MICHAELA'S POV
*yawwwwwwn*
"Ate Ella, iaantok ka pa ba?" tanong ni Vincent habang nakaupo sa harap ko. Nakasakay kasi kami sa bike papunta sa school namin.
"Oo... Kulang ako sa tulog kagabi eh." sabi ko. Paano ba naman kasi. Ang ingay ingay kagabi. May mga pusa sa itaas ng bubong at ang ingay ingay nila. -______-
Nakarating na kami sa school. Hinatid ko na si Vincent sa classroom nila. Papunta na ako sa classroom ko pero parang....
may sumusunod sa akin. .____.
Binilisan kong maglakad tapos bigla akong lumingon.
O__________O
May dalawang lalakeng 'macho' na naka itim na shirt at naka sunglasses. Nakatingin sila sa ibang direction kaya naglakad na lang ulit ako. Pero....
something's fishy. e_____e
Nagpatuloy lang akong maglakad at may nadaanan akong matandang babae. Pero sosyal si lola. Naka Gucci na bag at white na dress at.... naninigarilyo.
Nung dumaan ako sa harap niya, ang sama ng tingin niya. Patuloy lang akong naglakad hanggang nakarating sa harap ng classroom ko. Grabe ang weird ngayong umaga. May nakita akong dalawang lalakeng macho na sumusunod sa akin at may matandang babae na naninigarilyo.
Pumasok na ako sa loob ng classroom at umupo sa seat ko. "Psssssst"
Lumingon ako at nakita ko si Nicole. "May problema ka ba Ella? Ang haba ng nguso mo eh" sabi ni Nicole.
"Stressed lang ako. Ahehe...." sabi ko habang kinakamot yung batok ko.
"Ganun ba... Gusto mo ng ice cream? Ililibre kita mamaya." sabi ni Nicole at ngumiti. Diyos ko, maraming maraming salamat dahil binigyan ninyo ako ng napakabait na kaibigan.
Tumango ako at ngumiti, "Sige! Thank you Nicole! ^____^"
END OF POV
THIRD PERSON'S POV
Naninigarilyo parin yung matandang babae na nadaanan kanina ni Michaela. Lumapit sa kanya yung dalawang lalake na nakaitim na shirt at naka sunglasses.
"Madam, mukhang mabait naman yung anak ng bruhitang yun." sabi ng lalakeng kalbo.
"Oo nga madam! Inaalagaan niya mabuti yung kapatid niyang lalake." sabi ng isang lalake na may bigote.
Matagal na kasi nila sinusundan si Michaela. Parang "spy" lang ang peg ng dalawang lalakeng yun. Inutusan kasi sila ng matandang babae na sundan si Michaela Bernardino at tignan kung kasama pa niya yung stepmom niya.
"Alam ko. Teka. Hindi nila kasama si Denise?!" sigaw ng matanda. Nagulat yung dalawang lalake.
"Hindi po ma'am. Silang dalawang magkapatid lang ang nasa bahay." sabi ng lalakeng may bigote.
Hindi makapaniwala yung matanda. Tumakas nga talaga yung babaeng may utang sa kanya ng hihigit 800,000 pesos. Sobrang galit yung matanda. Sa sobrang galit niya, itinapon niya yung sigarilyo niya. Nagulat naman yung dalawang lalake. Takot kasi sila sa amo nila kasi baka matanggal sila sa trabaho nila.
"Walang hiyang babae na yun. Tinakasan niya ako. Teka muna. Sabi ninyo silang magkapatid lang ang nakatira doon, 'di ba?" tanong ng matandang babae. Tumango yung dalawang lalake.
"Opo madam. Nagtatrabaho po si Michaela sa isang restaurant para may pera silang magkapatid." sabi ng lalakeng kalbo.
Nagulat yung matanda at naawa sa dalawang magkapatid. Iniwan sila at si Michaela na lang ang pagasa ng nakababatang kapatid niya na si Vincent. Nagisip isip yung matanda. "Ay Diyos ko. Nakakaawa naman yung dalawang yun" sabi ng matanda.
BINABASA MO ANG
Love Moves
RomanceLove moves in... mysterious, incomprehensible, crazy, humorous ways.