Pilit ng Hilera

218 0 0
                                    

Chapter 7

                “Anong pinapakinggan mo?” tanong ni Kevin. Isang oras na rin siyang nagmamaneho. Paikot-ikot lang kami sa may San Agustin Church at Intramuros. TInamad na kong isipin kung saan kami pupunta, kaya nag-sounds na lang ako. Favorite song ko ung tumugtog ngaun.

                “Pilit ng Hilera.”

                “Ahh…parinig naman…” sabi niya tapos kinuha ung phone ko at tinanggal ung earphones. “Hindi mo ba tatanungin kung bakit kita sinama?”

                “Tinatamad ako.” Sagot ko.

                “Wow, ang ganda ng sagot mo ahh..teka, saan mo ba gustong pumunta?”

                “Bakit ako ung tatanungin mo e ikaw ‘tong nagsama sa ‘kin?”

                “Ahh..oo nga pala..cge, alam ko na kung saan tayo.” Tapos lumiko siya sa may Padre Burgos tapos sa Roxas Boulevard. SAAN KAYA KO DADALHIN NG MOKONG NA ‘TO? PFFT. OKAY LANG, BASTA MALAYO SA SCHOOL. Ilang sandal lang, nasa may entance na kami ng Star City..Seryoso ba siya? Dito talaga kami pupunta?

                “Bakit nga pala un ung favorite song mo?”

                “Huh? Ah..wala lang, ang lungkot e…parang…basta…ang galing kasi magtrigger ng emotions ung kanta.Haha. Abnormal talaga ko! Teka, sigurado ka bang dito mo gustong pumunta?”

                “Oo. Ayaw mo ba?”

                “Hindi naman..nagtatanong lang…E bakit gusto mo dito?”

                “Mmm..kasi, may isang taong pangarap niyang pumunta rito nang kasama ko. Kaso hindi na natuloy kasi may nangyari.”

                “Anong nangyari?”

                “Wala. Tara na!” hinila niya ko papasok pagkatapos niyang bumili ng ride-all-you-can tickets.

Kevin’s POV

                Isang oras na kami paikot-ikot. Wala lang, wala kasi kong maisip na pupuntahan. Eto namang kasama ko may sariling mundo ata. Hindi nagsasalita, blangko ung expression. AMP! Ano ba kasing nakain ko at tinakas ko siya? Maya-maya kinausap ko na rin siya. Baka mapanisan na ko ng laway e!

                “Anong pinapakinggan mo?” tanong ko.

                “Pilit ng Hilera,” matipid niyang sagot. Nakakayamot talaga tong babaeng ‘to. Minsan ang slow e. Hindi ba niya gets na gusto kong makipag-usap?

                “Ahh…parinig naman…” kinuha ko ung phone niya at tinanggal ung earphones. “Hindi mo ba tatanungin kung bakit kita sinama?”

“Tinatamad ako.” AYOS, ANG TINO NIYA TALAGA KAUSAP.

“Wow, ang ganda ng sagot mo ahh..teka, saan mo ba gustong pumunta?”

“Bakit ako ung tatanungin mo e ikaw ‘tong nagsama sa ‘kin?” AMP! MATINO TALAGA! AKO NA NGA ‘TONG NAGMALASAKIT SA KANYA E!  Wait, may naisip na ko kung ‘san kami pupunta. Star City na lang, 6pm pa lang naman, nakakatamad umuwi ng maaga. Hindi pa ko nakakapunta dun e. OO, AKO NA TAO SA MULA. Basta feeling ko kasi masyadong pambata..tsaka bakit ka mag-aaksaya ng pera sa pagsakay sa mga rides na halos magpaluwa ng lahat ng laman ng tiyan ko? Pero ngayon gusto ko lang maranasan un, for a change. Haha. Abnormal na rin ako kagay nitong katabi ko.

“Ahh..oo nga pala..cge, alam ko na kung saan tayo.” At iyon nga, nagtuloy kami sa Star City.

“Bakit nga pala un ung favorite song mo?”

                “Huh? Ah..wala lang, ang lungkot e…parang…basta…ang galing kasi magtrigger ng emotions ung kanta.Haha. Abnormal talaga ko! Teka, sigurado ka bang dito mo gustong pumunta?” BUTI ALAM NIYANG ABNORMAL SIYA. HAHA

                “Oo. Ayaw mo ba?”

                “Hindi naman..nagtatanong lang…E bakit gusto mo dito?”

                “Mmm..kasi, may isang taong pangarap niyang pumunta rito nang kasama ko. Kaso hindi na natuloy kasi may nangyari.” SHET! BAKIT IYON PA UNG NASABI KO? SANA NAGSINUNGALING NA LANG AKO!

                “Anong nangyari?” ETO NA NGA BA SINASABI KO E! SABI NA ETO UNG KASUNOD NA TANONG E!

“Wala. Tara na!” Pag-iwas ko, buti na lang at ‘di na siya nagtanong ulit. Ride-all-you-can ung binili kong ticket. At teka, mukhang tuwang-tuwa ‘tong kasama ko sa nakikita niya.

“First time mo?” pabiro kong tanong.

“Oo.”

“Hindi nga?”

“OO NGA, KULET!” parang nagtatanong lang galit na agad. Nag-ikot-ikot lang muna kami, tapos mga after 30 minutes hinila niya ko sa isang pila. Nang tiningnan ko ung pangalan ng rides, NAWINDANG AKO. AS IN WINDANG TALAGA. STAR FLYER!SA DAMI NG SASAKYAN BAKIT ITO PA?ANAK NG PUSIT NAMAN!

“Bakit ganyang itsura mo? Ayaw mo ba? Kung gusto mo ako na lang sasakay.”

SOBRANG OBVIOUS BA NA AYAW KO? ANAK NG! HINDI KO NAMAN PWEDENG SABIHING NATATAKOT AKO DAHIL SIGURADONG PAGTATAWANAN AKO NITO! AMP! BAHALA NA TALAGA! LORD, TULUNGAN MO PO KO PLEASE?? PLEASE?!?

Okay, OA lang talaga ko kanina. Nakababa naman kami ng buhay. Pero masu-suka na talaga ko, then nagyaya siyang sumakay sa VIKING, tapos sa BLIZZARD, then sa JUMPING STAR at SURF DANCE at marami pang iba, PERO ITO LANG TALAGA NATANDAAN KO DAHIL HALOS LUMABAS NA LAHAT NG LAMAN LOOB KO PAGKATAPOS NG RIDE HABANG SIYA NAMAN GUSTO PANG UMULIT. TAE.

Nakaka-tatlong oras na rin ata kaming naggala sa loob (kasama na pagsakay ng rides) hanggang sa nagyaya siyang kumain. Bumili lang kami ng hotdog sandwich tsaka coke in can, at tahimik na kumain. Mga 10 minutes pa lang kaming nakatambay doon sa food court nang tumayo siya, tapos sabay sabing uwi na raw kami. ‘Di na ko nagcomment, kaso noong palabas na kami, nadaan kami sa may GRAND CAROUSEL, tapos tinitigan niya un.

“May problema ba?” tanong ko sa kanya, pero nakatitig pa rin siya doon.

“Wala, tara na,” dumiretso na siya sa may Main Entrance. Nang palabas na siya, hinila ko siya pabalik, nagtaka siya pero ‘di naman siya nagpumiglas hanggang matapat kami ulit sa Grand Carousel, ngumiti ako sa kanya, sabay sabing,

“Sakay muna tayo dito bago tayo umuwi.”

IKAW PA RINWhere stories live. Discover now