Naalimpungatan ako ng biglang tumunog ang doorbell ng bahay. Nagtaka ako dahil bihira lng naman ang nagdodoorbel sa bahay.
Babangon na sana ako ng mapagtantong nandito ako sa loob ng kwarto ko. Pano nangyari yun? Ang pagkakaalala ko ay nakatulog ako sa sala.
Marahil ay dinala ako dito ni Arken. Kahit ugok pala ang taong yun may malasakit din pala kahit konti sa katulad ko.
Natigil bigla ang pagdoorbel kaya bumangon na ako at nag-ayos. Gusto kong malaman kung sino ang bisita namin. Marahil ay napagbuksan na yun ni Arken kaya tumigil na sa pagpipindot ng doorbell.
Pagbaba ko ay bigla akong natigilan ng madatnan ko sa sala si Arken na naka cross arms at nakabente kwatro ang upo habang nakakunot noong nakatingin sa isang boquet ng rosas at isang kahon.
Dahil sa pagtataka ay lumapit ako at tinignan ang nilalaman ng kahon at dun ay bigla akong naexcite..
“Wow!!Chocolate cake!! Arken? Kanino galing ang mga to? Grabe! Iba ka talaga!! Hindi ko alam na may nanliligaw pala sayo!! Ikaw ha? Sino naman kayo? Hey!! Kinakausap pa kita!” Ang bastos niton g taong to.. Kinakausap tapos bigla nalang magwawalkout. Anong problema nun?
Anyways? Kanino kaya nananggaling to? Sa manliligaw ba talaga nya o manliligaw ko?
“HAHAHAHAHAHAHA!!!” Bigla akong natawa sa naisip..
Hahaha.. naalala ko.. kahit tomboy ako marami talaga ang nagtatangkang manligaw sa akin. Pero kong para nga sa akin to? Sino naman kaya ang nagbigay?
Hinanap ko kung nasaan yung papel kung saan nakaaddress yung name ng nagbigay nito. Kaso wala akong napala. Marahil ay para talaga ito kay Arken..
Anyways.. Nagwalkout siya at hinayaan lang ito basta-basta sa akin. Ibig sabihin? Malaya akong gawin ang gusto ko? Malaya kong kainin to? Kung sabagay! Kagigising ko lang, at hindi pa ako nakakakain.
Niligpit ko ang mga ito at dinala sa kusina ang chocolate cake. Kumuha ako ng dalawang plato at nilagyan ito ng tig-iisang slice. Para kanino pa ba yung isa? Syempre para kay Arken. Nagtimpla din ako ng maiinom.
Nang matapos kong magprepare ay umupo na kaagad ako sa dining. Susubo na sana ako nang Makita ko sa harap ko ang isang plato na nilgyan ko kanina ng isang slice ng cake. Bigla kong naalala.. wala pa pala si Arken. Haixt.. bigla akong nawalan ng gana.. Nasanay na siguro ako na palagi kaming sabay kumain kaya ganito nalang ako.. Haixt.. Hindi ako kakain hanggat hindi kami sabay!!
Tumayo na ako at hinanap siya.. Kahit kalian ang galling talaga nyang magtago. Dahil malaki itong bahay ay nahirapan akong hanapin siya hanggang sa wakas ay nakita ko rin siya.
BINABASA MO ANG
"Which Whom am I Married?"(ON HOLD)
RomanceIsa akong babae... Na nagmahal sa kapwa ko babae.. Na niloko, sinaktan, pinaasa, At pinagpalit sa walang kwentang si ARKEN!! Na walang ginawa kundi inggitin at inisin ako! Sana nga hindi nalang ako natulog.. Dahil pagising ko.. Kasal na ako.. Kanino...