Chapter 18:ang ganda pala ng asawa ko

116 5 0
                                    

"AHHHHHHH!!! HINDI KO NA KAYA TO!!" Nagdadabog kong tinapon ang hawak-hawak kong map.Nakakainis!! Kanina pa ako naglilinis dito!! Hindi man lang ako matapos-tapos dahil kanina pa ako kinukulit ng ulol na Arken na yun!!

"Oh? Tinatanong lang naman kita ah? Ano bang problema dun?" Painosenteng tanong pa nya.

"Anong problema?! IKAW!! Kanina pa ako linis ng linis dito!! Habang ikaw walang ginagawa at may ganang ka pang mang asar!!" Bakit ba ako nagtitiis dito? Kung alam ko lang na gagawin nya akong ulila edi sana hindi na ako nagpakasal!!

"Oh? Bakit ka naman naasar?" Painosenteng tanong ulit nito.

Bakit nga ba ako naasar eh nagtatanong lang naman siya diba?

Totoo ang mga sinabi ko.. totoong ako ang nagdala sa kanya sa kwarto nya habang lasing siya.

AHHH!! Nakakainis lang kasi! Paulit-ulit nalang kasi ang mga sinasabi nya!!

Parang may gusto siyang malaman mula sa akin. Ano naman ang gusto nyang malaman?

"AAAHHH!! Never mind na nga!! Ang mabuti pa tulungan mo nalang ako dito kesa sa inalila mo ako!" Nagdadabog na pinulot ko ang tinapon kong map at iniabot sa kanya.

"Kunin mo." Sabi ko habang hawak-hawak ang map.

Nakita kong tinignan nya lang ang hawak ko at hindi man lang ito kinuha sa akin ngunit ang ginawa nya ay bigla siyang tumayo at pumunta sa sala at inion ang TV at dun ay nagsimula na siyang magenjoy sa pinapanood nya.

Ako naman ito? Hindi makapaniwala..

Ganito ba talaga katamad si Arken?! AAHHH!!! Bakit ba ako nagpakasal sa kumag nato?!!

Hinayaan ko nalang siyang magenjoy sa panonood. Para naman makapagfocus ako sa ginagawa ko. Marahil nagtataka kayo kung bakit naglilinis ako. DUh? Ilang linggo ng hindi nalilinis itong bahay simula ng tumira kami dito ni Arken.

Ilang beses na rin akong nagreklamo sa kanya na maghahire nalang kami ng katulong kaso ayaw nya talaga. Hindi ko alam kung bakit ayaw nya. Mas gusto talaga ng kumag na yun na nahihirapan ako.

Natapos na ako sa pagmamap kaya sinimulan ko na ring linisin at punasan mga naaalikabok ng bintana at kagamitan sa bahay. Ininuna ko muna ang pagpupunas ng mga naaalikabok na figurin at portrait na nakadisplay sa bahay. Nang matapos ako ay sinunod ko na rin ang pagpupunas ng bintana.

Nung una naabot ko pa ang pagpupunas ng bintana kaso habang papunta na ako sa dulo ay unti-unting hindi ko na ito naabot. 

"Stoy, tulungan mo nga ako dito. Dali!!"Tawag ko sa kanya kaso hindi man lang siyan natinag.

"Which Whom am I Married?"(ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon