"ANONG GINAGAWA MO DITO!?"
Bakit nandito ang mortal enemy ko?! Ang lalakeng pinakakinaiinisan ko sa mundo?!
Don't tell me dito siya nakatira? No freaking way. Aalis na lang ako dito kaysa makasama itong lalakeng ito."What is going on here?"
Nilingon ko kung sino iyon at nakita kong pababa ng hagdan si mommmy. Napatingin siya kay Joseph at natuwa naman siya. I'm confused. Kaano ano ni mommy si Joseph?
"Oh my! Jose! Buti at umuwi ka na. Mommy missed you so much"
Lumapit siya kay Joseph at niyakap niya ito. Niyakap din ni Joseph si mommy at nakangiti siya nang napakalawak.
Wow. Ang gwapo pala niya pag nakangiti.
Wait. WHAT. Anong mga pinagsasabi ko. Kaaway ko siya. Hanggang dun lang. Period. No erase. -___-
"I've missed you too mommy. Sorry po kung naglayas ako after ng away namin ni dad..."
Lumayas? Hala. Teka. Dito siya nakatira?
"Umm... Could you please explain why this girl is in our house?" Tanong niya kay mommy sabay tingin sa akin
Our house daw? Ano? Naguguluhan na ako.
Napunta ang tingin sa akin ni mommy.
"Oh, I'm guessing you know each other already. She is going to stay here with us whether you like it or not." Nakangiting sagot ni mommy
"But why?" Tanong naman ni Joseph na gulong gulo. Kaparehas lang tayo. Naguguluhan din ako. -__-
"Because she is your fiancé" sagot ni mommy
Fiancé....
Fiancé....
Fiancé.....
"WHAT!?" Sabay naming sagot.
----
Kasalukuyang nasa loob kami ng kwarto na tinuluyan ko kanina. Bigla kasi akong nanghina kaya kinarga ako ni Joseph papunta dito sa room. -__-
Nag-thank you ako kay Joseph pagkatapos niya akong kargahin papunta sa room pero tinaasan niya lang ako ng kilay at umiwas ng tingin.
TARAY MO 'TEH! -___-
Pasalamat ka nga nagpasalamat pa ako sa 'yo kahit kaaway kita. At least may manners ako. Hmmmp!
Umalis na silang dalawa ni mommy at Joseph at iniwan ako para magkapaghinga. Hayy ang sakit sakit ng ulo ko!
----
Joseph's POV
Nandito kami ni mommy sa loob ng office niya. Kasalukuyang nakaupo ako sa sofa at hinihintay magexplain si mommy.
Napagusapan na namin ni mommy regarding sa fiancé ko. I respect mommy. Of course, she is my grandmother. Masungit man ako pero may respeto parin ako sa lola ko.
She told me that I will be engaged to a very lovely lady. Pero sa aking nakita kanina, isang hampaslupa ang magiging fiancé ko. At hindi lang 'yon.
Siya pa ang pinakakinaiinisan kong tao. =___=
Si Michaela Bernardino.
She is a fighter, at ayaw ko sa mga babaeng ganon. Type ko 'yung mga babaeng caring at aalagaan ka. Ayaw ko sa mga babaeng clingy. Tulad ng mga malalandi sa classroom na lapit nang lapit sa akin.
Ang dami kasing lumalapit sa akin. Hinahayaan ko na lang sila at sinasakyan ang trip. Kahit anong gawin ko hindi naman sila lalayo.
"Joseph, please be nice to Ella. Try to talk to her and be friends. Hindi naman masama diba?"
Napabuntong hininga ako. "Mommy, hinding hindi po kami magkakasundo ng babaeng iyon"
"Type mo naman siya diba?" Tanong sakin ni lola na nakangisi
"Mommy, no" =____=
"Please hijo. Ella is a nice girl. Siya ang pinili kong magiging fiancé mo kaysa sa mga ibang babaeng anak ng mga kakilala natin na ang susungit at walang pakialam kung di ang sarili nila"
True... Pero ang sexy at ganda kaya ng mga iyon. Ayaw ko nang makipagaway kay mommy kaya hahayaan ko na lang siya.
"Fine..." Sagot kong nakasimangot.
"You know" Tumingin si mommy sa picture ko kasama ang mom ko. "Ella reminds me a lot of your mom, Janice"
'Yon yung last picture namin ni mommy. Nanlambot ang aking tingin nang naalala ko noong kinuhanan kami ng picture. 6 years old pa lang ako noon. 'Yon pa ang mga panahon na masaya kami.
Until mom died because of a car accident...
"Ella is fighter just like your mom. She even resembles your mom. They are both smart and charming" Kinuha ni mommy yung picture frame at inilapag sa harapan ko.
"I hope you understand, Joseph. I'm doing this for you" Nginitian ako ni mommy. Tumayo na siya at iniwan ako sa loob ng office niya.
Tinitigan ko lang yung picture frame. Oo nga. Mommy is right. Kamukha nga ni Ella si mom. They have the same bright eyes and sweet smile.
I really miss mom...
----
Papunta ako ngayon sa kwartong tinutuluyan ngayon ni Ella. Gusto kong makipagayos sa kanya. Kahit may parte sakin na sinasabing 'wag akong pumunta.
Nasa harapan na ako ng room niya at kumatok sa pintuan. Walang sagot. Kumatok ulit ako pero wala ulit sumagot. Binuksan ko yung pintuan at laking gulat ko dahil hindi ito naka-lock.
Anong klase itong babaeng ito. Hindi man lang ni-lolock ang pintuan. Hindi ba niya alam na pwede siyang pasukan? =____=
Papagalitan ko na sana siya pero hindi na natuloy dahil nakita ko siyang natutulog. Lumapit ako sa kanya at umupo sa gilid ng bed niya. Tinignan ko ang temperature niya. Grabe, ang init niya.
Pinagmasdan ko lang siya and studied her face. She looks so innocent. Pero pag tulog lang. Mukhang amazona 'yan pag gising kaya susulitin ko na ngayon.
Talaga ba itong babaeng ito ang mapapangasawa ko?
Nakita kong nanginginig ang kamay niya. Inayos ko ang kumot niya at napailing.
"So careless...." Pabulong kong sabi
Tumayo na ako at lumabas ng kwarto niya. I'll try to be friends with her.
Wait. She is still my enemy. Para kaming aso at pusa na hindi magkasundo. Oras na malaman ng buong school na engaged ako sa babaeng 'yon, bababa ang tingin nila sakin.
No, I can't let this happen. Hindi maaari.
I can still break our engagement. Gagawa ako ng paraan para hindi matuloy ang engagement namin. I smirked at my idea.
I'm going to make her life a living hell
----
Thank you for reading. Hope you like it.
Dito na magsisimula ang mga evil schemes ni Joseph. Kawawa naman si Ella. *evil laugh* >:D
Please do vote and comment. 감사합니다!
Hyeso 김해소🐻

BINABASA MO ANG
Love Moves
RomanceLove moves in... mysterious, incomprehensible, crazy, humorous ways.