Chapter 8
Kevin’s POV
“Alam mo kung ano ung pinakamasakit sa sinabi niya?” Si Cris un, umiyak, lasing na ata. Nasa condo ko siya. Hindi ko rin alam kung paano kami napunta dito, basta ang alam ko lang, pagkatapos ng GRAND CAROUSEL ride, umiiyak na siya, tapos nagyayang uminom. Hindi ko naman alam kung anong gagawin ko, ayaw ko kasing nakakakita ng umiiyak. Naiiyak din ako. TAE NAMAN!
“Ang sabi niya, ‘Alam mo kung anong nagustuhan ko sa kanya? Kasi pareho kayo..pareho kayong sobrang subsob sa pag-aaral, pareho rin kayong galit sa pink at ayaw ng sweet stuffs maliban sa ice cream..pareho kayong abnormal in a way na nakakatuwa…pareho kayo ng kulay ng mata…pareho kayong tahimik lang ‘pag masaya, at tahimik lang din ‘pag nagagalit…’ E GAGO PALA SIYA E! PAREHO NAMAN PALA KAMI, PERO BAKIT SIYA PA UNG PINILI NIYA? BAKIT HINDI NA LANG AKO? BAKIT HINDI NA LANG AKO?!” tuloy-tuloy pa siya sa pagsasalita ng ganun. HAYY…buhay nga naman o, the least thing I wanted to hear right now is about lost love. Kawawala nga lang din kasi ng taong pinakamamahal ko. So ayoko lang ng kahit anong bagay na magpapa-alala sa ‘kin sa kanya, o sa amin noon. Sabagay, hindi ko rin naman masisisi si Cris, kasi masakit naman talaga ung mangyari sa kanya. 4th year high school siya noong may maging close siyang guy na halos doon na umikot ung mundo niya, kasi nga wala naman siyang ibang kaibigan, wala rin naman siyang pamilyang matatakbuhan, kasi nga hindi naman niya nakilala ung tatay niya, tapos ung mom naman niya, may cold war sila. EWAN. Kaya iyon, doon lang sa guy nabaling ung atensyon niya, hanggang sa magtapat sa kanya ng feelings ung guy, at syempre, siya rin naman nagtapat na rin ng feelings niya, pero hindi naging sila, kasi nga masyadong galit si Cris sa mundo, na hindi niya hinayaang maging masaya ung sarili niya, lagi niyang iniisip ung iisipin ng ibang tao, so in short, nangako na lang sila na after makagraduate ng college ni Cris, magiging sila na. Kaso after one year nabalitaan na lang niya na may girlfriend na ung guy, at mga six months pa siguro siyang naghintay ng explantion, hanggang sa mapagod siya at kinomfront na niya ung guy. At iyon nga, un ung mga sinabi sa kanya noong lalaki. Kung ano ung significance ng carousel, hindi ko alam! Wala naman siyang sinabi!
“Pero alam mo kung anong narealize ko pagkatapos? Narealize ko na siguro kung hinayaan ko lang na maging kami dati, siguro hindi ganoon ung nangyari…Siguro ako na ung pipiliin niya. Baka ako rin ung nagkulang kasi mahal naman naming ung isa’t-isa noon e, pero hindi ko hinayaang manatili siya sa tabi ko kasi natatakot akong masaktan, kaso sa huli, nasaktan lang din naman ako. Kaya pareho lang.”
“Hindi rin,” sagot ko. “kasi ano bang malay mo kung naging kayo nga pero noong nakilala niya ung isa, mas pinili niya pa rin un, kasi feeling niya doon siya sasaya, kasi nga nature ng tao nagiging selfish sila to the point na kahit makasakit sila basta makuha lang nila ung sa tingin nilang magpapasaya sa kanila. O pwede rin namang noong particular time na nangako siya sa’yo, totoo sa kanya un pero later on narealize niya na hindi na kasi nga nagbabago naman ang tao, at pati feelings nila nagbabago, pwede mahal ka ngayon, tapos bukas hindi na. Pero hindi ibig sabihin noon na manloloko siya, o minsan manloloko lang talaga siya. HAHAHAHA! Ang gulo ko no? Tara, hatid na kita!”
Lumabas na ko ng condo, pero siya naka-salampak pa rin sa may sala. “O, wag mong sabihin na dito mo balak matulog?” sigaw ko sa kanya. Tumayo naman siya, tapos lumabas na rin. Pagdating sa baba, ipinagpara ko siya ng taxi, nakainom na rin kasi ko, at ayokong nagdadrive ‘pag ganun, kaso nang pagsakay niya, hinila niya ko sa loob.
“Oi, bakit pati ako kasama?! Ayun na ung bahay ko oh.” Bababa na dapat ako, kaso hinila niya ung manggas ng damit ko, sabay sabi,
