Chapter 7: I am Engage.

134 4 0
                                    

ARKEN

D@MN!

Sabi ko na nga ba eh! May binabalak ang mga magulang ko sa akin!

Pano nila nagawang e-engage ako sa tomboy na yun?

Sa lahat ng tao bakit siya pa?

Ayokong maitali sa katulad nya!

Padabog kong isinaraang pinto ng sasakyan ko ng makarating ako sa bahay ng mga magulang ko.

Dali-dali akong pumasok sa bahay at nagtungo sa kwarto nila.

Alam kong tulog pa sila dahil alas cinco palang ng madaling araw.

Kumatok ako ng malakas para magising ang mga magulang ko na kasalukuyang natutulog.

Hindi ako tumigil sa kakakatok hangga’t hindinabubuksan ang pinto.

Tumigil lang ako ng Makita kong pumikit ang doorknob at unti-unting bumukas ang pinto.

Nakita kong nagulat si Papa ng Makita ako.

“A-anak anong.. anong ginagawa mo dito?” Gulat nitong tanong.

“Tinatanong pa ba yan? Pa? Pano nyu nagawa sa akin to??” Bakit nila ginawa sa akin to?

“Anak? Anong pinagsasabi mo?” Nagmamaang-maangan pa itong si papa. Alam ko namang sila ang may pakana nito.

“Bakit ako naengage sa tomboy na yun? Bakit nyu ako enengage sa tomboy?”

Nakita kong pumakawala muna siya ng malalim ng paghinga bago siya magsalita.

“Halika anak. Dun tayo sa baba. Baka magising ang mama mo.” Tinap nya ako sa balika tapos naglakad na siya patungo sa baba.

Sinundan ko siya hanggang sa makarating kami sa garden.

“Umupo ka anak. Gusto mo bang magkape?” Sabi nitong maupo sa rocking chair nito.

“No,pa. Just… Juts tell me why you did this.. Aaahh.. Bakit nyu ako enengage sa tombo nay un? Bakit” Gusto kong malaman kong baki.

“You know anak.. Matanda na kami ng mama mo. Ginawa lang namin yun dahil kapag mawala na kaming dalawa atleast may mag-aalaga malang sayo.”

“F*CK! Maririnig mo ba ang sinasabi mo pa? Malaki na ako! Kaya ko ang sarili ko! Atsaka hindi ko kailangan ng alaga. Lalo na’t sa tomboy pa na yun!”

Yun lang ba uyung rason nila? Ganun ka babaw para eengage ako sa isang tomboy?

“Anak listen. Kailangan mong magpakasal sa kanya.” Oh! I can’t believe this.

“Bakit? Pa? Alam mo namang may girlfriend ako diba? You know Andy? Ung pinakilala ko sa inyo ni mama last time? Siya yung girlfriend ko. Pa ayokong maikasal. May mahal na ako. At ayun ay si Andy.”

“Alam ko.. Pero kailangan mo talagang magpakasal kay Victoria.”

“What?! Why?! Ayoko! Hinding-hindi ako magpapakasal sa tomboy na yun!”

“Lubog na tayo sa utang anak. Unti-unti na tayong naghihirap. Malapit na ring bumagsak ang kompanya natin. At ikaw lang ang makakasalba sa kompanya at mapigilan ang paghihirap natin. You need to marry her or else..”

“Ayoko!” Sinong tanga ang magpapakasal sa tomboy?! Hindi ako tanga!

“Anak please.. Para din nnaman sayo to. Alam naming hindi mo siya gusto at lalong-lalo na’t hindi mo siya mahal. In order to save our company, you have to marry Victoria. Ang kompanya nalang naming ng mama mo ang tanging maipapamana naming sayo anak. Please save our company. Please save us.”

Bakit ba nangyayari sa akin to? Bakit ako nalagay sa ganitong sitwasyon? Bakit ako nadamay dito?  Bakit ako pa?

“FINE! Magpapakasal ako! Pero sa oras na maisalba ko amng kompanya! Magpafile kaagad ako ng annulment! Ayokong maitali sa babae no!Sa tomboy habang buhay!” Sabi ko at galit akong umalis ng bahay.

Mahal ko ang pamilya ko. Hindi ko kakayaning kapag nakita ko silang nahihirapan. Ayokong mahirapan sila kaya kahit masakit.. Kahit labag sa loob ko. Magpapakasal ako.

"Which Whom am I Married?"(ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon