WHAT THE HELL IS THIS?!
Napuno ng mga dancers yung buong field at may dala dala silang roses tig-iisa. At take note, sumasayaw sila sa harapan ko! Teka, nasaan yung bata? Siguro natakot sa mga baliw nato.
Tumunganga lang ako sa gitna habang pinapalibutan ng mga baliw na sumasayaw dito. Hindi ako makaalis eh.
Sinayaw nila yung CHEARLEADER na kanta. Ewan ko ba kung sino yung kumanta nun. Tanungin nyo si otor!
(A: hindi ko rin alam. Wahahahaha)
Pagkatapos nilang sumayaw, nagform sila ng line sa gilid ko na para bang mga guwardiya sa isang palasyo ng malacañang na may dalawang linya at may daanan sa harapan tapos habang dumadaan ako, ibinibigay nila ang roses na red.
Yung totoo? May patay ba?! Idagdag mo pa tong mga babaeng audience dito na kung maka tili parang wala ng bukas! Kala mo may artista! Yung iba naman bulong ng bulong! Ano ba kasi to? Pelikula at ako yung EXTRA slash PROPS MEN na hindi na inform? Ganon?Andaming rose na ang natanggap ko, around 90+ ata. Gusto ba nilang maging hardinera nalang ako?!
Pagdating ko sa dulo, may nakita akong lalaking nakatayo na naka light blue na polo shirt at pink na knee pants. Sino sya? Another extra slash props men? Kami yung malandi ganon?
Nakayuko eh, diko makita! Nung malapit na talaga ako sa kanya bigla nyang inangat ang ulo nya and guess what, laglag ang panga ko sa sahig!
Anong drama ng isang XYVAN ALVAREZ?!
"Nagtataka ka siguro kung bakit 99 roses lang yung natanggap mo."- nagsalita na sya at take note ulit, naka mic ang gago! Mukha talaga syang bading lalo na sa suot nya.
Pero sa sinabi nya, hindi naman ako nagtataka kung bakit 99 lang ang natanggap ko, nagtataka ako kung ANO ANG DRAMA NYA AT DINAMAY PA AKO!
"Ikaw kasi ang pan---"
"Ako yung pang-isandaan na bulaklak? Ano ko? Ilalagay ko sa vase kasama ng mga bulaklak nato?"- hindi ko na sya pinatapos, nakita ko na to eh.
Yung panglast episode ng korean movie na LOVE IN THE MOONLIGHT na lovestory ng Princess na kapatid ng prince na si Park Bo Gum mybabes<3
"Babe naman, proud na proud nga ako sa panliligaw ko tapos ngayon yan lang sasabihin mo?"- bumalik ako sa realidad ng marinig ko ang pangit na si xyvan na nagsalita gamit ang panunuyong boses nito.
Hinila ko kaagad sya at dinala sa music room.
"ANONG DRAMA MO?!"- sigaw ko sa kanya.
"Eh sino bang gumawa ng plano na I'BROADCAST ko sa buong campus ang fake na panliligaw ko sayo?!"- ayy oo! Ayun! Naalala ko na!
"Eh ang sinabi ko lang naman, ipagkalat at kapag walang nangyari sa inyong magsyota eh dun kana gumawa ng hakbang!"- ayon nakakainis na tologo!
Nagsisilipadan na ang mga insektong nasa ulo ko! Echos lng, wala akong Kuto A.K.A Lies sa ulo.
"Eh may kalandian ka kahapon eh, tapos hindi ako gagawa ng hakbang? Tanga lang siguro ang maniniwala na nililigawan kita kapag nagtrending ang picture mo with other guy na nakikipaghalikan!"- ginalingan eh! Ayan na sya, beast mode na!
"Edi ikaw na tama ako na mali!"- pagkasabi ko nun ay naglakad na ako papuntang classroom. Anlayo pa naman ng room ko. Bitch! Nasa kabilang building pa yun at take note again and again, nasa 4th floor room ko.
Bigla akong napatingin sa relo ko at halos lumabas ang mata ko with spring, hahaga echos.
"1 hour and 36 minutes na akong late?!"
"Yes Ms. Weston, you are 1 hour and 36 minutes late!"- nagulantang ako sa boses ng teacher ko. Bitch! Si maam farrah! Terror pa naman to. Napalakas ata ang pagsigaw ko. Bwesit kasi na xyvan yun!
"Ano? Tutunganga kalang dyan?"- taas kilay nyang tanong.
"Akala ko kasi maam sa detention office na naman ako magpapalamig. Hehehe"- tumawa ako ng hilaw at pumasok na at umupo.
"Kund hindi kalang in'excuse ni Mr. Alvarez sana detention office bagsak mo ngayon."- pagkasabi nito ay tumalikod na at nagsulat sa white board.
Dahil boring naman, NATULOG NALANG AKO!
Ilang oras palang akong tulog pero may kumakalabit na saakin.
"Ms. Weston are you sleeping in my class?"- tanong ng teacher namin sa TLE.
Hindi nya ba alam? Kanina pa naman siguro sya dyan diba? Nang iistorbo eh!
"No sir, kahit nakayuko ako, nakikinig ako sayo."- pasimpleng sagot ko. Tumango tango sya, ibig sabihin naniwala si bakla! Wahahahaha, oo tama kayo, bakla si sir Gerix (pronounce as JERIKS)
"If you are really listening, name two things that do not exist 50 years ago."- tanong ni sir. Nag isip naman ako at ayun! May naisip na ako!
"Uhm, computers sir and ..."
Lagot, wala akong maisagot na isa. Ano pa ba?! Biglang tumaas ang kilay nya.
"Computers or gadgets and ... maybe ME?"- hindi ako sigurado sa last na sagot ko pero sure ako na hindi ako nag exist 50 years ago!
Biglang nag bell. YES! saved by the bell!
Wala ata ang tropa ko, baka nasa canteen kasi nagditch ng class habang akoy tulog. Galing nila eh. Naglakad ako papuntang canteen pero walang ANYA o KIZUE na lumitaw. Mabuti naman at andito si Ailee.
"Anong yung nagtrending? Ikaw ha! May fafa kana pala dimo sinasabi!"- pagkasabi nyan ni ailee ay tinutusok oa ang tagiliran ako, ako naman todo iwas! Nakakakiliti kaya.
"Tss. Ninakawan nya lang ako ng halik!"- sabi ko sabay irap.
"Eh? Balita ko hearthrob daw yun sa kabilang university. Swerte ka te! Gwapo ang nagnakaw ng 1st kiss mo! Ano? Malambot ba lips nya? Masarap ba? Ano?! Kwento ka daliiiiii!"- sobra ang kilig nitong bruha at may patalon talon pang nalalaman. Ayan tuloy, pinagtitinginan na kami dito sa canteen.
"First of all, hindi masarap! And excuse me? Gwapo ba yun? Eh mukha nga yung ewan!"- sagot ko sabay hila sa kanya paupo.
"Sabi nila kamukha daw ni G-DRAGON! Yung bias mo sa bigbang te!"- hampas na naman natamo ko, siguro mamaya tadtad ako ng pasa dahil sa amazona kong kaibigan!
"Mukha nga syang si GD. Yung ilong nya yung mata pero yung buhok nya pang gwapo. Pananamit nya okay lang din. Alam mo para syang---" hindi ako pinatapos ni ailee at tumili na.
"Aaaaah! Para syang soft copy ni GD? Parang manikin ni GD?"- anlakas ng boses ni bes!
"Hindi! Mukha syang JEJE VERSION NI G-Dragon!"- pagsigaw ko sa kanya natahimik naman bigla.
Biglang napansin namin ni ailee ang kumpulan ng mga babaeng studyante sa may di kalayuan sa kinauupuan namin.
"Ayon sya! Ayon yung hinahanap nyo! AYON SI AMBER BLAKE WESTON!"- sigaw ng isang babae na turo ng turo saakin. Putulan ko sya ng daliri eh! Pero ano bang meron? Nanalo ba ako sa lotto? Hindi naman ako tumataya ah?
May apat na lalaking papalapit saakin, hindi ko maaninag ang mukha nila dahil medyo, hindi naman familiar maliban sa isa. Isa pa distraction din tong mga babae dito na kung maka tili kala ko gwapo yung papalapit.
Yung nakashades familiar eh. Lakad sya ng lakad hanggang sa makalapit na sya saakin at kaharap na nya ako.
Tinanggal nya ang shades nya AT, AT, AT?
nanigas ako at para bang umatras ang dila ko. Hindi ako makapagsalita! Shit! Ajong nangyayari saakin.
"Welcome to hell Amber!"- sabi nito sabay ngisi.
Bakas parin ang black eye na binigay ko sa kanya. Hoooh! Ang init ng atmosphere!
A/N: eto oh, mahaba na. Nangalay ang kamay ko dahil dito eh. Hahahahaha. Ansakit na talaga. Wahahaha. Thank you sa nagbabasa nito. Please hit vote, share and comment. Thank you:*
![](https://img.wattpad.com/cover/104827679-288-k544323.jpg)