Chapter 10

8 1 0
                                        

From: Xyvan pangit :)

Sa saturday na yung birthday ko. Punta ka, may surprise ako sayo at kailangan maging maganda ka ha? Get ready, I'll be the one to pick you up there.

Recieved 08:27pm

Naalala ko. Sa susunod na araw na pala ang birthday ni Xyvan. Bukas hindi ako papasok. Wala trip ko lang. Kinukutya kasi ako ng gang. Palaging nang aasar na bagay daw kami ni kiro. Nakaka imbyerna!

Namimiss ko na ang tropa. Si Anya at Kizue. Minsan na nga lang magparamdam. Pero si Ailee, wala. Ganuon din. Tumakbo kasi syang Student Supreme Goverment sa posisyon na president. Kaya full yung study load nya. Hindi na nga nya ako natitext.

Nagsound trip nalang ako sa kwarto ko at eto ayaw pa pumikit ng mga mata ko. Tiningnan ko kung anong oras na pero mygad! Its 1 oclock in morning in petes sake pero ayaw parin bumigay ng mata ko.

Biglang nagplay yung When I was your Man by Bruno Mars.

Pagplay palang ng kanta tumulo na ang luha ko. Naalala ko si kuya. Ansakit parin eh. Sariwa parin. Habang nakapikit ako, may mga luha paring nakakatakas sa mata ko. Iniisip ko lang ang masayang alaala namin ni kuya hanggang sa di ko namalayan na nakatulog na pala ako.

***

*KRIIIINNNNNNGGGGGGGG*

Tumayo ako at kinuha ang alarm clock ko at binato ito sa bintana. Bwesit! Ang ingay. Naoansin kong medyo makulimlim na. Tiningnan ko yung phone ko at nalaglag ang panga ko sa nakita ko.

87 missed calls, 105 messages na galing lahat kay Xyvan. Shit! Today is his day! I have to fix myself!

Agad akong tumayo at nagshower. After that, kinuha ko sa walk in closet ko ang pinakamamahal kong nude dress. Isa itong off shoulder at fited na dress na yayakapin talaga ang katawan ko. Tapos nagsuot ako ng choker at itinali ko ng messy bun ang buhok ko. Nagsuot ako ng flat shoes na nude din para naman maria clara ang peg ko this night.

Ang plano kasi namin ni Xyvan, sasagutin ko daw sya this night kasabay ng birthday party nya. Invited lahat ng mga schoolmates namin kaya naman, BROADCAST na BROADCAST talaga ang fake na pagsagot ko sa kanya. Medyo kinakabahan ako at medyo excited. Kinakabahan dahil parang may kakaibang mangyayari at excited kasi ewan ko. I think, Im falling for Mr. Xyvan Alvarez. Siguro lng naman.

Pagkatapos ko, kinuha ko ang cellphone ko at bumaba na ng makarinig ako ng busina ng sasakyan.

Pagkababa ko nakita ko kaagad si Xyvan. He is so handsome with his Black tuxido and navy blue neck tie. Lumapit ako sa kanya at tumayo sa harapan nya. Malamang! Alangan naman na sumayaw ako? Tanga lang!

Pinasakay na nya ako.

"Youre so beautiful tonight."- sabi nya habang nagmamaneho.

"Uhm... Huh? Oh, thank you."- namumula ata ang pisngi ko. Shit! Nauutal jokens!

"I think we should stop the deal!"- sabi nito sabay hinto ng sasakyan sa gilid ng park ng subdivision nila.

"Huh? Why?!"- nalilito ako! Parang ayoko eh!

"Let's stop this non-sense!" sagot saakin ni xyvan. I was like wtf?!

hindi na ako sumagot sabay baba sa kotse nya.

"Hindi ko ikagaganda ang pagpapatuloy natin sa deal na ito." huling sabi ko sabay bagsak ng pintuan ng kotse nya.

hindi ko alam kung saan ako pupunta basta ang alam ko ay may masakit sa loob ko. may masakit at kumikirot sa dibdib ko. wala akong makitang malinaw sapagkat patuloy lamang ako sa paglakad na hindi ko alam ay lumabas na ako ng sarili naming subdivision. tanga ano? eh ikaw hindi ba? naiiyak ako, OO NAIIYAK AKO! Masakit kasi inaamin ko na nahulog ako sa gag*ng yun pero habang bumabagsak ang mga luha sa mga mumunti kong mata ay may nakita akong liwanag at kasabay nito ay ang pagsigaw ng isang pamilyar na boses.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 23, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Single pero MAGANDATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon