Chapter 9

104 3 1
                                    

Ella's POV

Aray. Ang sakit ng ulo ko. Medyo maganda na ang pakiramdam ko kahapon pero sa tingin ko sumama na naman ang pakiramdam ko dahil sa dalawang kapatid ni Joseph.

Kung gaano kasungit si Joseph, gano'n kakulit ang dalawang kapatid niya. Nagulat ako nung nalaman ko na may kapatid pala itong si Joseph. Mabait naman sila at masiyahin, hindi tulad ng kuya nila na napakayabang at sungit.

Pero, ang kulit talaga ng kambal eh.

Kasalukuyang papunta ako sa banyo. Pagkatingin ko sa salamin, ang daming drawing sa mukha ko.

ANAK NG TIPAKLONG. May drawing na unicorn, rainbow, stars, mga ulap, ice cream at iba iba pa sa magkabilaan kong pisngi. May drawing pa na bigote katulad ng kay kuya Ryan.

'Yung mga batang iyon talaga!

Pagkatapos kong hugasan ang mukha ko, halos mamula na ang buong mukha ko dahil pilit kong tanggalin lahat ng drawing. Permanent marker pa yata ang gamit ng kambal. Nagbihis na ako at inayos ang sarili ko.

Papasok na ako sa school kahit hindi pa gaano maganda ang pakiramdam ko. Nabinat yata ako. Madami narin kasi akong na-miss na lessons sa school kaya kailangan kong humabol.

Naglalakad ako papunta sa classroom. Bakit ang sasama ng tingin nila sa akin? May nakita pa akong grupo ng mga babae na nagbubulungan at nakangisi.

"Ella!" Nilingon ko kung sino iyon.

"Lance!" Niyakap niya ako at ginulo ang buhok ko.

"Namiss kita! Grabe wala tuloy akong kakulitan ng ilang araw."

"Haha. Nandito naman na ako."

"Talagang kinalimutan na kami ni Ella..."

Nakasimangot naman si Kayla na papalapit sa amin kasama si Joey.

"Namiss ko din naman kayo. Namiss kong makita na magaway kayo ni Joey."

Nagsitawanan kami at nagsipagkuwentuhan ng mga nangyari habang wala ako sa school hanggang narinig na namin ang bell.

"Sige pala guys. Punta na kami ni Joey sa classroom namin. Bye!"

"Bye!"

Pumasok na kami ni Kayla sa classroom at umupo na sa upuan namin.

Hayy! Nakakamiss na itong seat ko! Ang ganda kasi ng view dito.

"Pumasok ka na pala. Tsk. Panira naman ng araw."

On second thought, ayaw ko na dito sa seat ko. May katabi kasi akong 'halimaw'.

"Kawawa ka naman. Wala ka na magagawa nandito na ako eh."

Nabadtrip lalo itong katabi kong halimaw. Napangisi na lang ako. Kaasar naman kasi masyadong masungit. Parang babaeng may period. And worst, fiancé ko 'yang halimaw na 'yan.

"Tss. Tignan na lang natin kung sino ang kawawa sa ating dalawa mamaya," lumapit siya sa teynga ko at pabulong na sinabi "my dear fiancé."

---

Kinilabutan ako sa binulong ni Joseph kanina.

"my dear fiancé..."

Hindi tuloy ako makaconcentrate sa lesson namin kanina. Palihim akong tumitingin kay Joseph at nahuli ko siyang nakatingin sa akin habang nakangisi.

Sa tingin ko may masamang balak itong halimaw na ito.

"Hoy Ella."

Bumalik ako sa katotohanan. Nandito pala kami sa cafeteria ngayon kasama sila Kayla, Lance at Joey.

"Ayos ka lang? Kanina ka pa tulala." Tanong ni Joey.

"Ah... Eh... Ayos lang ako. Hehe..."

Bumili ako ng carbonara at orange juice. May allowance na ako ngayon dahil pilit ni mommy na bigyan ako.

Natagalan pa kami naghanap ng table dahil sobrang dami ng students sa cafeteria. Paupo na sana ako ng biglang may bumunggo sa akin na lalake.

"'Yung pagkain ko!" Sigaw ko habang pinapanood na mabuhos ang orange juice ko at ang paborito kong carbonara.

Wala... Wala na...

Nabuhos ang paborito kong carbonara!

May babaeng lumapit sa lalake. Mukhang girlfriend yata ng lalake.

"Hoy ikaw babae ka, tignan mo nga daanan mo. Muntikan na mapahamak boyfriend ko dahil sa 'yo."

Sasagot na sana ako pero biglang sumagot itong si Lance.

"Siya pa ang may kasalanan? Excuse me miss, pero 'yang boyfriend mo dapat ang pagsabihan mo ng ganyan."

Lahat ng nasa cafeteria ay nagsitigil sa ginagawa nila at natahimik.

Whoa, ngayon ko lang nakitang ganyan si Lance. Ang cool niya tignan! Kakalaglag panty!

"S-sorry Lance... Kung gusto mo bayaran ko na lang."

Lahat kami nagulat sa sinabi ng babae pati boyfriend ng babae nagulat.

"Huwag ka sa akin magsorry," tumingin sa akin si Lance at nginitian ako. "Sa kanya ka dapat magsorry."

Nagsibulungan lahat ng mga tao sa cafeteria. Namumula na ang mukha ng babae.

"S... Sorry!" Pasigaw na sinabi ng babae at tumakbo papalayo sa amin. Sinundan naman siya ng boyfriend niya.

Lahat ng nanonood sa amin kanina ay bumalik na sa sarili nilang mga mundo. Habang kami naman umupo na at nagsimula na sila kumain.

"Share na lang tayo ng lunch." Alok ni Lance.

"Naku! Kahit hindi na. Nakakahiya naman sayo..."

"'wag ka na kasi mahiya Ella! Pakipot ka pa!" Pangaasar sa akin ni Kayla.

"Ella, say 'ahh'." Sabi ni Lance habang papalapit sa akin 'yung kutsarang punong puno ng kanin at ulam.

Hindi ko narin natiis kaya sinubo ko na. Nagugutom na rin kasi ako eh... At saka, ikaw ba naman subuan ng crush mo.

Wahh! Lumalove life ang lola niyo! Kinikilig ako!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 04, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love MovesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon