Chapter 11: Best Buds? Impossible!

100 4 2
                                    

Yabang eleven : Best Buds ? impossible!

Clyde's POV

" Kailangan ba talagang nandun ako dad ?! " Sigaw ko kay dad habang nag aayos ako ng suot sa harap ng salamin. may lakad kasi kami ngayong gabi. ewan ko ba bakit hindi na lang nya niyaya yung mag Ina nya kesa sakin!

" Clyde naman .. wala sila .. sinong isasama ko? and si Tito Rafael mo yun! nakakahiya naman sa tao na nag invite kung di tayo pupunta ! nasabi ko na rin na kasama kita eh! it's been awhile nung last kong nakita sya " nasa may pintuan si dad nakasandal habang pinagmamasdan nya ko. nag smirked na lang ako.

" Fine .. I'm done " at nauna na akong lumabas ng kwarto. agad naman kaming lumabas ng mansion at sumakay sa kotse ni dad.

--

Pagdating namin sa NEP.Bistro kina xy to ah?. Sikat talaga ang bistro ni kupal.

" Let's go son ! " At nauna na syang bumaba pag ka park ng kotse. kahit ayoko eh napababa narin ako.

" Hello clyde .. " May nagpapansin naman agad sakin. okay? wag nyo nang pigilan sila pag nakikita ako. haha! iba na talaga pag .. ano? di ko marinig! yessssssss. tama yan .. gwapo sinasabi ko lang ang totoo. ^_^

Sinundan ko lang si dad. ang daming mga big time na nandito. mga ka-trabaho ni dad yung iba. si Tito Rafael kasi may business sila ni dad na mag ka asusyo. at bestfriend pa sila.

" Lorenzo ! " Sigaw ni dad sa lalaking nakatalikod na may kausap ata. humarap naman ito samin. wait? Lorenzo ? Lorenzo si Tito Rafael? lumapit kami ni dad kay Tito at at ..tama ba itong nakikita ko??

" Oh ! my bestfriend Ledesma !! ha-ha! pare! salamat salamat nakapunta ka!! oh? si clyde na ba ito!"

Sabi ni Tito Rafael. matagal tagal na rin ang huling kita ko kay Tito kaya ganyan na lang ang nasabi nya sakin.

ano Tito ? pogi parin diba? haha! gusto ko sanang sabihin yan. kaso lang.. ano eh.

" Ito na nga .. mga anak mo Raf ? " Sabi ni dad. nagka titigan lang kami ni amazona. ewan ko pero napako ako sa itsura nya. sya ba talaga tong nasa harapan ko?? at teka. diba? mahirap lang sila? pero anak sya? anak sya ni Tito Rafael !?

" Oo .. ito pala ang panganay ko .. si kloe "

" Hello po .. goodevening :) " ngumiti lang sya kay dad at tumingin lang sakin saglit at inalis na ang pagkakatitig. okay? suplada sya ngayon. porket naka ayos lang sya?!

" Ang Ganda Ganda naman ng anak mo bestfriend ! " Masiglang compliment ni dad. namula naman bigla si amazona. sus! ilabas mo na ang sungay mo.. papacute ka pa dyan eh!

" Salamat ! iba na talaga ang lahi ko! hahahaha! at ito naman ang bunso ko.. si kael " pagpapakilala ni Tito sa mas batang kasama. mmmm? kamukha sila ni Tito. parang nung kabataan nya,, ganyan ang itsura nya. may itsura naman.. pero iba parin ako. haha! op! sinasabi ko lang ang totoo.

" Hahaha! ang kisig ha? hello sa inyo.. ito pala anganak ko .. si clyde " Siniko naman ako ni dad kaya nagpakilala naman ako. tss.

" Hi ... " Sabi ko kay amazona at nilahad ko ang kamay ko sa kanya.

" He--hello " nauutal na sabi nya sakin at nakipag kamay narin. bakit nahihiya ba sya sakin? lol! ang gwapo ko talaga !! hahahahaha!!! kinamayan ko rin ang kapatid nyang si kael. hindi ko alam pero. iba ang aura ni amazona ngayon. pakiramdam ko. di sya comportable sa lugar na to.

***

Habang nasa counter lang ako at umiinom. napatingin ako kay amazona na biglang lumabas ng bistro. yung kapatid naman nya kumakain lang sa table kung saan masayang nagkwekwentuhan ang mga tatay namin. may tumugtog na rin na banda. hindi naman rock. mellow lang. syempre ang ambiance ng lugar. puro gurang.

100% Mr. YABANG (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon