Daise’s POV
“Haaay! Uuwi na din ako sa Bulacan. Yes Yes Yow!”
Para akong sira… kinaka-usap ang sarili.
“Kuya Steph, makikita namin ni Kuya Steve si Ate Angel. We won’t let her feel that pain again.”
Hindi ko kasama si Kuya Steph ngayon ha! Hindi naman ako nakakakita ng multo ehh. Wala akong third eye no. :P
Pero kasama ko ngayon ang mga alaala nya. Hindi ako senti modes ha! May binigay kasi si kuya sakin na box. Memories daw nya yun at kelangan ko daw ibigay yun kay ate Angel kapag nagkita kami. To answer all her questions.
“Nakuu Iha! Welcome home! Ang ganda-ganda mo na talaga. Mukha ka ng Amerikana. Hehe! Halika. Pahinga ka muna sa loob.”
“Nanay Selya naman. Matagal na akong maganda di’ba?” tapos nag-pout ako >3< pero ngumiti lang sya sakin.
“Ayy! Nanay! May pasalubong po ako sa inyo. Nandyan po sa asul na bag. Pasensya na po at yan lang nabili ko. Biglaan din po kasi ang pag-uwi ko ehh.”
“Naku naman iha. Sana’y hindi ka na nag-abala. Ayy. Nasaan ang kapatid mo? Si Steve?”
“Nasa ospital pa po Nanay. Naaksidente po kasi sya kaya din po ako napa-uwi eh. Pero paggaling po naman nya eh susunod sya sa akin dito.”
“Siguro ay hindi pa din nya natatanggap ang nangyari kay Stephen. Ako man ay nahihirapang paniwalaan ang nangyari eh. Kawawang bata. Napakabuti pa naman nya.”
“Kaya nga po eh. Pero Haaay!(sabay ngiti) Alam kong hindi matutuwa si Kuya Stephen kung nalulungkot tayo ngayon. Kaya nanay, smile na. Okay?”
tapos niyakap ko sya ng sobrang higpit. S’ya na din kasi halos ang tumayong nanay namin ni Kuya Stepehen noong busy sa trabaho si Mama kaya alam kong nasaktan din sya noong nalaman nya yung nangyari.
“Ayyy! First things first! Nay? Si Ate Angel po? Andyan pa rin po ba sila sa kabilang bahay?”
“Si Brianne ba Iha? Wala na s’ya diyan. Lumipat na sila pero hindi ko kasi alam kung saan eh. Bakit iha?.”
“Kelangan po naming magkita Nay eh. Kapag nakita nyo po sya nay, wag nyo pong babanggitin ang nangyari kay Kuya Stephen ha? Hindi pa di po kasi nya alam tsaka hindi po talaga nya dapat malaman.”
“Bakit naman Iha?”
Tapos pinaliwanag ko sa kanya yung last wish ni Kuya Steph. Hindi na sya nag-react. Siguro naguluhan sya. Ako man sa sarili ko naguguluhan ehh pero I have to deal with this. Para sa dalawa kong Kuya.
“Hindi na po ba sila bumalik dito? Kahit dalaw man lang o bakasyon?”
“Busy sila ineng sa trabaho. Yung magulang nya eh hayok pa din sa negosyo. Ang alam ko naman eh nurse na young si Brianne. Huli ko s’yang nakita eh nuong… kelan nga ba? Ayyy! Nung nakaraang taon. Birthday yata niya iyon 25th birthday eh nagpahanda siya diyan. Ayy. Baba muna ako iha ha? Paghahanda kita ng meryenda.”
“Sige po Nanay.”
25th birthday pa talaga.
Haay. Kung alam lang nya.
“AY KALABAW NA TUMAE NG PUTIK!”
Napasigaw ako. Pano ba naman ay bigla na lang may humawak sa balikat ko.
“Grabe naman yang bibig mo Daisy tababoy. Walang preno! Nyahahahahaha! Ang gwapo ko namang kalabaw!”
“Teka! Sino ka ba? Psh! Nanggugulat ka naman ehh!” >3<
“Tsss! Ganyan na pala mga tao ngayon! Porque galing ng London hndi mo na maalala ang kaibigan mo na nuknukan ng gwapo!?”
“Psh. Magtigil ka nga Dariel! Hanggang ngayon saksakan ka pa din ng yabang!”
Kababata ko si Dariel at kaklase ko sya noong elementary.
Ang laki ng pinagbago nya.
Noon kapag sinasabi nya na nuknukan sya ng gwapo ay sigurado ako na nadadagdagan na naman ang kasalanan nya pero ngayon, aaminin ko medyo Pwede na din. Mehehehe (^^;)
Hindi na kasi sya yung payatot at mukhang kawayan tapos naka-brace at may makapal na salamin.
Macho gwapito na sya. Hindi na sya nakasalamin ngayon at wala na din yung braces nya. Sigurado ako na may pang-almusal syang tinatago sa tyan nya. Ulalalalalam na pandesal. Joke! (^^;)v
“Huuuy! Baka matunaw ako nyan ha! Haha! Kumusta ka na Daisy tababoy? Mukhang nagpasexy ka duon ah! Psh! Wala ka sigurong ginawa dun kundi magpa-cute sa mga lalaki.” Tapos ginulo nya yung buhok ko.
“Nako Dariel! FYI Matagal na akong cute no! And like Duuuh! Matagal na din akong sexy no! And one more thing. DO N’T YOU EVER DARE TOUCH MY HAIR AGAIN!”
“Easy Daisy. Saan mo gusto gumala ngayon?”
“Hindi ako pwede. Kelangan kong asikasuhin ang pagbabalik ni Kuya Stephen.”
Sikreto kasi talaga kung anong nangyari kay Kuya Stephen. Walang ibang nakaka-alam kundi ako, si kuya Steve, si Mama at Papa at si Nanay Selya lang.
“Babalik din s’ya? Psh. Sayang! Hindi sila nagpang-abot ni Ate Bri. Hindi na ata babalik dito yun ehh!”
“Anong sinabi mo?! Si ate Bri? Hindi na babalik? Bakit!?”
“Kasi… hindi ko alam! Hehe! Sabi nya yun after nung party nya nung nakaraang taon. Masyado na daw syang nasasaktan tuwing bumabalik sya dito kaya ayun! Huling bisita na daw nya yun dito.”
“Hindi pwede yun. Mahihirapan ako.” >3<
“Wag kang ngumuso jan! Ang pangit-pangit mo lalo! Mukhang pwet ng manok yang labi mo! Kagatin ko yan eh! Hahahaha!”
“Anong sinabi mo?! Manyak ka talaga! Lumabas ka na nga dito! Alis! Alis!”
‘HAHAHA! Oo na! Bukas! Sunduin kita ha! 7 am! See you!”
Kinindatan muna nya ako bago nya sinaraduhan ang pintuan ng bahay. Grrrr. Tumatayo balahibo ko sa isang yun! >3<