Untitled..:D

318 2 2
                                    

CHAPTER 10

Sam's POV

                Nakakairita ung lalaking un. Buset! Napakakulit lang ai! Kasi naman, bakit ba ko nakipag one-night-stand sa isang stranger? Ayan tuloy napapapala ko, nagkaroon ako bigla ng instant admirer, at instant stalker. E kasi ba naman, after that night, hindi na niya ko tinatantanan. Kesyo hindi daw xa ganun klaseng lalaki, kesyo pananagutan niya raw ako. Naku! if I know, bukas makalawa, iiwan at iiwan niya rin ako. So bakit pa ko maghihingi ng commitment?

                Lahat ng lalaki manloloko. Well, hindi pala lahat, pero tatlong lalaki lang ang kilala kong marunong magmahal ng matino. Ung una ung tatay ko, at ung pangalawa at pangatlo, parehong taken na, kaya 'di na pwede. Haha! Biglang tumunog na naman ung phone ko. Teka, ano kayang gagawin ko sa isang 'to? Tumatawag na naman siya! LECHE TALAGA!

                Naisipan kong pumunta sa condo ni Kevin, e kasi 'pag nakikita ko siya, parang nawawala ung pagkamiss ko kay bestfriend Thea. Teka, matawagan nga muna un, baka mamaya mag-amok na naman 'pag pumunta ko nang walang pasabi. HB rin un e, parang si Alex lang.

“Hello Kevin..pupunta ko diyan sa condo mo ngayon ha!” Haha. Ayos din ako magsabi, malamang umuusok na ilong nito.

                “Osige..” Aba. Good vibes ata siya ngayon at hindi ako sinungitan. Bababa ko na sana ung phone kaso bigla na naman siyang nagsalita. “Ai teka, magdala ka pala ng extrang damit ahh…basta ‘wag ka ng magtanong kung bakit. Ge, bye.” sabay baba ng phone. Ayos. Matino rin 'tong lalaking 'to e. Aanhin niya kaya ung damit?

                "Ano bang ginagawa damit Sam? Try mo kainin!" ayan, kausap ko na naman sarili ko. Abnormal lang. Nagpalit lang ako ng damit tapos nanguha sa dresser ko ng unang damit na nakita ko.  White tank top un na may katernong black shorts at malapad na belt. Wala namang sinabi si Kevin na specifications ng damit na pinapadala niya so ayos na siguro 'to.

“Annyeong!” Bungad ko pagdating sa condo niya.

“Pinagsasasabi mo dian? Pumasok ka na nga lang…dala mo ba ung pinapadala ko?” Kahit kailan talaga hindi nito sinasakyan ung pagko-korean ko. Ewan ko ba, basta galit ata siya sa mga Koreano e.

“Oo, takot ko lang sa’yo. Hahahaha!”

“Kevin…sino siya?”may babaeng biglang sumulpot sa likuran ni Kevin. Hmm...I smell something fishy going on here...

“Ah..Sam, si Crissa nga pala. Classmate ko. Cris, si Sam, barkada ko.” Kinuha niya ung paper bag na dala ko. Alam niya kasi na ayaw kong nalulukot ung damit ko so sa paper bag lang talaga ko naglalagay ng damit. Kung papaanongfeeling ko 'di siya nalulukot sa paper bag, wag niyo na itanong. Walang basagan ng trip. “Cris, eto na ung damit, magbihis ka na. Kahit dun na lang sa kwarto ni The…dun na lang sa kwartong pinagtulugan mo.” Sumunod naman ung tinawag niyang Cris, kaya kaming dalawa na lang ulit. Tiningnan ko siya ng masama.

“Teka…’wag mo kog tingnan ng ganyan, wala akong ginagawang masama!”

“E sino un? Bakit nasa condo mo? Tsaka bakit kailangan niya ng pamalit na damit? Ha?!” tinakpan niya ung bibig ko. Ang ingay ko kasi. Pagkatapos nun pinaliwanag niya na doon niya na raw pinatulog ung girl kasi 'di niya alam kung saan nakatira, tapos pareho pa silang nakainom at wala sa sarili. Pero wala naman daw nangyari sa kanila. Sabi niya. Noong una ayaw kong maniwala, pero naalala ko na hindi pa nga pala siya nakakaget-over sa bestfriend ko, at hindi naman siya ung tipo ng taong kukuha ng rebound at makikipag-sex kung kani-kanino. 'Di tulad ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 01, 2012 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

IKAW PA RINWhere stories live. Discover now