Chapter 3

79 4 3
                                    

        MICHAELA'S POV

               Nasa loob ako ng kwarto ko. Nagbabasa ng mga notes ko dahil malapit na ang exam namin. Ayaw kong bumaba ang grades ko. Ako ang top 1 sa klase namin kaya ayaw kong bumaba ang grades ko. Lagi kong iniisip na kailangan kong magaral nang mabuti para sa kapatid ko. Pero habang nagbabasa ako, hindi ko maalis sa isip ko...

                      YUNG UTANG NG WALANG KWENTA KONG STEPMOM. -______-

               Nagdabog ako nung naalala ko yung tungkol sa utang namin kay ma'am Marites, este 'mommy'. Ang rami kong problema. Hindi ko na alam kung paano haharapin lahat ng problema ko.

"Kainis!!!" sigaw ko habang ginugulo yung buhok ko. Parang akong baliw. Dibale, malapit naman akong mabaliw. Humiga ako sa bed ko at gumulong gulong hanggang nahulog ako sa sahig at nakaisip ako ng ideya. 

               'Magbigti na lang kaya ako?' naisip ko bigla. Pero sinampal ko ang sarili ko. 'Hindiii! Hindi pwede! Paano na si Vincent? Kawawa naman siya pag nawala ako'

               Napabugtong hininga ako at inayos yung bed ko. "Hindi. Kailangan ako ng kapatid ko" sabi ko habang nakatingin sa salamin. "Kaya mo ito Ella. Fighting!" tumango ako at ngumiti. Bumalik na ako sa table para magbasa ng notes. Lumipas ang ilang oras at natapos na akong magbasa. Inayos ko na yung gamit ko at pumunta na ako sa banyo para magshower.

                 Nagsipilyo na ako at nagbihis ng pangtulog. "Hayyy sa wakas! Makakatulog na ako!". Pinatay ko na yung ilaw. Umupo ako sa bed ko at nagdasal. Humiga na ako pagkatapos kong magdasal at may biglang sumulpot sa isipan ko...... Yung deal na sinasabi ni ma'am Marites.

Ilang linggo na ang nakalipas pagkatapos kong nakausap si ma'am Marites tungkol sa deal na yan. Hindi pa ako nakakapagdesisyon. Hindi ko alam kung makakabuti ba yan sa aming magkapatid.

                             Ako? Ikakasal sa isang lalake na hindi ko kakilala? Pwedeng....Hindi na lang? 

                Bahala na si God. Makatulog na nga...

               --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

                             *yawwwwwwwwwn*

                    Nagluluto na ako ng agahan namin. Nasa lamesa si Vincent, hinihintay maluto yung hotdog na niluluto ko. 

                                 "Ate Ella. Gutom na ako. Kailan ba matatapos yang niluluto mo?" sabi ni Vincent habang kinakamot yung ulo niya.

                                 "Malapit na. Maghintay ka lang" tumawa ako. 

                   Nilagay ko na yung agahan namin sa table at nagsimula nang kumain. Habang kumakain kami, napatingin ako sa bintana. Nakita kong sumisikat na yung araw. Umiinom ako ng tubig nang may nakita akong lalakeng naka itim sa labas ng bintana. Nanlaki ang mga mata ko at naibuga ko yung tubig na iniinom ko. Buti na lang hindi ako nabasa.

                                 "Hala. Ate Ella, okay ka lang ba?" tanong ni Vincent na mukhang gulat na gulat. Tumingin ulit ako sa labas at nakitang wala nang tao.

                                 ''Ahh... Okay na okay!" ngumiti ako at nilinisan yung lamesa. 

                    Sinara ko na yung pintuan at ni-lock. Pagkatingin ko sa likod, may 2 lalakeng naka itim na shirt.

Love MovesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon