Si yabang ang nakita ko! Di ako pwedeng magkamali!! Hinanap ko sa buong campus hanggang sa makarating ako sa parking.pagod na pagod ako. Kumulog pa parang uulan. Hingal na hingal ako at alam kong nagulo na ang itsura ko. Bahala na! Basta makita ko lang sya.
Napaiyak nalang ako sa nakikita kong palapit sa isang sasakyan. Si yabang.. Nandito sya.. Bago pa sya makasakay sa kotse. Sumigaw na ko..
"YABANG!!!.." napahinto sya at sabay lingon sa akin. Si yabang nga.. Napaiyak pa ko na makita syang maayos ang kalagayan. Bumalik ang dati nyang katawan. Di na sya nangangayayat. Bakit ngayon lang sya nagpakita sakin. Ano bang nangyare. Ang daming gumugulo sa isipan ko. Sinara nya ang pinto ng kotse at lumapit sakin.
"B-bakit yabang!!.. Ang daya mo!!.." Hiyaw ko sa kanya. Alam kong kumalat na ang make up ko dahil sa luha. Galit na galit ako ngayon. Dahil wala syang pasabi na uuwi na sya. Naiinis ako.
Clyde's pov
"Yabang!!.." Napahinto ako sa boses na yun. Naabutan nya ako. Humarap naman ako sa kanya. Nakatoga. At medyo magulong buhok.
Pilit nyang hinahabol ang hininga nya. At nakita kong napaluha. Di ko sinasadyang saktan ang babaeng nasa harapan ko. Ni isang salita walang lumalabas sa bibig ko.
Sinara ko ang pinto ng kotse. At lumapit ako sa kanya. Niyakap ko sya ng mahigpit. At alam kong umiiyak na sya sa dibdib ko.
"B-bakit yabang!!.. Ang daya mo!!.." Di ako kumawala sa pagkakayakap ko sa kanya ng napakahigpit.
"Sorry.. Sorry ngayon lang ako.. Di ako nakalimot.." Tanging nasabi ko sa kanya. Kumalas ako at tinitigan ang mukha nya. Pinunasan ko ang luha sa pisngi. Di ko gustong paiyakin ang babaeng mahal ko.
Hinalikan ko ang magkabilaang pisngi na nadaluyan ng luha."Kloe.. Sorry natagalan akong umuwi.. Sorry sa lahat ng panahon na wala ako para samahan ka..nandito nako.. Di na ulit kita iiwan.." At niyakap ko sya ulit ng mahigpit. Napaiyak na rin ako.
"Yabang.. Namiss kita.. Sobra.. Wag ka nang mawala ulit.. Di ko na kakayanin kung di na kita makita.. Tama na ang siyam na buwang wala ka.. Ayoko ng malungkot na di ka nakikita.." Sumikip ang dibdib ko sa sinabi nya. Na guilty ako sa tagal na wala ako. Tinitigan ko sya ulit at unti unti kong nilapit ang mukha ko sa kanya.
Hinalikan ko sya na puno ng pagmamahal at pananabik na makasama sya. Hindi namin napansin na umuulan na pala pero patuloy ko padin syang hinahadkan. Mahal ko siya. Wala pang babaeng nakagawa sakin ng ganito. Si amazona lang. Sya lang ang gusto ko. Walang iba.
Tinitigan ko sya matapos kinuha ko na ang matagal kong pinaghandaan.
"A-anong ginagawa mo yabang.. Tumayo ka nga!.." Utos nya. Pero lumuhod parin ako. Kinuha ko na ang ang singsing sa bulsa ko.
" amazona.. Marry me.. "
Kloe's pov
Kasal agad at huuuy! Engaged lang muna
Marami ng nangyare. Nagkasama nga kami ni yabang. Sobrang saya at di ko maipaliwanag ang lahat ng emosyon na nandito na sya ulit. Ano na nga bang status namin? Well. Niligawan nga nya ko at bumawi sya tulad ng pangako nya sakin noon. Pero syempre? Miss pakipot ako e. At hanggang ngayon di ko pa sya sinasagot. Aba?! Swerte naman nya kung easy to get ako no? Pero oo engaged na nga ako sa kanya. Gusto ko lang syang pahirapan.It's been 5 months na nga. Haha! Chaar! Conyo ko dun. Paabutin ko pa ng 2 years ang panliligaw nya. At araw-araw akong hatid sundo sa school. Ang taray diba? At bawal syang magreklamo. Ito nga e. Papunta na kaming school. Parehas lang kami ng pinapasukang university.
Kumuha ako ng BSAccountancy at sya naman BSCE. Kasama din sya sa dance troupe. Hilig naman nya talaga yun. Pinagbabawalan ko nga baka makasama sa kalagayan nya. Pero ayaw makinig. Okay na daw ang puso nya. Hay nako! Ito pa. Masungit sya sa mga babae. Dahil seryoso daw sya sakin. Sa tingin ko naman na totoo nga yun dahil araw-araw kaming magkasama.
BINABASA MO ANG
100% Mr. YABANG (Completed)
RomanceClyde Ledesma ang Mr. Yabang na nakilala ko a few years ago. Oo di kami magkasundo. at umibig ako sa taong yun. ang taong bumuo ng pagkatao ko. mahal na mahal ko si yabang, at ito ang aming kwento. Love, Kloe Lorenzo Ledesma Story Started: November...