Chapter 14: Treacherous Friend

838 24 1
                                    



Lance

Kahit na maiinit ang eksena kanina ay pinagpatuloy pa rin namin ang paglalarong iyon, hindi na din bumalik si Devin at Abbylhene, marahil ay naguusap ng masinsinan ang dalawa kaya hindi na ito nag-abala pang bumalik at makisali, hinayaan ko na lamang at nakinig na lamang ako sa nagsasalitang si Katiana

"This White Rose, i would give it to Lourdes, beh! kahit na matagal na tayong nagkapatawaran sa past natin ay ilang beses na din tayong nagpalitan ng 'sorry' sa isa't isa ay hindi ako magsasawang ulit-ulitin iyon, kasi kung..." humagul-gol na si Katiana sa tapat ni Lourdes at inalo naman aiya nito at pinapatahan na "nakinig lang ako sa mga ekplenasiyon mo noon at hindi nagpabulag sa galit at sana hindi ko iyon nagawa, sana maayos pa ang relasyon namin at ang relasyon natin bilang magkaibigan, kung....kung maibabalik ko lang ang panahon..... kung maibabalik ko lang ang oras....... sana nakinig ako sayo, sana .....puro na lang sana...." pagpapatuloy ni katiana, kahit na hirap na hirap na siyang magsalita dahil binabalot na ng iyak ang kanyang mukha, halos hindi din magkamaya ang kanyang paghikbi ngunit  naipahayag naman niya ang kanyang saloobin ng matiwasay

"Ano kaba! diba matagal ko nang sinabi sayo na kalimutan na lang natin ang pangyayaring iyon! tignan mo oh! hindi mo tinutulungan ang sarili mo na maka-move on sa kanya! kahit mahirap.. kahit sobrang hirap ..... sobra sobra... pero kailangan mo nang tulungan ang sarili mo na makalimutan ang bangungot ng nakaraan... kung na kaya ko! Makakaya mo rin Katiana! Tiwala lang! kaya mo!" wala akong kaideya-ideya sa mga katagang binibigkas nila, masyadong magulo kahit pagtagpi-tagpiin mo ang mga pangyayare ay hindi ka makakabuo ng malinaw na konklusyon, wala naman akong naaalalang hidwaan sa kanilang dalawa ni Luli(Lourdes), masyado kasi silang malihim sa grupo at hindi din sila masyadong nakikihang-out sa amin noom pero tinuturing pa rin namin silang dalawa na pinakamahalagang myembro sa Lafam! sila ang Ulo o Utak ng Lafam! sila kasi ang pinaka matalinong dalawa kaya sila din ang aming hinihingan ng tulong kapag meron kaming project o assignments noon, hindi mabubuo ang Lafam kung wala sila

Back to the topic

Gulong-gulo ako dahil sa mga pangyayare ngayong gabi! una ang kay Tanya at Anton, pangalawa kay Abby at Devin, pangatlo naman ay kay Luli at Katiana, masyadong maraming gusot sa aming mga buhay, hindi din kasi kami open sa isat isa lalo na kapag problema, mas gusto kasi naming sinasarili ang aming mga problema kesa shine-share sa isat isa, Bumalik ako sa aking ulirat ng muling nagsalita si Katiana

"This Red Rose i would like to give it to someone special! na gusto ko na din kalimutan, na gusto ko ng burahin na gusto ko ng alisin dito sa puso ko, kasi pagod na pagod na akong magantay sa kanya, na magbabalik pa siya at hihingi ng tawad sa mga bagay na ginawa nila o niya sa akin o sa amin ni Luli, sana magbalik ka dahil kailangan ikaw mismo o kayo mismo ang magpaliwanag sa aming dalawa ni Luli kung bakit nyo nyun ginawa! Kailangan namin ng Closure" tumakbo si Katiana sa dagat na inihagis doon ang pulang rosas at nagbalik ulit sa gitna para muling magsalita

"Etong blue rose ay ibibigay ko kay Luli! maraming salamat dahil pinatawad mo na ako dahil nagawa mong magpasensya sa mga bagay na nagawa ko sayo" sa wakas ay lumitaw na din sa mga mata ni Katiana ang ngiti at maligaya niyang iniabot ito kay Luli at nagyakapan sila

"Sana magbest friend ulit tayo ah!" hinaplos naman ni katiana ang pisngi ni luli

"Magbest friend ulit tayo" tugon naman ni Luli, masayang masaya ako dahil nagayos na ang dalawa sa kung anong problema nila

"Before we proceed sa another person may mahalaga lang akong sasabihin!" sumingit si Tanya sa gitna upang makuha ang atensiyon, ng makuha na nga niya ito ay muli siyang nagsalita

"LaFamilia! bukas sana magkaroon tayo ng open forum, at TAYO LANG!, ako na din ang magsasabi kay Abbylhene mamaya dahil malapit naman ang room ko sa kanya!yun lang thank you" bumalik ulit si Tanya sa pagkakaupo "Pick now! Katiana!"

Lafamilia Series: The Transwoman (TRANSXBOY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon