyang mga mata. Hehehehe!

“Hindi. Pero wala sila dito. Nasa London silang lahat.” (ako)

“Eh?! Eh bakit nandito ka!? Halaaa! Alis na! BUmalik ka ng London para wala na kaming pasyente na masungit! Hehehehe!” (Bri)

“Mawawalan din kayo ng pasyente na gwapo! Hmp!” (ako)

Ganyan na kapalagay ang loob ko sa kanya. To the point na nakikipagbiruan na ako sa kanya.

Pero nakaka-asar lang kasi pinapa-alis na nya ako. >.<

“Kapal mo din! Hehehe! Pero hmmm? Pwede na.” (Bri)

Psh” (ako)

Pwede na daw. Psh! Gwapo naman talaga ako ah! Tsss! Praning talaga ‘to!

“Pero Steve, kapag gumaling ka na… kapag nakalabas ka na ng ospital… Mami-miss kita.” (Bri)

Dubdubdubdubdubdub..

Dubdubdubdubdubdub.

Ano ba tong sinasabi ng babaeng ‘to?

Bakit bumibilis ang tibok ng puso ko?

Psh.

Hindi pwede to.

Hindi maaari.

Umiwas ako ng tingin sa kanya. Sa left side ako tumingin eh nasa kanan ko sya.

“A-ako hi-hindi k-kita mami-miss.”  (ako)

“Psh.”

Hehe! Pikon na yan.

Humarap ako sa kanya.

Hinawakan ko yung kamay nya.

“Hindi kita Miss kasi Misis kita. Mrs. Collins!”

Tapos kinindatan ko s’ya.

Dubdubdubdubdudubdubdub.

Dubdubdubdubdubdubdubdub.

Till We Meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon