The One That Got Away

297 2 0
                                    

Kevin’s POV

                Nakakadalawang oras na, nagpalit na ng prof at lahat pero ganun pa rin ayos ng katabi ko. WTF?! Bakit ba nadidistract ako sa kanya?! Ah, siguro kasi naaalala ko ung dati kong sarili sa kanya. At kapag ganun, naaalala ko rin si Thea. Si Thea na naman… mahirap pala talaga makalimot. Bakit lahat na lang ng bagay nagpapaalala sa kanya?

                Lunch break na. Pero ‘di pa rin tumitinag ung babae. Nakatulog na ata…anyway, ano naman ba sa’kin?

                “Hi, ikaw si Kevin ‘di ba?” tanong ng isang babaeng lumapit sa ‘kin.

                “Oo, ako nga,” sagot ko naman.

                “Ah, I’m Charmagne,” sabi niya sabay abot ng kamay. Ano naman sa ‘kin? Isasagot ko sana. Kaso napaka-unethical ko naman ‘pag ganun kaya nakipagkamay na lang ako sa kanya. Ginisng niya ung babae sa tabi ko.

                “OI BAKLA, GUMISING KA NA DIAN! Lunch break na. Sa Blue Horizon kami maglulunch, ikaw ba?” BAKLA? BAKLA BA SIYA? Pero parang tunay na babae naman ahh…o retokada lang? HAI…KUNG ANU-ANONG NAIISIP KO. Makaalis na nga, malapit nga lang pala ung school nina Ian at Sam, dun na lang ako maglulunch. Sa Collegio De San Juan De Letran kasi sila nag-aaral, BS in Accountancy ung courseni Ian, tapos BS in Hotel and Restaurant Management naman ung course ni Sam. Eh 450 meters away lang naman ‘tong MAPUA, kaya malapit lang.

Soneone else’s POV

                Two weeks na rin since magstart ung 4th term. Okay naman, I slept through most of my classes. Galing ko ‘di ba? Late pumasok tapos nagtutulog lang naman! Two weeks na lang rin pala bago mag-Summer Fest. Inaabangan ko un hindi dahil mahilig ako sa sports, kundi dahil walang klase for three days! PAHINGA UN E! HAHA! Teka…ano na naman kayang pakulo ng Student Council? Last year kasi nagma-ala-Plipinas-Got-Talent sila. Ngayon kaya?

                “Good morning class!” bati ni Ma’am Fausto, mukhang maganda na naman ang mood niya. ‘Pag ganito malamang may mapagdidiskitahan na naman siya. Sana ‘wag ako. Parang awa Mo na Lord! Wag ako please! (dasal ko) Tinawag niya si Kevin, si seatmate ko sa subject niya. Nagging permanent seats na kasi namin ung first day na sitting arrangement. Okay lang, since natutulog lang naman ako most of the time. At okay na sana e, makakahingan na sana ko ng maluwag kaso tinawag pa niya ko. MY GOD! ANONG PROBLEMA NIYA? GITARA NA NAMAN BA? Pffft! Nakakayamot talaga ‘tong teacher na ‘to. Lumapit na rin ako sa harapan, tapos inabutan niya na kami ng tig-isang gitara. ANONG PLANO NIYA?! At binigyan ng tig-isang nakafolder na music notes. MY GOD! E PAANO PALA KUNG ‘DI AKO NAKAKABASA NG MUSIC NOTES, E ‘DI NAPAHIYA PA KO? ABNORMAL TALAGA ‘TONG PROF NA ‘TO!

                “I want both of you to work on that song. Simple lang naman ang gusto ko, if you can sing that tomorrow in front of the class, and if we like it, you’ll receive a reward. Like for you, Crissa, alam kong gustong-gusto mong magkaroon ng Hunger Games Trilogy kaso nanghihinayang kang bumili, right? I’ll give you a hardbound copy of the three books if you can make it. And to you Kevin, hindi ko pa alam but you’re free to ask kung anong gusto mo.”

                “Ma’am?” tanong ko.

                “Ano un?” sagot niya.

                “Hindi ba pwedeng BMW na lang ung price? O kay Honda Jazz lang masaya na ko…” biro ko sa kanya. Tinaasan niya lang ako ng kilay. Haha. Ngumiti lang ako then tinanong…

                “Bakit may gitara na kami ngayon?”

                “Para makapag-start na kayong magpractice.” sagot niya. GRABE. ANG TINO TALAGA NG PROF NA ‘TO! Pero feeling ko parang may mali e..bakit parang nagiging Music instead na Logic Circuits ung subject? Hmm…Fishy… pero ayos lang,                 MAGKAKAROON NA KO NG COPY NG HUNGER GAMES! SHET! PANGARAP KO UN E! Haha. Ansaya ko naman daw.

IKAW PA RINWhere stories live. Discover now