Chapter 5

130 3 5
                                    

MICHAELA

Ilang linggo narin ang nakalipas nung naaksidente si Vincent. Hanggang ngayon hindi parin siya nagigising at sobra akong nagaalala. Wala akong pangbayad pero wala na akong problema dun dahil si Ma'am Marites- ayy, este, MOMMY, na ang may sagot sa hospital fees.

Oo. Pumayag na ako sa deal ni ma'am Mari- I mean, mommy. Kaya isa sa mga kasunduan namin ay tawagin siyang "mommy" dahil ayaw na ayaw niya daw na tawagin siyang lola. Mommy na lang daw ang tawag ko sa kanya para mas feeling bata daw siya.

Pinipilit ako ni mommy na tumira sa kanila pero tumanggi ako. Pagiisipan ko muna dahil nakakahiya naman tumira sa kanila kasama ang mga apo niya. Ang gaganda nila at samantalang ako...

Isang kawawang babae na walang pera. T___T

Katatapos ko lang maligo. Nagsipilyo na ako at inayos yung buhok ko. Pagkapasok ko sa kwarto ko, nakita ko yung bagong uniform ko. Tinitigan kong maigi yung uniform ko.

Grabe. Hindi ako makapaniwala na sa St. Anthony na ako magaaral. Salamat ma'am Ma-, I mean, mommy! T___T

Sinuot ko na yung bago kong uniform at naamoy ko pa yung tela na halatang bagong gawa lang ito. Sinuot ko na din yung black socks at yung bago kong sapatos. Lahat ng ito binigay sa akin ni mommy. Tumayo na ako sa higaan ko at tinignan ang sarili ko sa salamin.

Wow. Nagbago ang istura ko.

Umikot ako nang dalawang beses at natulala sa salamin. Wow mukha akong anak ng isang mayaman. Ngumiti ako at kinuha yung backpack ko.

St. Anthony University, here I come!!! ^____^

----

Pagkalabas ko ng bahay, may nakita akong kotse na nakaparada sa harapan. May lumabas na isang lalake at lumapit sa akin.

"Good morning ms. Ella. Ako si Patrick, ang driver ni madam Marites. Ako po ang maghahatid sa inyo sa bago niyong school." bati niya sakin

Wow. Hindi ako makapaniwala. Magaaral na nga ako sa pinaka sikat na paaralan dito tapos may driver pa ako. Ang daming blessings! Thank you Lord! T.T

"Good morning po kuya Patrick. Sige po, punta na po tayo baka ma-late pa ako" sabi ko sa kanya at nginitian siya.

Binuksan ni kuya Patrick yung pintuan ng kotse para sa akin at pumasok na ako sa loob. Naamoy ko pa yung amoy ng kotse. Ang bango bango. Pasensya na po. Ngayon lang ako nakasakay sa mga ganitong klase ng sasakyan.

Nakatulala lang ako sa may bintana buong biyahe. Umabot ng 30 minutes ang biyahe. Grabe ang layo pala nito. Paano pa kaya kung naglakad lang ako? Siguradong late na ako nun. T_____T

Binuksan na ni kuya Patrick yung pintuan ng kotse. Nandito na kami sa loob ng university. "Nandito na po tayo ma'am."

Lumabas na ako ng kotse at pinagmasdan ang buong paligid. Ang ganda dito! Tapos ang luwang pa! Sa sobrang lawak nito baka mawala pa ako. Wala pa naman akong sense of direction. T_____T

"Sige po kuya Patrick. Maraming salamat po sa paghatid sa akin ngayon." nginitian ko siya.

"Walang anuman, miss Ella. Magingat po kayo." sagot niya at umalis na.

Nagsimula na akong maglakad papunta sa high school department. Ang saya saya ko ngayon! Nandito na ako sa paaralan na matagal ko nang pinapangarap. Madaming mga sikat na mga artista dito at mga kilala na tao. Madami din mga foreigner dito. Para lang talaga ito sa mga mayayaman...

Patuloy lang akong naglakad nang napansin ko na nawawala na pala ako. Ano na ang gagawin ko? Sa sobrang lawak nitong school na ito, hindi ko na alam kung saan na ako napunta! T_____T

Love MovesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon