“Ngayong kahit ako na ang girlfriend mo, sasakit pa din yang ulo mo… Dahil bawat tingin mo sa iba, kotong ka sakin lima.” –
Kabanata 8: Simbang gabi.
Sey’s POV
“Bebs, bili lang ako ng taho okay?” sabi ni Bebs sakin, ngumiti at tumungo lang ako. Mahal na mahal ko talaga si Kent bebs. Entrance lang ng mall ang makakapaghiwalay samin. Napatingin ako sa cellphone ko, may nagtext kasi. Gm lang pala yun, sinundan ko ng tingin si Bebs palapit sa nagtitinda ng taho pero kasabay nun yung pagwasak ng mundo ko. Malakas ang pagkabangga ng sasakyan kay Bebs. Nakakabingi din ang ‘beep’ ng sasakyan, tumili din lahat ng taong nakakita ng pangyayari. Nakakainis. Bakit hindi magalaw yung mga paa ko? Bakit walang kumikilos para tulungan si Bebs? Bakit walang tumatawag ng ambulansya? Bakit? Ang dami kong tanong pero walang sagot. Naliligo si Bebs sa sarili nyang dugo. Nakaaawa. Hindi ko namalayan na iyak na ako ng iyak. Ni hindi ako makalapit sa kanya . Sumisigaw ako pero walang nalabas sa bibig ko. Tumatakbo na ako pero parang slow motion.
“BEEEEEEEEEEEEEEEEEEBS!!!!!”
“Oh anak, gising kana pala. Nasa labas na si Kent.” Sabi ni Mama sabay lumabas na. Napatingin ako sa phone ko, 23 missed calls. At 3:45 na. 4:30 naman yung mass eh. Pero wait.. yung panaginip ko.. Natatakot ako. Parang totoo. Nagbuntong hininga nalang ako at sumilip sa terrace ko. Nakita ko ang lalaking nagpapatibok ng puso ko katabi ang kanyang light blue na Motor. Nagliwanag yung mata nya at parang nagging hyper. Pero makikita mong puyat sya. He mouthed ‘Good Morning’ I smiled and shouted, “Good morning bebs! Sorry late nako nagising ah? Wait moko!! Maliligo lang ako, love you!” di ko na sya pinagsalita at naligo na.
Natapos ako mag ayos 4:06, tanda ko pa diba? Haha, bumaba ako at nginitian ng pagkatamis tamis ang lalaking mahal ko. Nginitian nya din ako bilang ganti.
“Pinaghintay ba kita ng matagal?” sabi ko habang naka-pout. Hinalkan nya ako sa cheeks at forehead saka umiling. Inaya nang mga kamay nya ang kamay ko. “Shall we?” tinanguan ko sya at inaalayan akong sumakay sa motor nya. Bakit puro kami tango at iling? Linagay ko yung kamay ko sa waist nya at ipinulupot ito. Malapit lang naman yung simabahan samin kaya walang problema. Bago nya pinaandar, inabot nya sakin yung pink kong helmet (na sya ang may bili) at sinoot din ang blue nyang helmet. Pinaharurot na nya yung motor.
“Bebs, ang bango mo.” Saka ko sya inamoy-amoy. Ang bango talaga. I heard him chuckled.
“Napapansin mo bang kanina pa tayo puro iling at tango?”sabi ko ng pasigaw, hindi nya yon maririnig kapag mahina. Nasa motor po kami. Tumawa lang sya. Problema nun?!
Nakarating kami sa simbahan ng 4:20. May sobra pang upuan, kaya lang puro babae yung nandun. Simbang tabi ang peg ng mga lola nyo. Nanatili si Bebs na nakatayo malapit sa entrance ng pinto. Siguro nakakararamdam ‘to, alam nya kasing selosa ako pero pinili nyang tumayo ‘wag lang akong magselos. How sweet, but I insist. Lumapit kami sa grupo ng babae at umupo. Ilang minute nalang at magsisimula na ang misa. Saktong pag-upo naming sa gitna ay puro hagikgikan yung naririnig ko. Kesyo ang gwapo daw ni Kent, ang hot daw, ang gentleman, blablah. At kung ano ano pa. Siguro nakaramdam si Bebs kaya pinalupot nya yung kamay nya sa bewang ko. Hah! Mamatay kayo sa inggit!! Sabi ng isip ko. Parang nanlumo naman yung mukha ng mga babae at umirap sa kawalan sakin. Belat.
BINABASA MO ANG
Ang Girlfriend Kong Selosa (On-hold.)
Teen Fiction[On-hold ✔] Qouta for Kabanata 9: 15 votes ;) Paano kung ang girlfriend mo NAPAKASELOSA? :)) Thanks for making the Book cover, @yoursuperheroine <3