Chapter 20: I hate it..

114 5 0
                                    

Chapter 20

Kasalukuyan ako ngayong naghahanda nang makakain  ng marinig ang tunog ng doorbell. Ito na naman.. doorbell na naman? Kahapon may nagdoorbel din at hindi ko alam kung sino. Sino naman kaya ngayon to? Sunod-sunod ang pagdoorbel..

Haixt.. sige na nga ako nang bubukas..

Inalis ko ang apron na nakakabit sa katawan ko tapos lumabas na ako ng kusina. Papalapit na sana ako sa pinto ng bigla kong makasalubong si Arken na parang nagmamadaling lumapit dito.

“Ako na.” Sabi nya habang tumatakbong lumabas ng bahay.

Bakit naman kaya siya nagmamadaling lumabas? Hay naku..

Hinayaan ko nalang sya at bumalik na ako sa kusina. Ipinagpatuloy ko ang ginagawa hanggang sa matigilan ako ng maramdaman kong ma yumakap sakin.

“Ano na naman ba to Arken? Nagkakagusto ka na ba sa aki-“ Hindi ko na natuloy ang sasabihin ng lingonin ko ang taong nakayakap sa akin. At halos lumundag ako ng Makita ang nakangising mukha ni Stephanie..

“Ang baklang to? Bakit ka nanggugulat?!” Inis kong sabi..

“Aba? Naiinis ka? Bakit? Akala mo siguro si Arken ang yumakap sayo nuh? Ikaw gurl ha? Umamin ka nga? Bumigay ka na ba?” Nakangusong sabi nito..

“Asa ka! Itigil mo na nga yang kangunguso!! Sipain kita e!” Sarcastic kong sabi..

“Aba? Ang aga-aga ang init ata ng ulo mo bestfriend?” Napalingon ako bigla sa lalaking nagsalita.. Hahaha.. hindi ko man lang siya napansin.

“Eh kasi to! Sarap upakan! Nanggugulat eh!” Duro ko pa kay Steph.

“Hahaha.. nakakatawa ka Vic.. Anyways? Speaking of Arken? Bakit ata nagmamadali siyang pagbuksan kami kanina? May inaasahan ba siyang bisitang darating?” Pagiiba ni Steph.. Pero teka? Oo nga nuh? Kaya siguro siya nagmamadali kanina dahil akala nya siguro bisita nya yung inaasahan nyang dumating. Sino naman kaya?

“Ewan ko, teka nasan nga pala sya?” Nasan nga ba yung ugok na yun.

“Nasa labas pa siguro? Bago kasi kami makapasok dito ay may biglang dumating. Isang delivery man na may dalang bouquet of flowers at isang box.  Iyon siguro yung hinihintay nya.” Ani Louie.

"Which Whom am I Married?"(ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon