Chapter 9

15 1 0
                                    

Tatlong linggo na ang nakakalipas simula nuong may kakaiba akong nararandaman kapag kasama ko si Xyvan. Hindi ko alam kung ano to. Yung parang kapag nakikita mo sya natataranta ka, kapag kausap mo sya minsan nauutal ka kasi wala ka sa sarili mo, tapos minsan kapag ginagawa namin yung mga plano naming sweet moments parang totoo kasi parang kinikilig ako. Kapag bumabanat sya kahit na corny may parang nararamdaman akong parang paru-paro na lumilipad sa tyan ko. Hindi ko pa to nasasabi sa tropa ko.

Speaking of tropa, si Ailee nalang ang palagi kong kasabay. Simula nuong lumipat ang AXE GANG dito hindi ko na sila nakakasabay. Sino ang axe gang? Sila yung grupo ng mga gwapo, yes I admit it, gwapo nga sila. Maliban sa leader nilang puro kalokohan lang ang nalalaman.

Ano kayang nangyayari kay Anya at Kizue? Bakit sila bigl-----

"Ay kabayo!"- halos mapatalon ako dito sa rooftop dahil sa gulat ko ng makita ko si Skie. Problema nito?

"Bakit kaba nanggugulat?!"- singhag ko sakanya.

"Tara! Papakilala ko kayo ni Ailee sa grupo!"- hindi na nya hinintay pa na makasagot ako at hinila na ang kamay ko. Bigla ko naman itong binawi.

"Bakit naman?"- kunot noo kong tanong.

"Eh malamang, magkaibigan na tayo!"-skie

"At sino namang may sabi na magkaibigan na talaga tayo?"- taas kilay kong tanong.

"Ahh. Gusto mong mabisto yung plano nyo? Sge okay!"- akmang aalis na sana sya ng bigla ko syang hinila.

"Oo na! Magkaibigan na tayo!"- nakapaout kong sabi.

Narinig ko syang tumawa ng mahina. Problema nya?

"Anong nakakatawa?"- nagtataka kong tanong. Eh sino ba namang hindi magtataka eh wala namang nakakatawa sa sinabi ko.

Imbes na magsalita ay agad na nyang hinablot ang kamay ko at kinaladkad kung saan. Sunod lng naman ako ng sunod sa kanya.

Nagtatanong kayo kung paano nya nalaman yung deal namin ni Xyvan? Ganito kasi yun.

Flashback~

Kapag monday talaga wala akong gana. Haish!

"Oyy bes!"- sigaw saakin ni Ailee na kala mo naman nasa kabilang kanto eh katabi ko lang eh.

"Ano?"- naiirita kong tanong. Pano ba naman eh ang lakas ng boses kung sumigaw. Sakit tuloy ng talinga ko!

"Yung prince charming mo oh! Binibigyan ka ng roses!"- binigay nya saakin ang isang bouquet. Maganda naman sya pero ayoko nitobg bulaklak nato. Bwesit! Alam naman ni Xyvan na ayaw ko nito pero palagi nya akong binibigyan ng mga ayaw ko.

"Sabihin mo nga sa mokong nayan na sunduin ako!"- singhag ko kay Ailee. Nga pala, nasabi ko na kay Ailee

Agad naman akong sinundo ni Xyvan at pumunta kami ng VIP room na madalas naming tambayan dalawa.

"Alam mo naman siguro na ayaw ko sa mga ganyang bulaklak hindi ba? Bakit mo patuloy na binibigay yan?!"- inis na tanong ko sa kanya.

"Kaya nga yan yung binibigay kong bulaklak sayo eh para kumapit ka sa deal natin! Mahirap na kapag nahulog ka saakin. Hindi pa naman kita sasaluin."- sagot nya na hindi man lang ako tinitingnan.

Dahil sa sinabi nyang hindi nya ako sasaluin, medyo may kumirot sa dibdib ko kaya naman ay lumabas na ako sa silid na yun bago pa ako maiyak. Nangingilid na kasi ang mga luha ko.

