Chapter 10

10 0 0
                                        

Chapter 10

Bri’s POV

Almost 3 months na ko dito sa UK.

Yep. Umalis ako ng Pilipinas. Ang gulo na din kasi ehh.

Akala ko bumalik si Stephen sa katauhan ni Steve.

Hindi naman ako nagkamali kaso pati yung sakit na dinulot ni Stephen sa pag-alis nya ng walang paalam namana na din ni Steve.

My vacation here is a big help, though.

Sa ngayon natatawanan ko na lang ang mga pangyayari. And kaya ko ng bumalik ng Pilipinas.

Pag-uwi ko ng Pilipinas eh sa probinsya namin sa Bulacan muna ako titigil.

“Bruha ka Brianne. Dumating ka ng walang pasabi tapos aalis ka na agad ng wala man lang pasabi.”

Sabi ni Lee-anne. Pinsan ko.

“Sus! Umuwi ka na lang din satin para magkita ulit kayo ni Dharren! Alam naman natin na nag-iintayan lang kayong dalawa. Kukulubot na yang balat nyo at wala na kayong mapapala sa buhay nyo dahil sa pagiging pakipot mo! Hahaha”

“Baliw ka talaga! Teka lang ha. Hahatid na kita sa airport.”

“Wag na insan. Ayoko makita kang umiyak pag-alis ko! Hehehe!”

“Kapal mo din no! Hahaha! Sige na nga! Alis na! Shuuupi!”

This time. I’m a stronger Brianne.

WELCOME BACK TO THE PHILIPPINES!!!!!!!!!

“BRIIIIII! Andito kamiiiiiiiiii!”

Kahit kelan talaga palakatak na tong ni Lou.

“Ako na magbubuhat nyang bagahe mo.” Sabi ni JC.

“Sus! Para namang ang dami nito! Hehe!”

Pero inabot ko na din sa kanya. Ayoko makipagtalo sa kanya eh.

“San ka nga pala titigil ngayon kung tumanggap ka ng tenant sa condo mo? Tapos ayaw mo naman sa bahay nyo sa QC? Kung sa amin ka na lang kaya?”

“Di na Lou. Uuwi ako ng Bulacan bukas. Dadaan lang ako sa condo saglit para kunin yung sasakyan ko tapos magbbyahe na ko pauwi ng Bulacan.”

“HA?! Sama tayo JC! Pag-drive natin si Bri. Miss ko na din ang Bulacan ehh.”

Napatingin ako sa salamin sa unahan… kita kasi dun si JC kasi driver sya tapos nasa likod ako.

Seryoso lang yung mukha nya.

“Ok lang naman Lou kung ako na lang mag-ddrive. Baka mapagod lang si JC. Kung gusto mo, sumama ka na lang sakin?”

Tumingin din sya sa salamin. Nagtama yung mga mata namin. Ako yung unang nagbawi.

Hindi ko alam kung bakit biglang nahiya ako sa kanya.

“Ok lang Bri. Ako na lang mag-ddrive.”

Tahimik sya.

Seryoso.

Nakakapanibago.

Sa 3 buwan na nawala ako…

Akala ko ako lang yung nagbago.

Mali pala ako.

JC’s POV

“Ok lang Bri. Ako na lang mag-ddrive.”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 05, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Till We Meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon