Twelve Fiftyone

350 3 0
                                    

Chapter 3

Someone else’s point of view   

They say that experience is the best teacher. Pero hindi naman siguro lahat ng bagay kailangang maexperience mo pa para masabi mong mali ‘di ba? I mean, people have a common sense and logic to realize if something is right or not. That’s why I don’t understand why people do something so wrong and blame love for it. I mean, parang ung mom ko, she had an affair with a married man, then she ended up being abandoned when he learned that she’s pregnant, with me. And that’s how I end up being an illegitimate child. Not that I mind, because I believe that neither your past nor your family defines who you are.

                My friends call me cynical. Well, I cannot argue to that. But if being cynical means that you are careful enough not to trust those promises (that will later become unfulfilled) then I’m happy to be one. So that’s why I don’t believe in forever and always. Because for human, there will always be an end. So masisisi ba nila ko kung sabihin ko na hindi ako naniniwala sa everlasting love? Kasi naman ‘di ba, e ung mag-asawa nga naghihiwalay e… Ung iba naman nags-stay until death for the benefit of their children or their names. So ang sa ‘kin lang naman, bakit pa ko papasok sa isang relationship kung at the end maghihiwalay lang rin naman kami? Ewan. Cynical na kung cynical. Basta opinion ko un e, walang pakialamanan.

                Naggala kami kanina ng mga friends ko. Haha. Actually, companions lang pala ang dapat kong itawag sa kanila, kasi sumasama lang naman ako ‘pag trip ko ung pupuntahan nila. Nagpunta kami sa isang bar sa Malate, then uminom. Konti pa lang naman naiinom ko. Tapos may kumantang lalaki, hindi familiar ung song. Maganda sana ung boses niya, kaso habang tumatagal nagiging basag. Ung parang pinipigilan ung pag-iyak. Nung nasa chorus na (tingin ko lang chorus na kasi ‘di ko naman alam ung song e), maririnig mo na talaga ung hagulgol niya. Maka-hagulgol naman ako ‘di ba? Well, basta un na.Tapos ilang lines na lang then nawala na rin. Hindi ko nakita kung anong nangyari sa kanya kasi ang daming taong nakapaligid dun sa may mini-stage. E hindi ko pa naman ugaling makiusyoso. Kaya ‘di ko na lang pinansin.

                Bumangon na ko sa kama. Tiningnan ko ung oras. 7:30 na! SHET! LATE NA KO! LATE NA NAMAN! Nagmadali na ko maligo at magbihis. Sana hindi traffic! Dasal ko. 8:15 na ko nakaalis ng condo, then 9:00 nasa school na ko. An hour and a half late. Pagpasok ko napagalitan pa ko ng guard dahil bukod sa late ako, hindi raw proper ung attire ko.. hindi proper?! WHAT THE HELL! Nang tingnan ko ung suot ko, wala naman akong napansing kakaiba. Black skinny jeans, black statement shirt saying, ‘don’t let people label you’, tapos flipflops. Right.! I should not wear flipflops nga pala! Sori naman, nagmamadali e. Nagsorry na lang ako sa guard para mabilis at nangakong ‘di na ko uulit (echos lang!).

                Pagpasok ko ng room, walang tao. BAKIT WALANG TAO? MALI BA KO NG ROOM NA NAPASUKAN? And then I remembered na may opening ceremony pa nga pala for summer class. MY GOD! BAKIT NAPAKAMALAS KO NGAYONG ARAW NA ‘TO?! Dumeretso ako sa auditorium. Iniintroduce ng MC ung VP for Academic Affairs. PATAY! BAKA MAKITA AKO NI SIR MELENDEZ! (un ung VP) Nakaupo na rin ako, at after mga five minutes, matatapos na rin ung speech niya. Akala ko okay na, kaso may dinugtong siya sa dulo,

                “And to give us an intermission number, may we call on Miss Crissa Mae Rodriguez, 3rd year representative of School of Electrical, Electronics, and Computer Engineering. Let us all give her a warm round of applaus!”

                WHAT THE HELL! AM I DREAMING?! WHY THE HELL AM I BEING CALLED ON STAGE?! AKO UN E..PANGALAN KO UN ‘DI BA? NOT UNLESS MAY KAPANGALAN NA KO NGAYON… tinawag ako ulit ni sir, so wala akong choice kundi umakyat ng stage. SHET!

"Scrolling through my cellphone

For the twentieth time today

Reading the text you sent me again

IKAW PA RINWhere stories live. Discover now