Paglabas ko biglang umatras lahat ng luha ko ng makita ko si Skie na nakikinig.

"Deal pala ha!"- tumawa sya ng mahina at naglakad papalayo.

End of flashback~

Simula din nun ay palagi na akong kinukulit ni skie na maging kaibigan nya. Nakaka inis na sya.

"Andito na tayo."- natigilan ako sa pag iisip ng mga nangyari ng magsalita si skie.

Pumasok kami sa isang VIP room din dito. Teka? Bakit allowed sila dito? Isa ba sila sa mga stakeholders ng school or sadyang ewan ko ba! Nalilito na ako!

"Guys! Meet my girl----"

"Kaibigan mo lang ako!"- hindi ko na sta pinatapos pa. Baka sabihin nyang MY GIRL or MY GIRLFRIEND! Hello? NBSB ako! No Boyfriend Since BREAK UP. Yes! Since break up!

Narinig ko silang nagtawanan. Anong nakakatawa?

"Ba't kayo tumatawa?"- tanong ko.

"Tss. Hindi moko pinatapos eh. Meet my girl BESTFRIEND."- sabi nito habang natatawa parin.

"Friend lang! Wag kang assuming!"- sabi ko sabay upo sa couch na nandito.

"Im luke"- sabi ni kuya gwapong cute sabay lahad ng kamay nya. Waaahhhh! Ang cute nya T_T

Inabot ko naman ang kamay nya. "Im blake"- sabi ko sabay ngiti na napakatamis. Lumalandi na ako eh. Tingnan mo naman, nahawa na ako!

"Im Carlo and this is Kiro."- sabi naman ni kuya tangkad slash gwapo at tinuro yung lalaking si kiro daw na napaka seryosong nagbabasa ng libro.

Tumango naman ako. Kinilatis ko ang libro at nakita kong libro ito ng Divergent ni Shailene Woodley. Agad akong tumakbo at kinuha ang libro.

"Nagbabasa ka nito? Oh my god! This is one of my favorite book!"- sabi ko habang kumikinang ang mata ko na nakatingin sa libro.

Hinila nya ito saakin at naglakad palabas. Anyare dun? Hinarap ko ang buong axe gang at nakita ko silang literal na nakanganga. Kinapa ko ang mukha hanggang sa dibdib ko pero wala namang marumi ah? Duh! Nakaka inis!

"What's with that look?"- taas kilay kong tanong.

"You're so dead!"- sabi ni carlo na nakatingin parin saakin. Nalilito ako eh.

Hinabol ko si kuya Kiro. Ayun! Nakita ko rin pero lakas maglakad. Sheyt! Hingal na ako ng hingal.

Naabutan ko sya pero ang lakad nya takbo ko parin. Laki kasi ng hakbang eh. Anlaking tao. Kapre ata to!

"Stop following me!"- sabi nito na suot ang cold nyang ekspresyon.

"Kuya sandali!"- hinila ko na talaga sya pero anlakas nya kaya naman, niyakap ko sya mula sa likuran at ayun, huminto na din!

"What are you doing?!"- matigas na tanong nito. Malamang niyayakap ka. Lakas mo kasi eh.

"Slow mo rin eh no! Nakita na nga ayaw pang mag sink in sa utak mo!"- sigaw ko habang yakap parin sya.

Kinuha nya ang kamay ko at iniharap sa kanya. isinandal nya ako sa pader at lumapit sya ng bahagya. Shitzu! Ang gwapo nya. Yung green eyes nya, matangos na ilong, tapos yung pilik mata nyang napaka itim at haba at ang makinis at maputi nyang mukha. Matutunaw ako sa titig nya.

"Kung hahalikan moko, sabihin mo o gawin mo na. Nangangawit na ako eh!"- pang aasar ko sa kanya. Sabi kasi ni skie na ayaw daw nya sa mga babae. Edi ipalabas ko yung kalandian ko.

"As if naman na papatulan kita!"- bigla na lang syang umalis at iniwan akong namumula sa galit. Bwesit, hindi nga siguro ako qualified maging malandi.
















Single pero MAGANDATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon