Kabanata 4: Boses lalaki.

367 11 3
                                    

Kabanata 4: Boses lalaki.

 Kent Gabriel's POV

"Ma'am, excuse me po. Pwede po ba kay Kent? Pinapatawag po kasi sya ni Coach," sabi ni Kenjie, kateam-mate ko.

"Mr. Martinez, pinapatawag ka daw." sabi naman ni Ma'am De Castro. Tumango ako, at "Excuse me Ma'am, thankyou po." tinignan ko si Sey, tinanguan naman nya ako.

"Yo, men!" sabi ni Patrick sabay fist bumb saken. "Bakit daw?" nag kibit balikat lang sya.

"May importanteng sasabihin daw si Coach eh," sabat ni Kenjie. Tumango lang ako. Naghaharutan lang yung iba kong ka-teammates, haha. Namiss ang isa't isa?

"Ehem," nandito na pala si Coach. "COACH!" sabay sabay nilang sabi, eto talagang mga lokong 'to, parang bata!

"Bakit mo kami pinatawag Coach?" tanong ko.

"Kasi aalis na ako.. Pagtapos ng match natin sa darating na sabado."

--

 "Nak, kain na!" sigaw ni Mama galing sa baba,.

"Opo, Ma. Bababa na." bababa na sana ako kaso may nagtext.

From: Bebs :*

Maganda pa ako sa gabi, bebs! Hihihi. Di mo na ako binalikan kanina? Grabe naman si coach nyo! >3< enebeyen! Habang tinatype ko 'to, nakapout ako! Huehue, sige na. Kumain kana dyan ha? Alam ko naman na gan'tong oras niyaya kana ni Tita, hehe. Eatwell, i love you bebs <3 lablab. :*

-end of text-

Naramdaman kong uminit yung mukha ko. Grabe epekto sakin ni Sey. Di ko tuloy alam kung paano ako mabubuhay kung wala sya. Corny kung corny, aish! MAHAL KO SYA eh. Kinilig ako, pero wag kayo maingay ha? Parang ang akward kapag lalaki kinikilig. Di nyo lang alam, halos mamatay na kami sa kilig, sa loob loob namin.

 "Gabriel! Bingi lang?!" sigaw ulit ni Mama, ganyan kami. CLOSE. Kaya lahat ng nangyayari samin ni Sey, alam nya. Alam nya kung kailan monthsary namin ni Bebs, kaya kapag busy at nakakaligtaan ko, sya nagpapa-alala sakin 'nun. Tinutulungan nya ako maging sweet, kasi alam nyo naman ang mga lalaki, walang ka-sweetan sa katawan. Alam nya din na sobrang selosa ni Bebs. Kaya mahal na mahal ko si Mama. "Opo! Nagtext lang naman si Sey, kaya binasa ko!" sabi ko sabay kuha ng plato.

"Yiee, ang mais ni Kuya! Hihihi," singit ni Maybelle, bunso kong kapatid. "Kumain nalang kayo ng madami," sabi ni Mama. Nag-salute naman si Maybelle sa kanya.

"Ay nak, bukas mamili ka ng mga lulutuin ko sa Noche Buena," sabi ni Mama. December 15 na kasi ngayon. Advance si Mama eh.

PERO MAY PRACTICE BUKAS!?

"Pero Ma! May practice kami bukas para sa laban sa sabado!" sinamaan ako ng tingin ni Mama. MWF o Monday, Wednesday at Friday lang kasi ang pasok namin. Tapos Thursday bukas so, walang pasok.

"Bibili ka o--" di ko na pinatapos si Mama. Tsk!

"Oo na!" sabi ko, sinamaan nya ulit ako ng tingin for the nth time. "Opo na po!" ngumisi si Mama sabay sabi ng, "Good dog, I mean good boy! Hahahaha," pati si Maybelle nakitawa. Kaya sinipa ko si Maybelle sa ilalim ng lamesa. Nilakhan ko sya ng mata, kaya hindi na sya nag-sumbong.

*ring-ring*

"SI PAPA!" sigaw ni Maybelle.

Ofw kasi si Papa, 3 years na syang nasa Singapore. Every two years lang sya nauwi sa Pinas. At hindi nya alam na may girlfriend ako. Ayun yung panakot sakin ni Mma kapag hindi ako nasunod sa utos nya. Kahit na close kami, minsan nag aaway kami ni Mama. Sasabihin nyan, "Susunod ka o sasabihin ko sa Papa mo na may girlfriend ka?" yun! Kung ako Mama's Boy, si Maybelle, Papa's Girl. Kaya lagi kaming nag-aaway nyan kapag nagsusumbong kay Papa. Tss, mga bata nga naman. Legal kami ni Sey sa parents nya, ganun din sakin--hindi pala. Kay Mama lang. Pero kapag tuloy si Papa na uuwi ngayong pasko, papakilala ko na talaga yung Taong mahal ko sa kanya. Di naman sa di kami close ni Papa, nahihiya kasi ako.

"Papa! Alam mo ba na ako ang Top 1 sa room?!" masiglang sabi ni Maybelle sa telopono.

"Hindi, pero ngayon alam ko na kasi sinabi mona. Haha, joke lang anak! Namiss kita, namiss ko kayo!" masayang sabi ni Papa sa kabilang linya. Napa-pout naman si Maybelle.

"Papa naman! Namiss din kayo ng baby nyo! Hihihi. Papa, alam mo, isusumbong sana ni Mama si Kuya Kent kung hindi--Pfft! Syho shushunowd kaysh Mhama! Mehehe, peace!" nag peace pa si Maybelle, napa 'tsk' naman ako at si Mama tumawa.

"Ano anak? Chubby ka--este choppy!" sumimangot lalo si Maybelle tapos binelatan ko sya saka inagaw yung phone.

"Papa! Si Poging Kent 'tong mana sayo, laban na namin sa sabado! Kung napapanood mo lang ako, mapapa-standing ovation ka. Haha," sinipa ako ni Maybelle. Grrr!

"Naman! Mana ka saken 'nak eh, haha. Halatang halata, pati kahinganan ko noon, namana mo!" tumawa naman kaming tatlo,.

"Osya, kami muna ni Papa nyo mag-uusap." sabi ni Mama. Sabay kaming nag 'yiee' ni Maybelle tapos nambelat. Haha, ang kulit lang.

--

Umakyat ako sa kwarto ko, walang magawa. Tatawagan ko nalang si Bebs.

*ring-ring-ring*

Ang tagal naman sagutin, "The number you dialled is out of coverage area, please try again later." Aish! Lumipas ang 15 minutes at naka 88 missed na ako sa kanya. Ano kayang ginagawa nito?!

Last na'to, promise. Lumipas ang 5 ring, she picked up. SALAMAT NAMAN!

"Bebs, ano bang ginagawa mo?! Halos maka 100 missed call nako sayo ah?" medyo inis kong sabi sa kabilang linya.

["Uh, excuse me?! Sino 'to?"]

SHT! BAKIT BOSES LALAKI?!

--

Pam's Note: ANSABE?! HAHAHAHA. ANG HABA NITO! SATISFIED BA KAYO? HAHAHA, SI MAYBELLE NASA GILID. ISN'T SHE CUTE? ISN'T AMAZING? ISN'T SUPRISING? ISN'T IT? HAHAHA. LAKAS MAKA KIM CHUI. XD HAHA.

VOMMENTS PLEASE! MAAGANG PA-BERTDAY NYO SAKEN! HAHAHA. :))

Ang Girlfriend Kong Selosa (On-hold.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon