Chapter 6

66 5 0
                                    

Goooood morning Philippines! Monday ngayon which means another day with my friends and a new day for learning. At isa na naman na araw na nasa tabi ko ang isang halimaw buong araw. -__-


Simula noong nangyari sa last chapter, madami na ang mga naiinis at nangaaway sa akin. Madami ang naiinis sa akin dahil sa nagawa ko kay Joseph at dahil sa pagiging close ko kay Lance.

Oo. Ka-close na ng lola ninyo ang prince charming niya! Ayiee!

Lagi kaming magkakasama nila Kayla, Joey at ni Lance. Sila ang laging nagtatanggol sa akin tuwing may nangaaway sa akin. Thank You po God dahil binigyan niyo po ako ng mga kaibigan na tulad nila.

Anyway, nalaman ko lang kay Lance na magpinsan sila ni Joseph. Ano ba yan. Ang layo naman yata. Ang sama sama ng ugali ng lalakeng yun tapos kabaliktaran naman niya ang pinsan niya na si Lance. Anghel kaya yun si Lance. Hindi tulad ng pinsan niyang halimaw. Tsk.
Sakit talaga sa ulo ang mokong na yun. Arghh!

Bumalik na ako sa katinuan ko nang maramdaman kong may mga kamay na nagtakip sa aking mga mata.

"Hulaan mo kung sino 'to~"


I smirked. Boses pa lang niya, alam na alam ko na.

"Lance Salvador, nagkatol ka na naman ba?"

Tinanggal niya ang kanyang mga kamay at sabay tawa. Tumabi siya sa akin sa bench na inuupuan ko.

"Hindi eh. Nag-Baygon lang." Sabay ngiti na parang bata.

Binatukan ko siya at tumawa. "Baliw! Sinama mo sana ako!"

Sabay kaming tumawa. Nagtuluyan lang kaming nagbibiruan at nagaasaran. Mukha na tuloy kaming mga takas sa mental hospital dito. Pinagtitinginan na kami at ramdam ko ang masasamang titig ng mga babae sa akin.

"Nandito na naman ang dalawang 'to. Umamin na nga kasi kayo sa isa't isa!"

Namula ang buong mukha ko na tila isang kamatis. Tinakpan ko na lang ang mukha ko.

"Kayla, stop it. Ella is already blushing." JOEY! >/////<

Lahat sila nagsitawa at nakitawa narin ako. Pagkatapos namin nagbiruan, asaran at nagusap, pumunta na kami sa building at nagsipunta sa kanyakanyang mga classroom namin.
Magkaklase sila Lance at Joey. Samantalang kami ni Kayla ay nasa mas mataas na section.


Nasa harapan na kami ng classroom. Pagkabukas ko ng pintuan, biglang sinalubungan ako ng mga crumpled papers at mga tawa ng mga classmates ko.

Napabuntong hininga na lang ako at tuluyan pumasok sa classroom. Uupo na sana ako nang marinig kong sumigaw si Kayla.

"What the hell is your problem!? Wala naman ginagawa si Ella sa inyo. UGH. You all make me sick." She went out and slammed the door.

Wow. Grabe magalit si Kayla.
Lumabas ako at sinundan si Kayla. Nang nahabol ko na siya, nagulat ako nung nakita ko siyang umiiyak.

"Kayla, bakit ka umiiyak?" Tanong ko.

Pinunasan niya ang luha niya at nagpout.

"Nakakainis na kasi sila eh. Sumusobra na sila. Hindi ko kayang makita ang best friend ko na binubully ng iba."

Aww.. Yinakap ko siya at hinawakan ang magkabilaang braso niya.

"Thank you Kayla, but I assure you, I'm absolutely fine."

Ngitian ko siya at yinakap ulit. Naramdaman kong yumakap din siya nang mahigpit. Hinawakan niya ang kamay ko at bigla siyang tumakbo.

"Teka. Kayla, saan tayo pupunta?"

Love MovesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon