Chapter 16: "A-arken? Hey.."

97 5 0
                                    

Napansin kong hindi na masyadong umiimik si Arken kapag magkasama kaming dalawa.

Pansin ko rin ang pagmamaga ng mga mata nya.

Hindi  na nga ako nagtatanong kung napaano siya. Eh alam ko naman na umiyak siya.

Sigurado ako na kapag tinanong ko siya  kung umiyak siya ay papagalitan nya ako.

Madalas na rin siyang late umuwi.

Paminsan-minsan na lang nga kaming sumasabay papuntang school.

Kasi paminsan-minsan late na siya gumising.

Gabi-gabi na siya kung umuwi tapos palagi pa siyang amoy alak.

Hindi na rin siya masyadong kumakain.

Pansin ko na namamayat na siya.

Ganito nya ba talaga kamahal si Andy?

Pagmamahal na sobra pa sa pagmamahal ko para kay Andy?

Hindi ko maisip na ito pala ang magiging apekto para kay Arken.

Mahal nya si Andy, pero bakit nya ako pinakasalan?

Kung mahal nya talaga si Andy? Diba dapat ipaglaban nya ito?

Kung sabagay naiintindihan ko rin si Arken.

Pareho kasi kaming duwag.

Pareho naming mahal si Andy, at pareho din naming isinuko ang pagmamahal namin para sa kanya.

Teka?

Sumuko na ba talaga si Arken?

Eh ako?

Sumuko na ba talaga ako?

Pagkatapos ng araw na yun..

Naging ganito na si Arken.

Yung hindi na ako iniimik, hindi na ako binubwisit, pinapabayaan na rin nya akong manood ng NBA,hindi na nya ako ginagising ng maaga para magprepare ng breakfast at hindi na rin siya nagrereklamo sa ulam(kasi nga hindi ko na siya nakakasabay kumain).

Nakakamiss pala talaga ang kabwisitan ni Arken nun?

Yung hindi kumpleto yung araw mo kung walang Arken na nambwibwisit sayo bago ka matulog o sa pagising sa umaga.

"Which Whom am I Married?"(ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon