Chapter 8

114 5 0
                                    


Narinig ko ang alarm clock ko at agad ko itong pinatay. Tumingin ako sa bintana at nakita ang sinag ng araw. Napangiti ako at tumayo. Dumiretso ako sa salamin at nakita ang napakagwapo kong mukha.

Oh. Gulat ka no? Akala mo POV ng panget na bida ng story na ito? Nagkakamali ka.

Ako lang naman si Joseph John Lee. Ang magiging tagapagmana ng Lee Corporation *ahem* pagkatapos kong mapatay ang karibal ko.

Nagtataka ka kung sino 'yun no? Malalaman mo din. 'Wag ka magalala.

Dalawa ang namamahala nito. Sila ay ang grandmother ko na mas kilala bilang 'mommy' sa istoryang ito, at ang malapit niyang kaibigan na si Antoinette Lee.

No, hindi sila relatives. Porket parehas lang ang surname, kamaganak na agad?

May apo si ma'am Antoinette, at 'yung apo niya ang aking karibal bilang tagapagmana ng kompanya. Basta, mas gwapo pa ako kaysa sa apo niya at gagawin ko ang lahat para mapunta sa akin ang kompanya.

Lumabas na ako sa aking kwarto pagkatapos kong magayos. Pagkalabas ko, nakita ko ang isang babae na nakabalot ng kumot habang pababa ng hagdan.

Ano ba 'yan. Ang tanga naman nito.

Napa-buntong hininga na lamang ako. Bigla niyang natapakan yung kumot at nadulas. Agad agad akong lumapit sa kanya at hinila siya palapit sa akin para hindi siya mahulog.

Nagulat siya sa aking ginawa at nakitingin lang sa gwapo kong mukha. Ang hirap talaga maging gwapo. Napangisi ako at lumapit ako sa kanya hanggang katapat ko ang mukha niya.

"Good morning, my dear fiancé" bati ko sa kanya habang nakangisi.

Nagiba ang expresyon ng mukha niya na nandidiri. Tinulak niya ako at tinanggal 'yung kumot na nakabalot sa kanya.

"Hoy, 'wag mo nga ako tawagang 'fiancé' mo. Nasusuka ako lalo dahil sa 'yo!" Sigaw niya at bumaba na ng hagdan.

Pasalamat nga siya tinatawag ko siyang fiancé. Ang dami daming mga babae jan na gustong gusto na tawagin kong fiancé ko tapos nagiinarte pa siya.

"Hahaha punasan mo 'yang ilong mo. May tumutulong sipon. Eww" sabi ko at tumawa. Pinunasan niya 'yung ilong niya at namula ang mukha niya. Lalo akong napatawa nang malakas dahil sa reaction niya. Hahahaha


Pumunta na ako sa dining table para kumain ng breakfast at nakita ko si mommy na kumakain ng breakfast with my sisters.

Oo. May mga kapatid ako. Gulat ka no?

"Good morning kuya!" Bati ni Summer at yinakap ako. Yumakap din ako at kinarga siya.

"Good morning Summer. Bumigat ka ah" sabi ko at binaba siya sa kanyang upuan.

"Ang dami niya kasing kinakain, kuya" sabi naman ng kambal ni Summer na si Autumn. Napailing na lamang ako at umupo sa tabi ni mommy.

My father married another woman a few years after my mom died. Anak ni dad sa asawa niya ngayon sila Summer at Autumn. Oh, gets mo?

"Mukhang masaya ka ngayon ah. Well, isn't this new. Bihira lang kita nakikitang masaya. Is it because of your fiancé?" Tanong ni mommy.

Muntikan ko nang maitapon 'yung juice na iniinom ko. Ako? Magiging masaya dahil kay Ella? Oh please.

"What? May fiancé na po si kuya?" Tanong ni Summer habang nakangiti nang malapad.

"Why yes. Do you want to meet her? She's really pretty" proud na proud namang kwento ni mommy sa kambal.

Eww. Kinilabutan ako doon ah. Actually, ayaw ko maging fiancé 'yang si Ella. She is NOT my type. Kaya ngayon, gagawa ako ng paraan para hindi na matuloy 'yang engagement na 'yan.

Love MovesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon