Chapter 2
March 27, 2008 7:30pm
Hindi ko maintindihan si Kevin..bakit ba ang sama niya sa ‘kin? Hindi niya ko kinakausap. Niregaluhan ko na nga galit pa. Abnormal talaga ‘yun! Kevin-ah,,wae rae? Naneun chuahae… nomu nomu chuahae… Ayan..nahawa na naman ako kay Alex..kasi naman e, wala siyang tigil sa pagkukwento ng mga Korean na nababasa at napapanood niya. Pero kung tutuusin, ako naman ang nanghikayat sa kanya na manood noon. Wala lang…cute kasi e…haha.
March 28, 2008 6:45 pm
Lasing na naman siya… ‘Tong lalaking ‘to kahit kailan talaga lasenggero. Pero natuwa naman ako.. Nagpasalamat siya sa ‘kin…sabi niya ako raw ung unang tao na nakapagpasaya sa kanya..sana raw ‘di ako magsawa. Grabe talaga ‘pag nalalasing ‘to, kung anu-ano ung sinasabi. Pero kinilig pa rin ako. (Blush). Naalala ko kasi noong mga bata pa kami…una ko siyang nakilala noong namasukan si nanay sa kanila… tapos si tita Ciara, ung mon niya, pumayag na sa kanila na lang kami tumira. March 26, 2000 un, birthday niya noong lumipat kami sa kanila. Naalala ko ayaw pa niyang lumabas ng kwarto niya. Tapos inaaway pa niya ung mom niya. Salbahe talaga siya kahit noong bata pa. Noong gabi na nakita ko siya sa may garden.Umiiyak. Noon lang ako nakakita ng lalaking umiiyak. ‘Di ko na sana siya papansinin..kaso naawa naman ako…kaya kumuha ko ng panyo sa kwarto naming nila nanay. Tapos nilapitan ko siya. Inabot ko ung panyo sabay sabing, ‘okay lang ‘yan. Lilipas din ‘yan. ‘Pag hindi mo na kaya, iiyak ka lang. Tapos mawawala na rin ung sakit.’ Pagkasabi ko nun umalis na ko. Nakakahiya e. Tsaka baka pagalitan niya lang ako. Mahirap na.
Ngayon sixteen na ko. Siya naman seventeen. Pero ‘di pa rin siya nagbabago. Siya pa rin ung iyaking bata na nakilala ko. Haha. Magagalit sa ‘kin ‘to ‘pag nabasa niya ‘tong pinagsusulat ko. Nakikini-kinita ko na.
April 4, 2008 11:00 pm
Sobrang nakakapagod ‘tong araw na ‘to. Pero ayos lang. Graduate na kami ng high school. ASA! Saan kaya mag-cocollege si Kevin? Tinatanong ko kasi kaso ayaw naman niyang sumagot. Nagalit pa. Ang kulit ko daw e nagtatanong lang naman. Abnormal talaga iyon. Ano bang masama sa tanong ko? Makatulog na nga lang, bukas, may lakad ang barkada… Magbo-Boracay kami. Ayos! Mabuti na lang at mayayaman ang mga kaibigan ko. Nakalibre! Saya talaga!
April 5, 2008 10:00 am
Asan na kaya si Kevin? Pambihira talaga un. 9:00 am ung usapan e…isang oras na siyang late. My God! Baka ‘di na siya umabot sa flight namin. Haha. Feel na feel ko naman ung fight diba? E kasi naman…first time! Syempre ganun talaga.. Ang aga-aga ko ngang gumising para dito e…Maya-maya dumating na rin siya. My God! Mabuti naman! Pero hindi pa rin niya ko pinapansin. At hindi ko rin siya pinapansin. Ang lagay e, siya lang ang may karapatang ‘di mamansin? Kung ayaw niya kong kausapin, E ‘di wag!
April 5, 2008 11:30 am
Katabi ko si Kevin sa eroplano… My God! Bakit siya pa? Sa lahat naman ng makakatabi o…Ang masama pa, siya ung nasa may bintana. Gusto ko dun e! kaso ayaw niyang makipagpalit. Napaka ungentle man tala nito! Buset! Nakikipagpalit ako kay Red, pero ayaw niya. Si Sam naman katabi si Alex, e malamang ‘di rin papaya ung dalawang ‘un. Si Ian at Jonas tulog na. Malas. Malas talaga. Kinakausap na ko ni Kevin, nabore ata. Pero ‘di ko pa rin siya pinapansin. Akala niya ata siya lang ang marunong ‘di mamansin ahh.. pwes, magdusa siya! Siya naman ‘di ko papansinin. Haha. Teka lang, nahahawa na ko sa sama ng ugali niya.
NP: The Sweet Escape by Gwen Stefani :DD
Kevin’s POV
I am sober now. Sa unang pagkakataong hindi ako uminom sa loob ng isang araw. Nasa kwarto ako ni Thea. Ayaw niya kasi ng makalat sa kwarto niya.Ayaw niya ng amoy yosi o alak. Ung babaeng un talaga. Hindi naman niya talaga kwarto ‘to. Guest room ‘to dapat. Self-claimed lang niya na kwarto. Bakit? Kasi condo ko ‘to. Amp un e! Kung maka-angkin ng kwarto akala mo siya ung may-ari ng condo! Matagal din bago ko napagdesisyunan na buksan ung package na pinadala niya. Hindi pala siya ang nagpadala. Gretchen Aguilar ung pangalan. Nurse daw siya sa ospital kung saan naconfine si Thea noong na-coma siya. Sabi doon sa note, bago ma-coma si Thea iniabot daw niya ung sulat sa nurse tapos kasama ung susi at sinabi ung pangalan ko. Hindi niya raw alam kung anong laman ng sulat. At kung paano ibigay sa ‘kin. Kaya tinago niya muna. Tapos un nga, nacoma na si Thea at ‘di na niya naitanong kung anong address ko kasi off niya kinabukasan. Lately lang daw may nakapagbanggit na nurse na naospital ung boyfriend nung babaeng nacoma dati. Naawa raw sila doon sa lalaki. Kasi hanggang ngayon ‘di pa rin siya nakakamove-on. Doon niya nalaman ung address ko kaya pinadala na niya ung mga gamit ni Thea. Ang sabi pa niya alam niya raw na mahirap. Pero kailangan ko raw magpakatatag. Nakakainis. Ano ba alam nila sa pinagdadaanan ko ngayon?