Starlight POV
Sa dinami rami ng pwedeng kapalit ng laptop bakit siya pa?. Baka Mamaya kalkalin niya mga files ko huhuhuhu. Nandoon lahat ng picture ng mga Asawa ko. Like Lee Min Ho, Park Bo Gum, Joon Young, Kim Hyung Soo at marami pang iba.
Anyways kung makita niya Ang mga iyon okey lang. Pero huhuhu mamimiss ko sila.
Haysstt Ano kaya pwedeng gawin dito sa laptop niya?? Hmmm..
"Aha!" Yes may brilliant idea na ako.
First ioopen ko laptop niya tapos mangangalkal ako ng mga files. Haahaha. What a brilliant idea I have.
Habang nangangalkal ako. I just notice one folder that named. "Me and My Love "
Like what they said curiosity kills the cat. And I'm the cat because I love cats. Konek??
Hayss nababaliw nanaman ako wala kaseng makausap eh. Wala ung Epal kong Kapatid.
So dahil pakilaamera ako binuksan ko ung folder.
Kung tatanungin niyo kung Ano Ang first impression ko eh SHOCK as in capital S-H-O-C-K. Bakit? Kase naman makikita sa folder na ito Ang mga pictures ko Nong Bata ako kasama Ang isang batang lalaki.
Bakit ako nandito? Bakit ang dami kong pictures na kasama siya Nong bata ako?.
Ang daming tanong na pumasok sa isipan ko pero Hindi nagtagal ay may narinig akong katok mula sa pintuan ng aking kwarto.
"Starlight. Anak nandto si Guion hinahanap ka. Ewan ko bakit siya bumalik" sabi Ni My.
"OK po My. Susunod na LNG po ako. Paki sabi po baba na ako." sagot ko kay Mommy tsaka dali daling iniligpit ung mga gamit ko pagkatapos pinatay ko na ung laptop ni Monster para wala syang makitang kahina-hinala.
Then afterwards I left my room. Some how pumasok sa isipan ko na tanungin si Monster about what I saw earlier, but on the other hand wag na lang. Baka masabihin pa akong pakialamera.
As I walk In our living room I saw him again, you know what I'm talking about. So their he is sitting peacefully in the sofa. All is can say is WOW. Bakit? Eh kase naman Feel at Home Ang Monster mga Ate mga Kuya. Oh diba tinalo pa ako na dito nakatira.
"Pssssttt. Feel at home ka rin Ano?" Bungad ko sa kanya.
"Well I think there's nothing wrong with that." Bagot na bagot niyang sagot saken.
"Wow. Mahiya kanaman. Pero wag na pala. Kase wala ka namang hiya." Sagot ko at inihanda ng ibigay ung Laptop niya.
"Thanks." Sabi niya at inabot na din saken ung Precious laptop ko.
"Ahm. Guion. Can I ask something?" Tanong because it really boders me.
"Sure. What it is?" Sagot niya ng walang pagaalingangan.
"So. Ahm-" shocks. What can I do? Itatanong ko ba kung bakit may picture siya ng Bata kami na magkasama?. Pero kapag tinanong ko naman siya Baka sabihin niyang napakealamera ko. Aissh. Wag na nga LNG.
"No. Never mind what I've said. Umuwi kana. Nakakasawang makita yang pangit mong mukha" pagtataboy ko sa kanya pero syempre ung part na sinabi kong pangit mukha niya di Totoo.. Gwapo naman si Monster eh. Shhh lang kayo.
"OK. Well then Goodbye. Thanks for lighting up my Day" sabi niya saken matching kindat.
My gosh Ang Gwapo niya tlaga. Opps.. Hindi siya Gwapo.. Si Clyde lang Ang gwapo para saken. Yahhh Ewan na nga lang.
Gwapo na lang silang dalawa.Sana kapag nagkita ulit kami ni Monster matanong ko na kung bakit meron syang ganon.
"Oh Anak. Bakit wala na si Guion?" Bungad ni My habang may dalang cookies.
"Umuwi na po My. Ipinalit niya lang po ung Laptop namin." Sagot ko. Wait may alam naman siguro si Mommy ng mga Bata pa kami ni Moonlight
"Ganon ba? Sayang naman itong cookies" sabi ni Mommy ay akmang babalik na sa kitchen.
"My ako na lang pong kakain niyang cookies. Pero pwede po ba akong mag tanong?" Kung ito lang Ang tanging paraan na meron ako ngayon tatanongin ko na si Mommy.
"Ano ba iyon Anak.?" Sabi ni Mommy at umupo na sa Sofa na kina uupuan ko.
"Mommy. Ano po Nong Bata po ba kami ni Moonlight naging kaibigan po ba namin si Guion?"
"Bakit mo naman na tanong Yan Anak?. Pero sasagutin na kita. Oo naging magkaibigan kayo nila Guion." Sagot ni Mommy pero base sa makikita ko sa kanyang mga mata parang may something. Something that I can't describe.
"But why I can't remember anything na nakasama ko po siya?" Tanong ko ulit.
"Soon malalaman mo kung bakit anak. Pero sa ngayon wag ka munang magisip ng kung ano-ano. " sabi ni Mommy.
"Pero Hindi ko po parin kayo maintindihan. Ano pong malalaman ko Soon? Bakit I have this feeling na may tinatago po kayo sa akin na Hindi ko po alam?" Hindi mo na tlaga kaya. I can't control myself asking my Mom about that.
"Wag muna ngayon Anak. Hindi ka pa handa." Sagot ni Mommy.
"Pero kailan niyo po sa sabihin saken yon?" Puno ng kuryosidad kong tanong.
"Sa tamang panahon. Basta lagi mong tatandaan. Ano man Ang mangyari ginawa namin yon para sa ikaabuti ng lagay mo." Sabi niya Mommy with assuring look then she leave me in the living room with confusing look in my face.
Okey. Kung Hindi nila sa sabihin sakin ngayon. Well I have no choice but to figure it out all by myself.
YOU ARE READING
A Way To Forever (SLOW UPDATE)
Teen FictionNaniniwala ka ba sa Forever?? Na yung kababata mo eh siya yung makakatuluyan mo hanggang sa huli mong hininga .. Pero paano kung sa hindi inaasahan pagkakataon magkakahiwalay kayo?? Gagawa ba ng paraan ang tadhana para pagtagpuin kayo??