MICHAELA'S POV
Nandito ako ngayon sa labas ng ER. Hindi ako makapaniwala sa nangyari. Bakit pa si Vincent? Bakit? Ako na lang sana ang nabangga ng van na iyon at hindi si Vincent.
Bakit siya pa?
Hindi parin maalis sa isip ko yung sinabi ng doktor sakin kanina. Paulit ulit na parang sirang plaka.
"I'm sorry... Your brother is in a coma"
Halos mabaliw na ako nung narinig ko yon. Wala na akong ginawa kung di umiyak at magmukmok.
Hindi ko kayang makita ang kapatid ko na nasa ganon na kalagayan. I blame myself for everything. Kung hindi ko sana siya pinabayaan, hindi ito mangyayari.
But it's too late..
"Miss Ella! Miss Ella!"
Nagulat ako nang biglang may tumawag sa akin. Tinignan ko yung sumigaw ng pangalan ko... Si kuya Bobby.
"Miss Ella, kamusta po si Vincent?" Tanong ni kuya Bobby, halatang nagaalala.
Tumayo ako at nginitian si kuya Bobby. "He's in a coma..." Sabi ko. Naramdaman kong tumulo na naman ang mga luha ko. Niyakap ko si kuya Bobby at humagulgol sa pagiyak.
"Kuya... Ano po ang gagawin ko?" Tanong ko sa kanya habang umiiyak.
Hinaplos haplos ni kuya Bobby ang likod ko. "Sa tingin ko miss Ella, kailangan mo nang tanggapin yung deal ninyo ni madam Marites"
Nanlaki ang mga mata ko. Oo nga pala. Yung deal namin ni ma'am Marites. Pwede naman niya akong matulungan. Mabait naman si ma'am.
Humiwalay na ako kay kuya Bobby at ngumiti. "Salamat po, kuya Bobby"
"Walang anuman" ngumiti si kuya Bobby.
"Sige po. Aalis po muna ako. Bantayan po ninyo si Vincent. Babalik din po ako"
Tumango si kuya Bobby at umalis na ako. Pumunta ako sa may telephone. Huminga ako nang malalim at kinuha sa wallet ko yung calling card ni ma'am Marites.
Binasa ko yung mga nakasulat doon. Ipinikit ko ang mga mata ko at huminga ulit nang malalim. Tinawagan ko na yung number ni ma'am Marites at naghintay na sagutin niya.
"Hello. This is Marites Lee speaking."
Nagulat ako. "H-Hello? G-Good evening po ma'am. Si Ella Bernardino po ito."
"Oh! Hija! How are you? Matagal tagal na din tayong hindi nakapagusap."
Napangiti ako. "Okay lang naman po ako. Kaso nga lang po si Vincent..."
"What's wrong hija?"
Napatahimik ako. Pinipigilan kong umiyak dahil nakakahiya naman kay ma'am Marites.
"N-Naaksidente po siya.."
"Diyos ko po. How is he?" Tanong ni ma'am.
"He's in a coma.."
"Diyos ko. Are you hurt? May nangyari ba sayo?"
"Wala naman pong nangyari sa akin.. Umm. Ma'am Marites....
Tinatanggap ko na po yung deal"
Walang imik si ma'am. Siguradong nagulat siya sa bigla kong desisyon.
But I have no choice..
"Sige hija. Paguusapan natin yan bukas. Pupunta ako jan"
"Sige po"
Binaba ko na yung telepono. Nakapagdesisyon na ako.
For the sake of my brother...
........................

BINABASA MO ANG
Love Moves
RomanceLove moves in... mysterious, incomprehensible, crazy, humorous ways.