Otor's POV
Habang nagpapagaling si Mae at ang kanyang ama sa ospital ay siya namang pagkilos ng mga taong may galit sa kanila. At iyon ay walang iba kundi si Vienna Stockholm. Dapat ay Santillan ang surname niya, at dahil nga na iniwan sila ng tatay ni Mae ay di na niya muli ginamit ang 'Santillan'. Pero kahit ganon siya kagalit sa pamilya ni Mae ay umasa siya na noong mga panahong naghihirap sila lalo na ang kanyang ina na si Ashxia (ash-siya) Stockholm na babalikan sila ni Jonathan. Pero nauwi lahat sa wala ang pag asa niya non.
☁16 years ago☁
"Ma!! Gumising ka po... Wag ka naman pong magbiro ng ganyan" umiiyak na sambit ni Vienna na sampung taong gulang lang noon.
Yun ang araw na di niya makakalimutan. Isang masalimuot na araw. Doon niya naramdaman lahat ng sakit ng mismong sa harapan niya nalagutan ng hininga ang kanyang ina. Humagulgol siya ng iyak, na akala mo'y isang taong paulit ulit na pinapatay sa mabagal na paraan. Na lubos ka munang pahihirapan hanggang sa ikaw na mismo, katawan mo na ang bumigay. Namatay ang ina niya sa sobrang depression. Nadepress siya kakaisip kay Jonathan Santillan na babalikan sila ng anak niya at mas pipiliin sila kesa kay Celina Santillan na isang buwang buntis. Halos oras oras, minu minuto, araw araw siyang nag iintay sa harap ng bahay nila, habang si Vienna ay mas nahihirapan sa mga pinagdaanan ng ina niya. Kaya simula nung araw na yon ay sumumpa siya habang hawak ang malamig na katawan ng kanyang ina na pagdating ng panahon ay sila naman maghihirap, lalo na si Mae.
Kaya simula non ay naghanap siya ng mag aampon sa kanya. At kinuha siya ng kanyang tita na may asawang bilyonaryo. Ang ina ni Vienna ay galing sa isang mayamang pamilya at napakaganda niya na mukhang babaeng kastila. At namana iyon ni Vienna. Kaya di rin maipagkakaila na maganda si Vienna.
Hanggang sa nakapagtapos siya ng pag aaral at nakilala niya si Rupert Hernandez. Yes! You read it right. Finix marriage siya na kanyang tito at di naman siya nahirapan na mahalin si Rupert. Ginamit niya din si Rupert para sa planong ginawa niya, lalo na nung malaman niya na parehas ng academy na pinapasukan ni Rupert at si Mae. At dahil sa mahal na mahal na mahal siya ni Rupert ay pumayag ito kaagad. He's a son of a b*tch for doing that. Because of that f*cking love he will sacrifice Mae's life to receive more love by Vienna. Uhaw na uhaw siya sa pag ibig ni Vienna. Kaya kahit makapatay siya o mamatay siya ay gagawin niya basta para kay VIENNA.
At ngayon ay papunta si Vienna sa ospital kung nasan ang pamilyang Santillan.
Vienna's POV
After my worst nightmare back then, i'm here with confidence and dignity. I can do whatever I want. And I can get what I want. And this is the right time to get what I want. But i'm not going to use my original plan. This is just a WARM UP.
Dali dali akong pumasok ng ospital na nakapangdoctor na damit. Pupunta ako sa room ni Mae. To check her out kung ayos ba siya o hindi. Take note! I'm not CONCERNED to her. I just want to check kung kakayanin niya pa ang mga pagpapahirap na gagawin ko sa kanya.
Inintay ko munang wala sa kwarto niya yung nanay niya. At ng lumabas ang nanay niya ay dali dali akong nagpunta sa kwarto niya. Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko siyang nakaupo sa bed side ng hospital bed at kumakain ng sandamakmak. The f!! Why is she eating like a pig??!! Isinuot ko yung mask at tsaka ako nagsalita.
"Hi Ms.Mae, are you feeling well?" napatingin naman siya sakin sabay ngiti.
"Ok na po ko doc. Medyo masakit na lang po yung katawan ko pero keri ko hahaha" sagot niya sabay tawa na ikinairap ko naman. Syempre diko pinahalata.
"Oh, that's good to hear. Magpalakas ka na para mabilis kang makalabas ng hospital" para sa susunod deretso ka na sa hukay. Yan sana idudugtong ko eh.
"Thank you po doc"
"Ok bye. Take care" paalam ko sabay alis na dun. Gustong gusto ko na siyang tusukin ng tinidor na ginagamit niya sa pagkain ng spaghetti.
Hay.... Konting konti na lang at matatapos na lahat at masaya na kaming mamumuhay ni Rupert. I'm not regretting for doing my revenge. And i'm not gonna feel a little bit consience when I kill her. I'll feel happiness and satisfied.
Mae's POV
Ang bait talaga nung doctor na yun, papakainin niya pa ko ng marami hahaha
Ng bigla na lang kumirot yung puso ko. Bakit ganun ang sakit ng puso ko, at dahil dito ay din nako makahinga ng mabuti. Feeling ko sasabog ako sa sobrang sakit ng puso ko.
"Ma-ma..... Ma...... Tu....tu....long...."
At hanggang sa nawala na lahat.
Pero bago pa ko mawalan ng malay ay nakarinig ako ng isang boses.
"Fxxk!!"
BINABASA MO ANG
Life Of A FAT UGLY GIRL (COMPLETED)
FanfictionMay isang babae ang nagngangalang Mae Santillan. Buong buhay niya ay sobrang naghirap siya Dahil sa mga nararanasan niyang Pang aapi Pananakit At kung ano ano pa. At tunghayan nating lahat ang buhay nia. Na pinamagatang Life Of A FAT UGLY GIRL