Chapter 5
December 24, 2008 11:00 PM
Christmas Eve na mamaya…sana magustuhan ni Kevin ung regalo ko sa kanya. Simple lang naman un, isang personalized bracelet. Hehe. Natuwa lang ako sa nakita kong design last week nung nagpunta ko sa mall. Kaya sinubukan ko, iyon, okay naman…sa tingin ko. Naisip ko si Kevin, mahilig kasi sa mga ganun un e, kaya ginawan ko na rin siya, tapos pati ung mga kapatid ko. Kaso naisip ko parang nakakahiyang ibigay kasi mura lang naman un, baka mainis pa ko ‘pag tinanggihan niya. Kaso sayang naman kung ‘di ko ibibigay… Bigay ko na kaya?
December 25, 2008 10:30 PM
Nakakainis talaga ung mga lalaki…hindi ba nila alam na ‘pag may kasama silang babae na gumala sa mall tapos may tinitigang teddy bear or stuffed toy ung girl, ibig sabihin gusto niya un? At gusto niyang iregalo mo sa kanya un? Parang ‘tong si Kevin kanina, may nakita kasi kong teddy bear na human size, tapos white and violet ung combination ng kulay, tapos tanong ba naman, ‘gusto mo ‘yan?’ sabay banat na ‘kasi ayoko nian e…’ Kainis, talaga…akala ko bibilhin niya para sakin. Nagtanong pa ng ganun, mang-aasar lang pala.
January 1, 2009 2:00 AM
Hay… nakakapagod talaga ‘pag new year, ang dami kasing linisin dahil maraming bisita sa party ng mom ni Kevin.And speaking of Kevin, ‘di ko alam kung seseryosohin ko ung sinabi niya kanina. Sabi niya, ‘hindi ako sigurado, pero sa tingin ko, gusto kita.’ OMG! NAWINDANG TALAGA DOON SA SINABI NIYANG UN. Matagal na rin kaming tinutuksong dalawa, kaso ‘di ko naman pinapansin un, kasi nga sanay naman ako na kasama siya dahil halos sabay na rin kaming lumaki. Pero noong sinabi niya un, ‘di ko alam kung anong iisipin ko, kasi baka naman ginu-good time na naman ako ng mokong na un. Pero hindi naman niya siguro gagawing biro ung mga ganung bagay ‘di ba? At ito pa, binigay niya sa ‘kin ung bear na tinititigan ko sa mall noong Christmas. OH MY GOD TALAGA! Kevin, bakit ba pinapahirapan mo kong mag-isip? Otteokke?
January 6, 2009 8:45 PM
Halong emosyon na naman ung nararamdaman ko.Masaya ko dahil nakasama ko mag-hapon sila nanay, birthday kasi ni Tanya kaya namasyal kami pagkatapos magsimba.Malungkot ako kasi hindi pa rin ako kinakausap ni Kevin. Ano na naman kayang problema niya? Magsasabi-sabi siya ng ganun tas bigla-biglang ‘di mamansin. Kainis talaga ung lalaking un! At isa pa, kasalanan ko ba kung hindi ko magets ung sinabi niya? Nakakainis kasi minsan ung mga lalaki. Hindi ba nila alam na mas kailangan ng babae ng paliwanag? Alangan namang manghula pa ko, ayoko rin namang mag-assume…kasi nga ‘pag magkasama kami lagi na lang kaming nag-aaway, tapos lagi ko pa siyang pinapagalitan. E kasi naman pasaway kaya siya! So paano niya ko magugustuhan? Kahit na gusto ko siya, mahirap pa rin…Ayokong masaktan…
Kevin’s POV
Nagising ako ng 6:00. TEKA..6:00 NA?! AMPOTEK! KUNG MAMALASIN KA NGA NAMAN! LATE NA KO! PATAY! Nagmadali akong maligo, tapos nagbihis at nagmadaling pumasok sa sasakyan ko. Kasi naman, inumaga na naman ako sa kakabasa ng diary ni Thea. Hindi ko alam na may feelings na rin pala siya sa ‘kin nun, at natatakot lang din siya na umamin. Hay…napaka-torpe ko kasi e… Kahit noong time na naging kami, kung hindi pa niya ko kinompronta at inaway, hindi ko pa masasabi sa kanya ung feelings ko, at hindi pa magiging kami.
ANAK NG TINAPA! TRAFFIC PA! 7:00 na ng makarating ako sa school. Patay talaga. Ang sama na ng tingin ni Cris (at talagang pinaikli ko pa ung pangalan niya). Nagsorry ako, at humingi ng pasensya.
"Hindi mo ba alam na kailangan ng mga babae ng paliwanag?" tanong niya. Nabigla ako. Ganun din kasi ung nakasulat sa diary ni Thea. Napatitig lang ako kay Cris. Tapos umiwas ng tingin. Teka, babae siya? E ‘di ba tinawag siyang bakla nung Charmagne?
