Because of You

226 1 0
                                    

Chapter 6

“We'll write a song 

That turns out the lights

When both boy and girl start suddenly shaking inside

Don't waste your time

Speed up your breathing

Just close your eyes

We'll hope it's not for nothing at all”

                Kinanta ko ung chorus ng Secret Valentine ng We The Kings. Yun ung napili naming theme song para sa Musical. Tatlong araw na lang ung performance, and it seems na hindi pa rin handa ung performing group. PFFFT! AS IF I CARED!! Medyo naging close na rin kami ni Kevin. Nalaman ko na natry niya na rin pala magcompose ng kanta, kaso feeling niya raw kung hindi masyadong mellow, may kulang sa lyrics, so hindi na niya tinuloy. Alam kong may deeper reason pa kung bakuit ‘di na niya tinuloy, kaso ‘di ko na rin inungkat. Almost everyday nagkikita kami, bukod kasi sa magkaklase kami sa ibang subject, nagpapraktis kami after class, mostly kung ano lang maisipan naming kantahin, kasi boring naman kung paulit-ulit na iyon lang. Kahapon sinubukan naming ung Here Comes Goodbye ng Rascal Flatts, medyo emotional ung kanta, pero gusto ko lang ung lyrics. Etong si Kevin halos lahat yata ng kanta alam. Tapos ang galing pa niyang kumapa ng nota, kung tutuusin wala kong panama sa kanya, pero okay lang, ang mahalaga naman nagkakasundo kami sa choice of music.

                “Miss Rodriguez, pinapatawag ka po ni Sir Melendez,” sabi ng isang crew. ANO NA NAMAN KAYANG PROBLEMA NUN AT PINAPATAWAG NA NAMAN AKO?! Tumingin ako kay Kevin, tumango lang siya. Ibig sabihin hihintayin niya na lang akong bumalik. Tumayo na ko at pinagpag ung likod ng pantalon ko, sa may hagdan kasi ng stage kami nakaupo, doon kami nagpapraktis para sa rehearsal mamaya. Nilagay ko sa case ung gitara ko, tapos nag-umpisa nang maglakad papunta sa Office of VP for Academic Affairs. Kumatok ako sa pinto at deretsong pumasok at umupo sa sofa sa may gilid ng table niya.

                “Ano na namang problema ni mama?” tanong ko agad. Bestfriend ni mama si sir Melendez, at ‘pag may gusto siyang sabihin sa ‘kin, kay sir Melendez niya pinapasabi. At war kasi kami ngayon, well, hindi naman kasi talaga kami nag-uusap simula nang lumipat ako ng condo four years ago.

                “Bakit mo naman naisip na ang mama mo ang dahilan kaya kita pinatawag ngayon?” tanong niya.

                “If it’s not for my mom then I don’t think that you will have any interest on calling me here. Ikaw na rin ang nagsabi noon na you don’t like me and I don’t deserve my mom. Well, it’s not like I cared, or will care, but nevertheless let’s just get down to business because I don’t like wasting my time.”

                Napatitig siya sa ‘kin. Siguro iniisip niya na I’m worse than before kasi dati hindi naman ako ganun makipag-usap sa kanya. I’m not totally blunt but for some reason I hate both of them for bringing out the worse in me.

                “Parehong-pareho kayo ng tatay mo,” pagdakang sabi niya. He seems amused now.

                “I don’t have one,” I told him.

                “You do, you just refuse to acknowledge him, just like how he refused to acknowledge you.”

                “Sir, if your aim on calling me here is just to annoy me, then you did very well. But I’m leaving before I say something that you might use against me, just like how you blackmailed me last time because I said something about your sponsor.” Tumayo na ko at papalabas ng pinto nang magsalita siya.

IKAW PA RINWhere stories live. Discover now